Next In Line

19 3 1
                                        


I wish my heart was coated with cement, covered with bricks and surrounded by thick walls.

7 years ago, that was my wish.

Let's just say that I was desperate enough to stop my heart from hurting.

Love. Is this even for real? I don't know. It's just that in my point of view...

Love is just a word. A word that consists of 4 letters. That's it. No more, no less.

Simula ng araw na yun, I define love as a trick, a trap and a danger.

Falling in love is like trying to jump from the top of Eiffel Tower in Paris. Scary.

Funny. Isn't it? Sa iba, love is the most wonderful feeling you could ever feel. While for me, I believe in the other way.

"General Manager, parating na po ang anak ni Senator Piamonte in 15 minutes." Balita sa akin ng secretary ko.

Napahigit naman ako ng malalim na hininga. This is it. A big opportunity in our hotel is coming. Kailangan naming ma-impress ang anak ng senator nang sa ganun ay dito ganapin ang golden anniversary nila.

Balita ko, galing pa siyang New York.

Pinihit ko ang pintuan ng silid na tutuluyan ng anak ng senator at deretsong pumasok dito. "Okay. So na-check na ba lahat?" Tanong kong palinga-linga sa kabuuan ng silid.

"Yes Sir. Inayos din namin ang bedsheet ayun sa kagustuhan niya. Pati rin po ang kulay ng mga kurtina at sa interior design. And also the scent of the room."

Napansin kong may kulang. "Mukhang nagiging incompetent ka na Mr. Vargas." Deretsahan kong sabi.

Nagtataka syang tumingin sa 'kin. "Sir?"

"How about the flowers? Nakalimutan niyo ata. Napaka-plain sa paningin. Baka naman mabigo tayong kumbinsihin sila na dito ganapin ang anniversary nila." Pormal kong sabi.

Nagkamot muna siya ng ulo.

"Ah e Sir, ayun po kay Ms. Piamonte, ayaw niya ng mga bulaklak." Sagot naman niyang nagpataas ng isang kilay ko.

"I see." Tumango na lang ako at naglakad palabas ng silid. Nakasunod lamang ang secretary ko.

"Sir, nasa tapat na daw ng hotel ang sasakyan ni Ms. Piamonte." Nagmadali kaming tumungo sa elevator para salubungin ang anak ng senator.

Pagkabukas ng elevator sa lobby ay napansin ko agad ang pagmamadali ng mga tauhan ko. Parang may kaguluhang nagaganap.

"Bakit kaya nagmamadali ang lahat? May problema kaya?" Nagtatakang tanong ni Mr. Vargas.

Kitang kita ko ang mamahaling sasakyan sa entrance ng hotel na napapalibutan ng bodyguards. Mahigpit ang seguridad ng anak ng senator dahil tatakbo ang ama nito sa pagka-presidente sa susunod na halalan.

Nagmamadaling lumapit sa amin ang Assistant Manager ng wedding department na si Ms. Cruz.

"Sir, may problema po tayo." Sabi nito.

Napakunot naman ang noo ko. "What is it?"

"Ayaw pong bumaba ni Ms. Piamonte sa sasakyan niya." sagot nito. Nagkatinginan naman kami ng secretary ko.

"Ano daw ang problema?" i asked.

"Hindi daw siya bababa ng sasakyan hangga't walang nakalatag na red carpet at banda na tutugtog sa pagpasok niya."

I just heave a sigh.

Ano bang klaseng babae ang anak ng senator?

"Sir? Ano pong gagawin?" tanong ulit ni Ms. Cruz. Napalalim ata ang pag-iisip ko.

Connected StringsWhere stories live. Discover now