Chapter 1

1.4K 47 0
                                    

He's Back

Nahulog ang isang letrato mula sa librong binabasa ko. Agad ko namang pinulot iyon at tinignan.

"Tss," mapait akong napangiti.

Iyon ang letrato namin ni Xiv kasama pa ang bestfriend kong si Alex noong 7th birthday niya. Nakaakbay sa akin si Xiv habang ngiting-ngiti sa camera habang sobrang sama naman ng tingin ko sa kanya. Si Alexa naman ay nakayakap sa kanang braso ko habang nakangiti din sa camera.

Napabuntong hininga ako.

It was in the middle of our 1st year highschool when Xiv suddenly disappear. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. I was waiting for the results of the third term ng bigla na lamang siyang mawala.

Nang lumabas ang resulta kung sino ang nangunguna sa klase ay ganoon na lamang ang tuwa ko dahil nakita ko na sa wakas ay ako na ang nangunguna sa klase. Ipagyayabang ko na sana iyon kay Xiv pero hindi ko siya mahanap. Nang muli kong tignan ang listahan ng top 100 sa buong year namin ay hindi ko nakita ang pangalan niya.

I went to our adviser at sinabi niya sa akin na nagdrop-out na daw ito. Hindi niya sinabi sa akin kung ano ang dahilan kahit anong pilit ko sa kanya. Nagtanong din ako sa mga kaibigan niya pero ni isa sa kanila ay hindi rin alam kung bakit bigla na lamang itong umalis.

Now, its my last year on college. Running for summa cumlaude ako sa kursong legal management which is expected. I always excel in everything I do. I'm always the best but not when Xiv is here. If I'm the best siya naman ang lumikha ng word na bestest. Kahit anong gawin ko ay hindi ko siya matalo. Pero dahil nga sa bigla na lamang siyang naglaho na parang bula, ako na ulit ang magaling sa lahat whoch is boring.

Kapag wala si Xiv, kahit hindi ako mag-effort ay ako ang mangunguna sa lahat ng bagay pero kapag nandito siya, kahit na ibigay ko ang best ko ay hindi ko siya magawang matalo.

I miss him, actually. I miss my archenemy. Napakaboring ng buhay ko kapag wala siya. Gusto ko ding malaman kung may nakatalo na ba sa kanya. Sana wala dahil ako lamang ang pwedeng gumawa ng bagay na iyon.

"Tulala ka nanaman, Mae," napatingin ako kay Alexa. Hanggang ngayon ay magkasama pa rin kami. Magkaiba nga lang kami ng course. Psychology ang napili niyang course.

"May iniisip lang ako," sabi ko at ipinagpatuloy na ang pagbabasa. Ibinalik ko sa pagkakaipit ang letrato namin

"Si Xairill?"

Napataas ang isa niyang kilay sa sinabi ni Alexa. Gusto niyang ideny pero alam ko naman na alam niyang tama siya.

"Nakakamiss din ang mokong na iyon. Lalo na ang mga bangayan ninyong dalawa," napapangiting sabi niya. Hindi ako nagkomento dahil baka masabi ko lang na namimiss ko rin ang bwisit na iyon. Pitong na taon ko na rin siyang hindi nakikita.

"Balita ko may bagong transferee dito. Sobrang gwapo daw kaya naman kalat na kalat sa buong university ang tungkol sa kanya. Sana kaklase ko siya!" nakangiting sabi niya.

"Talaga? Tumatanggap pala ang school ng mga transferee kahit sa kalagitnaan ng semester," sabi ko habang nasa libro pa rin ang atensyon ko.

"Ayun nga din ang hindi ko maintindihan. Ang sabi nila, sobrang matalino daw yun. Genius pa nga daw e kaya naman walang pagdadalawang isip na tinanggap ng school."

Napatingin ako sa kanya. Genius huh?

"Malay mo ka-course mo siya tapos siya na ang papalit sa pwesto ni Xairill. Siya na ang magiging number one enemy mo!" nakangiting sabi niya. Napangisi nalang ako.

"No one can beat me aside from Xiv kaya naman siya lang ang nag-iisang archenemy ko. Kung sino man ang transferee na iyan ay wala akong pakialam kahit gaano pa siya ka-genius o kahit mas genius pa siya sa amin ni Xiv. Si Xiv lang ang kalaban ko."

Loving My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon