Kabanata 5

276K 4.2K 296
                                    

NOTE: THIS IS THE ORIGINAL VERSION OF THE CEO'S MAID. IT IS AVAILABLE ON DREAME.

WHILE THE REVISED VERSION IS AVAILABLE ON PAPERBACK (SHOPEE, LAZADA AND PSICOM SHOP)

Kabanata 5—Game Over

"LAYANA Monjardin!"

Napa-ngiwi ako nang umalingawngaw ang boses ni King—ang kaibigan ni Eliot sa buong hallway ng building. Katatapos ko pa lamang sa aking klase at s'ya na ang bumungad sa labas ng classroom.

"Ssh! Ang ingay mo, mahal na hari!" agad ko s'yang hinila sa kamay upang maka-alis doon dahil sa kahihiyang ginawa n'ya. Ipagsigawan ba naman ang buong pangalan ko.

Matunog na humalakhak si King saka ginulo ang buhok ko. Sumimangot naman ako at inalis ang kamay n'ya doon. Ayoko kasing nagugulo ang buhok ko dahil mahaba na ito. Nahihirapan na akong suklayin kaya minsan tinatali ko na lang.

"Ano po ba kasi ang kaylangan mo at talagang dinayo mo pa ako dito?" kahit naman kasi pareho ang kursong kinukuha namin ni King, malayo ang building n'ya dito ngayon.

"Hinahanap ka na nang amo mo. Paniguradong umuusok na ang ilong nun ngayon,"

Mas lalo akong napa-nguso. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero kasi simula nang mag-trabaho ako kay Eliot, walang araw na hindi n'ya ako pinapahirapan at sinusungitan. Masyado s'yang pihikan pag-dating sa mga bagay-bagay. Kung hindi ko lang iniisip ang pamilya saka kinabukasan ko, siguro matagal na akong umalis sa kan'ya.

Pasalamat na din ako at naging kaibigan ko si King. S'ya 'yung madalas na sumusuway kay Eliot kapag napapa-sobra na ito sa pagpapa-hirap sa 'kin.

"Don't worry, masasanay ka din," pumwesto s'ya mula sa aking likuran saka ako hinawakan sa magkabilang balikat at iminuwestrang maglakad.

"Limang buwan na akong sanay," sagot ko naman.

"What took you so long?" as usual, salubong na naman ang kilay ni Eliot nang maabutan ko sa parking ng Park Internation School—kung saan ako nag-aaral. Dito na din ako nag-enrol sa pinapasukan n'ya para iwas hassle kung sakali mang may iuutos s'ya sa 'kin.

"Dumaan pa kami sa cafeteria ni King bago ako hinatid dito,"

Hindi na naman s'ya nag-komento pa at binato ang bag na hawak sa mukha ko, "Isabay mo na pag-uwi mo. And don't cook dinner for me, dahil hindi ako uuwi,"

"Saan ka matutulog?" umangat ang kanang kilay n'ya. Oo nga pala, bawal akong mangialam sa mga lakad n'ya. S'ya na mismo ang nag-sabi nu'n nang magsisimula pa lang akong mag-trabaho sa kan'ya.

"Anong sasabihin ko kay Mayor kapag tumawag at hinanap ka?"

"Bahala ka." an'ya saka pinasibad ang sasakyan.

Ang totoo n'yan, wala namang pake si Eliot kung mag-sumbong ako sa daddy n'ya. Hindi naman n'ya ako sinisita kahit madalas s'yang pagalitan ni Mayor sa mga gimik n'ya. 'Yun nga lang, madalas n'ya talaga akong sungitan, walang pagbabago, kahit limang buwan na akong nagta-trabaho sa kan'ya.

Nang hindi na matanaw ang sasakyan, lumabas na din ako ng gate para pumara ng jeep at uuwi na din ako. Madami akong gagawin ngayong gabi. May projects saka exams ako bukas, hindi pwedeng balewalain 'yon.

"Hey Layana!"

Luminga ako at hinanap ang natawag. Napa-ngiti ako nang makitang si Axiela ito, ang kapatid ni King—na matalik ko na ding kaibigan. Sa loob ng limang buwan, s'ya ang naging madalas kong kasama. Kaagad kaming nagka-sundo nang ipakilala ako ni Mahal na Hari sa kan'ya. Akala ko nga ay katulad si Axiela sa mga nakikita kong, masama ang ugali dahil sa kasikatan sa University. Pero nagkamali pala ako dahil napaka-bait n'ya. Sa kabila ng kasikatan n'ya sa eskwelahan dahil sa talino't ganda n'ya, kinaibigan n'ya pa rin ako.

The CEO's Maid (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon