12. Ang Pagtatapos ng Truce

6K 96 11
                                    

12. Ang Pagtatapos ng Truce

Myka

Ang swerte naman ni Syndi may Rain na nanliligaw sa kanya. Tapos ako hindi man lang ako pinapansin ni Ryan...Hmmmp! Ang daya naman kasi eh!

 Matalino naman ako....maganda....mabait.....sweet at cute. Bakit ganun?

BAKIT!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Asar ha!

"Ryan pa picture naman kami sayo oh"

"Hindi ako si Ryan"

"Okay lang, sige na please...."

"Hindi ako artista"

"Isang picture lang"

Huminto ito, inayos ang salamin saka matamang tinitigan ang mga babae "Yayaman ba ako kapag nakipagpose ako sa inyo. According to the Civil Code of the Philippines, article 26:  Every person shall respect the dignity, personality, privacy and peace of mind of his neighbors and other persons. The following and similar acts, though they may not constitute a criminal offense, shall produce a cause of action for damages, prevention and other relief. Kung hindi nyo ako titigilan hindi ako magdadalawang isip na ipahuli kayo sa mga gumagalang pulis dito"

O__O

"S-sorry" nag-si alisan din ang mga babae

Grabeh!!! Akalain mong may alam pala iyun sa Civil Code ng Pilipinas tungkol sa Human Rights? Ang galing ah!!! Saulodo pa niya na walang palya....

"Kanina ka pa ba diyan?"

Huh?! Ako ba ang kinakausap niya?

"Tinatanong kita?" hinarap niya ako saka lumakad palapit sa aken...Gosh! Heto na naman ang puso kong nagtatambol na naman na parang may Ati-atihan at Sinulog sa loob... Tama nga ako si Ryan talaga ang isang ito.

Medyo weird naman kasi ang ugali nito... Iba kapag kaharap ang ibang tao....iba din kung kaharap ang pamilya nito. Minsan lang din kung magsalamin kapag pinagtri-tripan lang niya.

Itinuro ko iyung sarili ko "A-ako?!"

"Hindi iyung mga halaman at puno...syempre ikaw"

"Ah...actually, kanina pa ako dito nakaupo"

"Napansin ko nga..." walang sabi-sabing umupo siya sa tabi ko ... super lakas na ng tibok ng puso ko... Kahit na busy parin siya sa pagbabasa okay lang iyun... "Bagay sayo ang pula....peru bakit wala akung nakikitang may kulay na pula na suot mo?"

"H-huh?"

Bumaling siya saken "Sinabi ko sayo na bagay sayo ang pula. Bakit hindi pula ang headband mo?

Montague Brothers - COMPLETED 2013Where stories live. Discover now