Alam kong masama itong ginagawa ko pero parang hindi naman tama kung susulpot agad ako.

"Wait. Don't tell me... Hindi ka pa nakaka-get over kay Felix?" tanong ulit ng kausap niya.

Natawa muna si Alisse bago sumagot. "Ano ka ba! Nakamove on na ako, Ingrid! That was 6 years ago."

"Yeah right. Nakamove on ka na nga. Pero yung paniniwala mo sa pag-ibig, meron pa ba? Naku! If i know, since then binasted mo na lahat ng manliligaw mo sa New York!"

Natahimik naman silang dalawa.

I heard her smirked.

"Ingrid..."

"What?"

"Love? It's something that makes one's heart go crazy. It's a wonderful feeling that could make you smile like an idiot. But could break your heart easily... And unexpectedly."

"Love? I don't know, Ingrid. I don't know. It's a scary thing." sabi niyang walang kaemo-emosyon. Pero ramdam sa boses niya ang pait ng nakaraan.

Natahimik silang dalawa. Maging ako din ay napaisip sa mga salitang binitawan niya.

Somehow, parehas pala kami ng babaeng ito.

"Well, as for the engagement thingy. May naisip na akong solusyon doon." pagpapatuloy niya.

"What's your plan then?"

"The General Manager."

Napukaw naman ang atensiyon ko sa narinig ko.

"What about the general manager?"

"He will be my fiance." she said with confidence. Napakunot noo naman ako.

"How?"

"Just trust me, Ingrid."

"Okay. Let's just say nga na magiging fiance mo ang General Manager nitong hotel. Alisse magiging official yun. Paano kung totohanin yun ng parents mo!?"

"Chill, Ingrid. I can just break the engagement as soon as i received the half of my inheritance."

"But of all peaople, bakit si Ian Clark Arquilez pa?" tanong ng kausap niya na naging sanhi para sabikin ako sa susunod niyang sagot.

Alisse smirked. "Well, that guy." natawa muna siya. "He can't fall...

Just. Like. Me."

Napangiti na lang ako ng mapakla sa mga huli niyang sinabi.

Maigi akong lumabas ng room para hindi makagawa ng ingay.

"Deliver this to Ms. Piamonte's room." utos ko sa nakasalubong kong lalakeng hotelier.

Agad naman akong nagtungo sa office ko para makapag-isip.

Kitang kita ang kabuuan ng siyudad habang nakatanaw ako sa glass wall.

Gusto niya akong maging fiance dahil iniisip niyang hindi rin ako mahuhulog sa kanya kaya hindi siya gaanong mahihirapan kapag sinira niya ang engagement.

I should be mad, right? Dahil iniisip ng babaeng iyon na gamitin ako for her own sake.

Well, no. It's an opportunity for me. Pag naging fiance niya ako, tiyak na sa hotel gaganapin ang anniversary ng nga magulang niya. Hindi ko na kailangang maghirap pa.

That girl.

Maybe she's bored.

And i am too...

She want to play? Okay. I'll show the best game she could ever play in her entire life...

"Hey Mr. Arquilez!" magiliw niyang pagbati nang magkasabay kami dito sa elevator.

Connected StringsWhere stories live. Discover now