"Ano pa ba? Tawagin ang banda at maglatag kayo ng red carpet!" naiinis kong sagot.
Hindi ko pa nakakaharap ang anak ng senator ay naiinis na ako. I hate girls like her.
Umabot ng tatlumpong minuto ang paghahanda sa red carpet at mga designs sa paligid. At tatlumpong minuto rin siyang nandoon sa loob ng sasakyan niya.
Nang handa na ang lahat ay lumabas na siya ng sasakyan.
Halos nakatitig lahat ng tao sa anak ng senator na ngayon ay taas noong naglalakad sa red carpet na inihanda ng hotel.
Straight silky brown hair. Fair akin. Thin red lips. Pinkish cheeks. Navy blue dress with a pair of heels.
Yeah right. She's pretty even without make up.
Simple siyang tignan pero hindi na nagbago ang impresyon ko sa kanya dahil sa ginawa niyang pagpapahanda ng red carpet at banda.
Napapayuko lahat ng tauhan ng hotel na nadadaanan niya. Ilang sandali lang ay nakarating na siya dito sa dulo ng carpet kung saan kami nakatayo.
Labag man sa kalooban ko ay bahagya akong yumuko bilang paggalang sa kanya.
"Welcome to Horizon Hotel. I am Ian Clark Arquilez and i am the General Manager. We prepared everything so that you'll enjoy your stay here. If you need anything, just tell us." i said.
Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa. Now, what is she doing?
"Is this all you can do Mr. General Manager?"
I gritted my teeth because of her question.
Ramdam ng mga tauhan ko ang tensiyon. Kilala nila ako. Ang pinakaayoko sa lahat, yung ina-underestimate ng iba ang kakayahan ko.
Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina. "I'm just kidding Mr. Ian Clark. Gusto ko ng magpahinga." she said.
Tinignan ko naman si Ms Cruz. "Please lead her room Ms. Cruz. May boardmeeting pa kami." mahinang utos ko sa kanya.
"Yes sir."
Hinarap ko naman si Ms. Piamonte. "So, i have to go. Enjoy your stay Ms. Piamonte." pamamaalam ko.
"It's Alisse. In case you're interested General Manager." mapanlokong sagot niya.
Halatang nagulat naman ang lahat sa sinabi niya.
Tumango na lamang ako. Maglalakad na sana ako palayo nang marinig ko siyang magsalita.
"Ah. Right. Pwede ko bang hilingin na ang General Manager ang mag-assist sa akin sa tutuluyan ko?"
Napatigil ako sa palalakad. Rinig ko ang pagkamangha at bulung-bulungan ng mga tao dito sa lobby.
"Ah, Ms. Alisse. Aattend po ng meeting ang General Manager." rinig kong sagot ni Ms. Cruz.
"Ganun ba?" she said in a disappointed tone. "Okay, i'll just tell to dad that this hotel is..."
Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil agad akong naglakad palapit sa kanya at hinigit ang braso niya. Halatang nagulat naman siya sa ginawa ko.
"Let's go. I'll take you to your room." seryoso kong sagot.
"Pero sir. Darating po ang mga board member in 10 minutes. And you should be there before time."
Hindi ko na pinakinggan ang sinabi ni Mr. Vargas at hinigit ang anak ng senator papuntang elevator. Dali dali kong pinindot ang 8th floor at agad naman itong nagsara.
"So, this room was settled according to your requests. What can you say?" i asked when we entered the room.
"Hmm... Great." sagot niyang palinga linga sa loob ng silid.
Next In Line
Magsimula sa umpisa
