Pinatakbo ko ng mabilis ang sasakyan ko..binuhos ko sa pagdadrive ko lahat ng frustration ko..lahat ng nararamdaman ko..hindi dapat ganito ang nararamdaman ko..diba dapat nga matuwa pa ako kasi sa wakas wala ng mangungulit sakin? Wala ng maghahabol? Isa pa..nandito na si Almira..why am I keep on looking for her..kung sa simula palang alam kong hindi ko siya mahal? Bakit?

'Ano ng silbi ni Jam kung nandito na si Almira? Wala na..hindi ko na siya kaylangan..' Yan ang tumatakbo sa isip ko ng mga panahon na iniiwasan ko si Jam..at nung panahon na pumunta si Sebastian sa unit ko para lang pagsabihan ako ng malaman niya ang ginawa ko kay Jam...pero bakit pakiramdam ko masyado akong naging makasarili..pero selfish naman talaga akong tao..kung saan ako masaya doon ako..kahit pa may nasasaktan akong tao..hindi ko naman alam na aalis pala siya..masyado kasi akong nagpabulag sa pinaniniwalaan kong hindi niya ako kayang iwanan dahil masyado niya akong mahal..

Pero bakit ngayon? Bakit yung akala kong ikakasaya ko..parang hindi naman..parang iba naman ang naging dating sakin.. I guess..I'm wrong..so wrong.

Mahal ko si Almira..yun ang alam ko..mahal ko siya at dapat akong maging masaya sakanya..pero bakit iba ang nararamdaman ko?

Maslalo kong pinabilis ang pagpapatakbo ng kotse ko..wala akong pakialam kung magkarron man ako ng paglabag sa batas o mahuli man ako..gusto ko lang ibuhos lahat ng nararamdaman ko ngayon.

-------

Binuhos ko ang atensyon ko sa lahat ng dapat kong gawin kapag nakarating ako ng cebu..isinantabi ko muna ang lahat ng mga iniisip ko..binasa ko lahat ng documents na kaylangan kong reviewhin para sa conference meeting mamaya..lahat ginawa ko wag ko lang maisip yung mga gumugulo sa akin.

Nakarating kami sa cebu at pumunta sa main building namin doon..hindi nga ako sanay na masyadong tahimik ang byahe ko..madalas kasi sa mga ganitong byahe kasama ko si..Stop it Franco! Tigilan mo na'tong mga pinagiisip ko..hindi na maganda para sayo ee.

Nang pumasok kami ni Cecile sa loob ng main building ng MIA dito sa cebu...lahat ng empleyado ko ay binati ako pari narin si Cecile..ngunit kitang kita ang mga pagtataka sa mukha nila..dahil alam kong naninibago din sila kung bakit..iba ang kasama ko ngayon.

"This is Cecile...my new secretary.." Pagpapakilala ko nalang kay Cecile para mawala ang mga pagtataka sa mukha nila.

"Ay sayang wala na si Jam.." Narinig ko pang bulong ng isa sa mga empleyado ko..hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad...dahil tama siya..sayang dahil wala si Jam.

Nang makarating kami sa conference room..nakita kong kumpleto na ang lahat doon..simula sa mga investors at stocks holders at mga ibang empleyado ko na kailangan sa meeting na ito.

"Good morning sir..good morning Ja- ay..bat iba." Sabi ni Mila ang isa sa mga kaibigan ni Jam dito na nagtatrabaho bilang Accountant. Tinignan ko naman siya..at nginitian niya nalang ako ng alanganin saka nagtanong.."Sir, nasan po si Jam?" Tinignan ko lang siya ng walang emosyon.."I don't know.." I anwered.

Desperate Secretary (Completed)Where stories live. Discover now