Chapter 8: Trexia's Battle

5 0 0
                                    

Trexia's Pov

Niyakap ko ng mahigpit si mommy, I really missed her, "tara na anak let's go home na" sabi ni mommy, kaya humiwalay ako sa kanya, "tell me if inurong na ang stupid deal na yun, yun lang ang makakapagpa uwi sa akin" matapang kong saad, "it's lolo's order wala kang choice Trex" sabi ni Kuya Robert, "then I'm staying here, I'm so sorry" sabi ko, huminga ng malalim si mommy, "please anak" sabi nya, "no ma, tama na sigurong hinaharap ko na ang mga bagay na hindi ko hinaharap sa business, let's face it, wala tayong choice, pero I want to have one" sabi ko sabay ng pag pahid ng mga luha ni mommy.

"but, but at least pwede kitang bisitahin" sabi nya, I kiss her cheek, "pweding pwede" sabi ko ang hug her tight.

Kinabukasan nagising ako na magisa na lang dito sa condo, tssss. Umalis na naman si Tyro, kahit kailan talaga gala yung taong yun, pumasok ako sa kitchen, himala may pagkain na, ang bait ng pinsan ko ha

After ng breakfast lumabas na rin ako para maghanap ng lugar upang maka pagisip at magpagisa, nag beep yung phone ko kaya dinampot ko ito at nakita ko na nag text si Kevin, kaya nilagay ko na lang yung phone ko sa bag.

Pagkabukas ko ng pinto nandoon si Kevin, "bakit ka nandito?" mataray kong tanong, "kanina pa ako tumataw at nagte-text sa iyo" saad nya, "I don't care, simple is that" sabi ko at nilampasan sya after I locked Tyro's unit

"nakalimutan mo na ba that we have a meeting date, your grandfather's order" sabi nya habang sumosunod sa akin, I just keep on following, "I guess hindi mo gets, well Kevin, WALA akong planong pumunta" sabi ko sabay lingon sa kanya, "why do you hate me, magkaibigan tayo diba?" sabi nya, nalungkot ako sa sinabi nya, "magkaibigan nga tayo, and you choose to hurt me" sabi ko, hinawakan nya ang mga kamay ko, "you know, katulad mo, I have ni choice" malungkot nyang sabi, "we all have choices, pero pinili mo lang maging puppet nila" sabi ko at tinalikuran ko sya.

"I love you" sabi nya, "if you love me, hahayaan mo ako kung saan ako masaya" sabi ko, "then I'm letting you" sabi nya kaya napa harap ako sa kanya, "let's have a deal" sabi nya, "what deal?" tanong ko, "hahayaan ko kayo ni Mark, hindi ko sasabihin sa lolo mo na hindi pa kayo hiwalay, pero we need to pretend na okey tayo, na tayo" sabi nya

Napaisip ako sa sinabi nya, kailangan ko protektahan ang meron kami ni Mark, kailangan maayos ko ito without disturbing them, without letting him know. "deal" matapang kong sabi, "please wag na wag mong sisirain ang tiwala ko" dugtong ko and I shake his hand.

"dahil may kasunduan na tayo, we have to attend that meeting date, TOGETHER" sabi nya at hinila ako papasok ng kotse nya.


Earl's Pov

Monthsary namin ngayon at heto kami mga boys naghahanda kami sa surprise, I text Curtny kanina na pumunta sa lugar na to by 5:30.

"tingin nyu magugustohan nila to?" tanong ni Gio, "Pare, hindi materialistic mga shota natin kaya, oo ma gugustuhan nila to" masiglang sabi ni Mark at dinampot ang cellphone nya, dumating naman si Mac with the cakes this will be the best monthsary namin dahil magkakasama kami mag ce-celebrate nito.

"exited na ako makita silang masaya" sabi ni Mac, tumango lang ako, ngayong bakasyon kasi nagsimula na ang review namin and naging busy kaming apat, minsan na lang nga namin makita yung mga girls.

Pagkatapos naming maghanda hinintay namin ang pagdating ng girls, ng nakita naming nag park na ang kotse ni Curtny kaya agad kaming nag tago, pagpasok nila

"SURPRISE!" sigaw namin, pero kami ata ang na surprise ng makita namin na tatlo lamang sila, "A-asan si Trexia" sabi ni Mark, mas nalungkot nag muka n g tatlo, "we can't find her, wala sya sa bahay nila and sabi ni Lemuel baka kasama si Tyro" sabi ni Kirsten, dinampot ni Mark ang phone nya, "and I guess she forgot" malungkot na sabi nito at umalis sa loob ng beach house, ano ba ang nangyari kay Trexia at wala sya ngayon? asan sya? bakit parang mayhindi kami alam.

Trexia's Pov

Mag Se-seven na ng nakalabas ako ng office, "hatid na kita?" offer ni Kevin, "no thank you, I wan't to be alone" sabi ko at na una ng maglakad, paglabas ko naka salubong ko si kuya Lemme, "asan ka ba nagpunta kanina ka pa hinahanap nina Kirsten" agad na sabi ni Kuya, "huh? why?" tanong ko, "nakalimutan mo bang monthsary nyu ngayon? sabi ni Kirsten sa text malungkot daw si Mark" sabi ni Kuya, parang sinipa yung puso ko sa narinig ko, how come na kalimutan ko na monthsary pala namin ngayon, ganoon na ba ka puno yung utak ko.

"ku-kuya, I need to see Mark, I-I have to see him" natataranta kong sabi, tumango sya at agad kaming sumakay sa sasakyan nya, "nasa resort daw sila, makakahabol pa tayo" sabi nito, agad kaming dumaan sa isang pizza parlor, alam kong hindi pa kumakain si Mark, I know hindi kakain yun.

naramdaman kong umaagos na pala ang luha ko, "kaya pa?" tanong ni kuya, "kakayanin para sakanya" sabi ko, pagdating namin sa resort agad akong pumasok, "trex?" sabi ni Kirsten, "where have been?" agad naman na bungad ni Kirsten, "pwe-pwede mamaya na? asan si Mark?" agad naman nilang tinuro ang sea side patakbo akong pumunta doon.

"bo-boo" tawag ko, lumingon sya at tumayo at lumakad, "boo I know galit ka sorry" sabi ko sabay hawak sa kamay nya, "may cellphone ka diba?" galit nyang sabi at tinabig ang kamay ko, "I know, kasalanan ko hindi ko tinitignan ang phone ko, boo I'm so sorry nasa business meeting ako with lolo kaya hindi ko na check" sabi ko, nilingon nya ako, "ano ba meron and this past few days hindi namin alam kong anong nangyayari sayo" sabi nya parang napako ako sa tinatayuan ko, hindi nya pwedeing malaman. Hindi.

Our College Love Storyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن