Pagkabasag ng kan'yang puso.
"Mas mabuti na sigurong sumuko na lamang ako." saad ng negatibong parte ng kan'yang isip.
Idadaan nalang kita sa awitin kong ito. Sabay ang tugtog ng gitara~
Napahawak s'ya sa kan'yang gitara.
Ipinwesto n'ya ito sa kan'yang kamay at binti at tsaka nagsimulang umawit.
"Idadaan nalang sa gitara."
Pagkamutawi ng mga salitang ito mula sa kaniyang bibig ay iminulat n'ya ang kan'yang mga mata.
Kasabay ng pagtulo ng kan'yang luha.
Naaninag n'ya ang isang pigura ng tao. Isang babaeng nakangiti na nakasuot ng kulay lilang bestida na talagang nababagay sa maputing kutis nito.
"Eman."
Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at tsaka muli itong iminulat. Inaakala na ang lahat ay isang likha lamang ng kan'yang imahinasyon.
"Eman. Gusto kita."
Unti-unting lumalapit ang babae sa kan'yang pwesto.
"Mali. Mahal na pala kita."
Napatigil s'ya gawa ng mga katagang sinabi nito. Hindi n'ya magawang gumalaw.
"Napagtanto kong kailangan ko nang sabihin, dahil hindi na kaya ng aking puso ang damdaming ito. Tila sasabog na."
Nanatili s'yang nakatitig dito. Hindi makapaniwala sa nangyayari.
"Mabuti na lamang ay pinayuhan ako ng aking kuya na ako na ang gumawa ng paraan dahil napakabagal mo. Bakit ba kasi ang torpe-torpe mo? Apat na taon na akong naghihintay sa'yo. Ayoko nang patagalin kaya't ako na ang kumilos." Ani Maria habang nagpipigil ng ngiti.
Napatayo mula sa pagkakaupo si Eman ng marinig ang iwinutawi ni Maria.
"May kapatid ka?" Nagtatakang tanong n'ya sa kaharap.
"Oo. Si Kuya Jansen. Half brother ko. Kanina lang kami nagkita ng kapatid ko. Ipakikilala nga sana kita kung hindi ka lamang umalis kaagad." Sagot naman nito pagkatapos tumango.
Napaisip nalang s'ya bigla.
Pinagkakabit-kabit ang mga pangyayari na para bang isang puzzle.
At nang may napagtanto...
"H-hindi mo m-manliligaw 'yon?"
Tuluyan nang napatawa ang babae sa naging reaksyon ng lalaking kaharap n'ya.
"Ano? Mahal mo din ba ako? Dahil kung hindi'y uuwi na lamang ako."
Pabirong tumalikod si Maria at nagsimulang naglakad. Agad itong pinigilan ni Eman sa pamamagitan ng pagpigil sa kan'yang braso na nagsilbing pamigil din sa kan'yang pag-alis.
Na nagsilbing pamigil din ng sakit na kan'yang nararamdaman kanina.
Napalitan ito ng saya.
"Mahal din kita, Maria. Mahal na mahal."
Masaya nilang pinakikinggan ang bawat silakbo ng kanilang puso. Magkaisa sa bawat segundo---sa ilalim ng punong iyon na nagsilbing saksi sa kanilang nabubuong pagmamahalan.
Idadaan nalang sa gitara~
YOU ARE READING
Gitara (One Shot)
Short StoryA boy who lost hope of having his one and only love. But little did he know, she loves him too. She was just waiting for him to do the first move. OneShotSeries #1
Gitara
Start from the beginning
