Tipid akong napangiti.
Liar.
Alam ko naman ang balak niya. Love at first sight? 'Don't fool me, young lady.' Pero sige. Ibibigay ko ang larong gusto mo.
"Really?" i asked.
She nodded while biting her lower lip.
Hindi na ako nakapagpigil at siniil ang mga labi niyang iyon.
Namilog ang mga mata niya sa ginawa ko.
Five. Four. Three. Two. One.
Matapos akong magbilang sa isip ko ay dumistansiya na ako sa kanya.
"Let's go." pagkasabi ko niyan ay lumabas na ako ng kotse at agad nagtungo sa tapat ng passenger's seat para pagbuksan siya ng pinto.
Kitang kita kong nainis siya sa ginawa ko.
Pagkabukas ko ng pinto ng passenger's seat ay bumungad ang ngiti niya sa 'kin na parang okay lang sa kanya ang ginawa ko.
Agad kaming nagtungo sa elevator. I pressed 8th and 10th floor. Nasa 10th floor ang unit ko.
"What you did a while back Mr. Arquilez..." panimula niya.
I know what she's up to.
Alam ko na ang mga susunod niyang sasabihin.
"Now, we're dating." pagkasabi niyan ay bumukas na ang elevator sa 8th floor. Naglakad na siya palabas at nagpaalam na sa akin.
Nangingiti ako pagkasara ng elevator. Pinaluwag ko ng konti ang necktie ko.
I'm almost there.
Sa mga sumunod na araw ay naging exciting ang laro. Umasta kami parehong nagde-date.
I never felt a piece of guilt. Why would i? In fact, pareho naming kailangan ang isa't-isa. She needs me to gain her inheritance. I need her for me to gain my position in the hotel.
We're even.
"Ang ganda pala dito. Palagi ka bang tumatambay dito?" namamangha niyang sabi.
Nandito kami ngayon sa isang mataas na lugar at tanaw namin ang kabuuan ng siyudad. Mas lalo pa itong gumanda dahil sa mga ilaw ng mga gusali.
Gabi na at nagniningning ang mga bituin sa langit na pinapalibutan ang bilog na buwan.
Magkatabi kaming nakaupo sa taas ng sasakyan ko.
"Yeah. Pag may time ako, dito ako minsan pumupunta." i said.
Nginitian niya ako at nagbukas ng isang can ng beer. Deretso niya itong linagok. Napapailing na lang ako.
Nagbukas siya ng isa at inialok sa 'kin. Tinanggihan ko naman ito. Hindi ako pwedeng malasing dahil ako ang magda-drive.
Pinipigilan ko siya sa pag-inom pero ayaw papigil.
Nakalimang beer na siya nang magsimula siyang dumaldal. Lasing na siya.
"General manager..." sabi niyang pumupungay ang mga mata.
Alam ba ng senator na ganito ang anak niya?
Sa mga kilos niya sa harap ng iba, napaka elegante niyang tignan. Wala silang ideya na ganito siya pala umasta sa likod ng imaheng iyon.
"Ano?" sagot kong nakatingin sa city lights.
"Alam mo bang hindi talaga ako na love at first sight sa 'yo?" nangingiting sabi niya habang nakapikit ang mga mata.
"I know." i answered.
"Oh? Talaga? Haha! Nahuli na pala ako. Haha." lasing niyang sabi. "Pero may ikukwento ako..."
Next In Line
Start from the beginning
