Chapter 6-4

12 0 1
                                    


Kristen's Pov

Haaaaay, ang sarap pag masdan ang nakikita ko, masayang tropa, "Ba't nandito ka?" tanong ni Curtny, "Tara na don, dali" hiyaw pa nito, nakakatawa para kaming pinakawalan na mga bata. Tumakbo kami papuntang beach side, "Tara na let's start the game" sigaw ni Trexia, "taraaaa" hiyaw naman ni Curtny at tumabi kay Earl, "Anong game ba yan?" tanong ko, "simple lang, spin the bottle with truth or dare" sabi ni Trexia, "pero may twist! if hindi magawa ang dare, iinom ng ten shots, sa truth naman, dapat sasagot talaga or 5 shots! call?" dugtong ni Mark, tong mag shotang to maraming alam.

"Game!" pagsangayon namin, at sinimulan na ang pag ikot ng bottle, first stop kay Gio, at ang magtatanong ay si Curtny, "so Gio? truth or dare?" sabi nito, "matapang ako so dare" pagayayabang nya, tumawa naman kami, "whatever, lap dance ka kay Earl" sabi ni Curtny, mas tumawa kaming lahat, tumayo si Gio at pumunta sa pwesto ni Earl at sumayaw na, yuck ang pangit pala tignan ang baraskong lalaking luma-lap dance sa isang baraskong lalaki, tumawa lang kami ng tumawa, ilang ikot pa ang inikot ng bottle until it end up sa akin.

at ang magtatanong si Mark, "Truth or Dare" tanong nito, "dare" matapang kong sagot, ngumiti ito, "Sige, ahhh, e kiss mo sa cheeks yung taong crush mo" utos ni Mark, nilingon ko si Gio, tumatawa pa ito, tinigna ko si Trexia, kumindat ito, paano to nahihiya ako kay Mark, oo crush ko si Mark, aminado naman ako doon, pero humahanga lang naman ako sa taglay nyang talino, alam rin ito ng mga kaibigan ko, tumayo ako at kinuha ang shots, sunod sunod ko itong ininum habang tumitingin, humiyaw naman ang iba sa pag inom ko, ayuko kong malaman ni Gio na Crush ko si Mark, seloso yung boyfriend ko baka mailang sya rito.

Nasa pang walo na akong shot ko, nang inagaw ito ni Gio, "Bakit parang kabado ka?" tanong nito at ininum ang last two shots ko "h-hindi ah, sadyang ayuko ko lang kayong pinaghihintay" sagot ko, nagpatuloy ang laro na medyo bumaba ang energy ni Gio, mukang gtes nya ata kung sino ang crush, haaaaay.


Gio's Pov

Natapos ang gabi namin na lasing na lasing ang mga babae pwera kay Trexia, bakit hindi sya na lasing? dahil ang kasama naming si Mark ang lasing na lasing, paano ba naman lahat ng shot ni Trexia sya ang umiinom, dahil daw hindi kaya ng girlfriend nya, ending sya pa itong alagain namin tuloy.

"Oh sya, kayo na bahala kay superman ha, ako na rito sa mga babaing ito" sabi ni Trexia, tumango ako at umalis na kami, "tangina ang bigat mo brad, please lang umayos ka" sabi ni Mac, tumawa naman kami, pagpasok sa room tawang tawa pa rin kami sa game kanina, pumasok sa isip ko agad si Kaka, bakit nya tinago sakin na crush nya pala si Mark, hindi sa bini-bigdeal ko pero? ba't parang takot syang malaman ko? paikot ikot ako sa kama ko pero parang hindi talaga ako tinamaan ng ininum namin. Tumayo ako at lumabas, magpapahangin na lang muna ako.

Napadpad ako sa garden ng hotel, kumuha ako ng isang stick ng smoke, sisindihan ko na sana ng may tumawag sakin pag lingon ko, "T-trex? anong ginagawa mo dito?" sabi ko, hinatak nya ang smoke at tinapon ito, "hindi ma gugstuhan ni Kaka na naninigarilyo ka, akala ko quit ka na dyan?" sabi nya, "medyo may iniisip lang" sagot ko, "at bakit lumabas ka rito? paano sila doon" dugtong ko, huminga sya ng malalim, "tulog na ang mga bruha, hindi na magigising yun" sagot nya, "di ka mapalagay sa crush ni Kaka no?" sabi nya sabay lakad papuntang swing, paanong? manghuhula bang babaing ito?

sumunod ako sa kanya at umupo sa tabi nya, "sino ba yang crush nya at parang ayaw nya talagang sabihin" sabi ko, "sure kang hindi mo talaga alam?" sabi naman nya, huminga ako ng malalim, "alam ko namang si Mark eh, pero ba't ayaw nyang sabihin" tanong  ko, "dahil dyan" sagot nya, "dahil sa? dahil sa ano?" naguguluhang kong tanong, "dahil dyan... dyan sa reaction mo, ayaw lang ni Kaka na maging awkward kayo ni Mark, magkaibigan kayo pero seloso ka, e bi-bigdeal mo yun" sabi nya, tinignan ko sya, crush ng girlfriend ko ang boyfriend nya pero parang wala lang sa kanya, "o-okey lang sa'yo?" tanong ko, "ha? oo naman bakit hindi crush is pag hanga, hinahangan nya lang ang  qualities na meron si Mark, pero hindi ibig sabihin non eh, hihiwalayan ka na nya at ipagpapalit kay Mark, Gio tandaan mo lang to, sa'yo lang sya nagsasabi ng I Love you magkaiba yun sa crush lang okey" paliwanang ni Trexia.

ngumiti ako tama sya, mabuti na lang nakausap ko si Trexia kung hindi sumabog na itong utak ko sa kakaisip sa issue na iyon, "salamat Trex ha" sabi ko, "anytime, basta kailangan mo ng girl advice pumili ka lang saming tatlo, wag kang mahiya tropa tayo eh" sabi nya, ngumiti naman ako, "tama tropa tayo" sagot ko, sabay kaming bumalik sa taas at pumasok na rin ako sa kwarto namin upang mag panginga.

Kinabukasan

Pagbaba ko andoon na si Kristen sa Dining area, nilapitan ko sya at niyakap, "kamusta pakiramdam mo" bulong ko, hiniga nya naman ang ulo nya sa dibdib ko, "okey na medyo masakit lang ng kunti" sagot nya naman, "tara mag soup ka na doon" sabi ko sabay hatak sa kanya sa table, "oh? nasaan si Trexia at Kirsten" tanong ni Mac, "Nasa taas pa yata" sagot ni Kristen, maya-maya ay bumaba na rin si Kirsten, "si Trexia?" tanong ni Mark, "may lagnat, hindi nya kayang umalis ngayon" malungkot na sabi ni Kirsten "Ano?" alalang tanong ni Mark, paano ang lakad ng barkada?

Our College Love StoryWhere stories live. Discover now