THIRTY-EIGHT

1.9K 47 10
                                    

RACHEL'S POV

"Hey.. you ready to go? Baka hinahanap na tayo nina Capt." Ngiti ni Jovs sa akin paglabas niya sa kwarto ni Deanna.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Jovs na.... na...

Stupid.

Bulong ng utak ko sa akin.

Napalukot naman ako ng mukha habang kinakain ng hiya ang mga kalamnan ko.

"Hey.. you okay?" Concerned na lapit ni Jovs sa akin at umupo sa may arm ng sofa sa tabi ko.

"Ahhh cge mga Ate, mag-aayos din lang po ako ng gamit ko." Mahinang sabi ni JV na binigyan muna ako ng makahulugang tingin bago dumiretso sa pangalawang kwarto.

Naramdaman ko namang uminit yung mukha ko nang lumapit si Jovs sa mukha ko para tignan ako.

Agad naman akong nag iwas ng tingin sa kanya. "Yup.. okay lang... let's go?" Pag iiwas ko sa usapan at tumayo na.

"Okay.." sabay baling niya sa mga kwarto. "Deanna! JV! mauna na kami! Take care, Kiddos!" Sigaw ni Jovs para marinig nung dalawa. "Keep an eye to the two, okay? Bye Artemis." Halik niya sa aso na dinilaan naman siya sa pisngi.

Hindi na hinintay ni Jovs na sumagot yung dalawa at hinila na ako palabas ng bahay.

Napansin kong hinihila ako ni Jovs sa ibang daan kung saan kami naglakad kaninang papunta kami dito.

Napansin siguro ni Jovs yung hesitation ko kaya hinarap niya ako pero hawak pa rin niya yung isang kamay ko.

"I just want to show you something.. and may sasabihin din pala ako sayo....
Don't worry. Mabilis lang tayo."
Kindat niya sa akin.

Tumango nalang ako sa kanya at nagpadala sa hila niya.

"Uhhmm Jovs.." paninira ko sa awkward na atmosphere namin.

"Hmmn?" Baling niya sa akin bago tumigil sa paglalakad.

"I've got something to tell you, too." Sabi ko at nag iwas ng tingin.

Pero bago ko pa naibaling sa dagat yung mga mata ko, nakita ko kung pano napalitan ng kaba yung expression ng mukha niya.

Napansin ko din yung pagluwang ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

Pero hindi ko hahayang bigyan siya ng reason para i-confirm yung iniisip niya.

Hindi ko siya masisisi... Sa dami ng sinabi kong kaartehan these past few days...

Kaya hinigpitan ko yung hawak ko sa kamay niya.

Napatingin naman siya sa akin na parang nagtatanong yung mukha.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan yung tungki ng ilong niya.
"Where we off to?" Tanong ko ng nakangiti sa kanya.

Kumunot naman yung mukha niya sa ginawa ko kaya nginitian ko nalang siya ng matamis.

There is sudden rush of emotions that took place sa mukha niya... and I'm pretty sure one of them is guilt.

"Chel, you shouldn't be like that to me." Sabi niya at nag iwas ng tingin.

"Like what?" Tanong ko naman sa kanya na nakakunot ang noo.

Nakita ko kung paano siya mag struggle for words..

"Aiish.. nevermind.. follow me." Sabi niya at hinila na ako.

Naalala ko yung sinabi ko kanina bago kami pumasok sa cabin niya.. and a pang of guilt took over my mood.

MAYBE IT WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon