"Just tell us if you need anything. Our hoteliers are always available Ms. Piamonte."

Agad naman siyang humarap sa akin at tinitigan ako sa mata. Unti-unti siyang lumapit sa akin. Aaminin ko. Nakakapang-akit ang inaasta niya ngayon.

Nagulat na lang ako nang paglaruan niya ang necktie ko.

"What do you think you're doing?" matigas kong tanong.

Magiliw siyang ngumiti. "I'm just wondering... Why a man like you doesn't have a woman." napansin kong naayos na niya ng mabuti ang necktie ko.

Umasta siyang pinapampag ang magkabilang balikat ko pagkatapos ay dumistansiya na siya.

"Thank you Mr. Ian Clark for accompanying me. You may go... Unless you wanna stay here."

Napapailing na lang ako sa inaasta niya. I wonder kung ganito ba talaga lahat ng babaeng lumagi sa ibang bansa ng mahabang panahon.

"Mr. Arquilez. How's the daughter of Senator Piamonte? Balita ko dumating na siya." sabi ng isang board member.

"Yes Mr. Chan. Dumating na nga siya." sagot ko sa harap ng mga board members.

"I want you to give your best in this, Mr. Arquilez. Kailangang maganap dito ang Anniversary ng senador for the sake of our company." sabi ni Mr. Tan.

"We believe in you, General Manager." nakangiti namang sagot ni Mr. Herano.

Lahat ng tao dito sa board meeting, lahat sila umaasa sa akin. Sa kaya kong gawin.

And lastly...

"You're one of the nominated next president of this hotel, impress us General Manager." sabi ni Mr. Arquilez. My dad.

That's my goal. Kung pumalpak ako dito, mapupunta kay Kuya Tyrone ang kompanya. Mawawala ang pinaghirapan ko sa loob ng maraming taon.

"Sa room ba ito ni Ms. Piamonte?" tanong ko sa hotelier.

"Yes sir. Tumawag kasi siya kanina na magpadala ng snacks sa room niya." she said.

"Okay. Ako na lang ang bahala dito." i said.

Nagtataka naman siyang tumingin sa akin. Tumango na lang ito at iniwan sa akin ang tray ng pagkain.

Nagtaka naman ako pagkakita sa inihanda niyang pagkain.

Mauubos niya lahat ng ito?

Napapailing na lang akong pumasok sa room.

"Ms. Piamonte?" sambit ko nang makapasok ako.

By the way, bakit ako nandito? Simple lang. I want to convince her na dito ganapin ang anniversary ng mga magulang niya.

Tatawagin ko pa sana ulit ang pangalan niya nang makarinig ako ng tawanan sa living area.

"Sira ka talaga! Nagpahanda ka pa talaga ng red carpet! Anong tingin mo sa sarili mo? Hollywood star?" boses iyon ng isang babae.

"Haha yeah right! But that was funny, Ingrid! Halos mataranta lahat ng staff nitong hotel. Halatang hindi inaasahan iyon." natatawang sagot ni Alisse.

I gritted my teeth. Humigpit din ang hawak ko sa tray. This woman is unbelievable.

"You're crazy. Haha! Maiba ako Alisse. So what's your plan? Ngayong kailangan mo pang ma-engaged before ibigay sa 'yo ng daddy mo ang kalahati ng mana mo?" tanong ng kasama niya.

"Ewan ko ba sa kanila. Minamadali nila akong ikasal." sagot nito.

"Alisse, you're already 27. And for pete's sake! You're single for damn 6 years. Siyempre iisipin ng mga magulang mo na wala ka ng balak mag-asawa." sagot ng kausap niya.

Connected StringsWhere stories live. Discover now