Dear Kababata

2 0 2
                                    

Dear Kababata,

Kamusta kana? Naaalala mo paba ako? Kasi ako, lagi kitang naaalala. Kahit saang sulok ng lumang cellphone ko may nakakabit na alaala mo. Napapabuntong hininga nalang ako sa twing mapapatambay ako sa inbox ko na wala namang laman maliban sa mga messages ma galing sayo, sa mama ko na pinapauwi na ako, at sa 8888 na pinapaalala na mageexpire na ang load ko. Yung pagmamahal ko kaya sayo? Kelan kaya mageexpire? Para kasing napasukan ng bug tong puso ko. Di na matapus tapus ang unliPagibig ko sayo. Haynako, pati nga rin sa facebook account ko, ikaw nanaman ang nakikita ko. Lalo na sa messages nanaman nito. Ikaw lang naman kasi ang nakakachat ko, maliban sa groupchat namin ng classmates ko, at mga arabo na ewan ko kung bakit walang sawa sa pagchat kahit di na nirereplyan. Parang tayo ngayon, kahit ichat kita hindi mo na ako nirereplyan. Samantalang nuon, mabilis kapa kay Flash na magreply o kaya bawat bukas mo ng Facebook, ichachat mo na agad ako kahit offline palang ako. Siguro nga nahawa narin ako sa mga arabo, hinihintay ko parin ang araw na magrereply ka sa mga tanong ko, okaya kamustahin mo manlang ako. Malapit na nga ang birthday ko, sana tulad ng dati, batiin mo ulit ako. Sana naaalala mo rin ako sa bawat pagbukas mo ng cellphone o laptop mo. Sa twing hahawakan mo ang lapis at papel mo para gumuhit ng kung ano ano. Pati narin sa twing papasok ka sa paaralang pinapasukan mo hanggang sa pagbukas ng kwaderno mo. Pag matutulog ka sa gabi, sana hinahanap hanap mo rin ang pakikipagpuyatan mo , ang mga jokes mo na nakabihag ng puso ko. Mga banat mong may karugtong lagi na "Joke Lang" na ipinagdarasal ko na sana ay naging totoo. Na sana nga ay minahal mo rin ako.

Umaasa,

Kuneho

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Joke LangWhere stories live. Discover now