Snippet 9.2 - Broken Strings

Start from the beginning
                                        

Papasok na sana ako ng Jollibee nang bigla kong namataan si Kiefer kasama si Alyza. Nakaupo sila malapit sa counter. Damn this timing!

Kung kailan di pa ako ready na makita sila saka naman sila magpaparamdam. Tumalikod nalang ako at nag desisyong bumalik sa sasakyan. Kahit na nakapark na ako, aalis nalang ako para pumila sa may drive thru at sa car nalang kumain.

Sakto namang papasok na ako sa kotse nang maaninag ko si Von. Hindi ko na sana papansinin kaso tinawag ako, eh.

Von: Ly! Long time no see!

Lumapit siya sa akin at nagbeso kami.

Ly: Hi. Sorry ha, mejo naging busy, eh. Lamo na training tas raket din.

Von: Grabe idol talaga. Dami mo na sigurong pera. Libre naman jan kahit Jollibee lang.

Tumawa ako. Okay lang sana Von, eh, kaso may epal sa loob.

Ly: Naku Von. Tapos na kong kumain, eh. Next time nalang ha pag nagkita ulit tayo.

Von: Aasahan ko yan, Ly ha. Baka di ka na naman magpapakita. Kuripot mo na siguro pag tatakasan mo pa yung libre mo sakin.

Natawa nalang ako kasi kumunot pa ang noo ni Von na animo'y nagtatampo.

Ly: Oo na, magpapakita na 'ko. Promise.

Agad namang gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi.

Von: Lika nga, pa hug. Namiss kita, eh.

Ly: Naku ikaw Von ha. Nakakahalata na ako. Wag masyadong obvious, brad.

Biro ko sa kanya. Tumasa siya. Same old Von, masayahin pa rin. Eh yun kayang kaibigan niya... No, no, no. Erase, erase, erase. He opened his arms for me kaya I hugged him na rin.

Naputol lang ang yakapan namin nung tumunog ang cellphone niya.

Von: Naku Ly. Kanina pa pala ako hinihintay nila Kief sa loob. Una na ako ha.

Ay, so third wheel si Von? Ngumiti nalang ako saka tumango.

Ly: Go. Aalis na rin naman ako, eh.

He hugged me for one last time saka naglakad papuntang Jollibee. Papasok na sana ako sa kotse nung tinawag niya ako ulit. Pagkalingon ko...

Von: Hi kita kay Kief, okay lang? Miss kana rin nun.

Ewan ko pano mag react. Ayoko namang basagin ang magandang mood ni Von kaya tumango nalang ako at pumasok na sa kotse.

I breathed out a sigh.

Sana nga, Von. Sana nga...

**********************************

Kanina pa kami nakain ni Alyza dito sa Jollibee. Pareha kaming walang imik. Di ko nalang pinansin ang awksard atmosphere at nagpatuloy na sa pagkain.

These past few months have been hard for the both of us. Naging busy kami sa aming individual life at madalang nalang kaming magsama. Well, actually, I choose not to spend time with her. Ewan ko ba. Basta parang nawalan na ako ng gana. Don't get me wrong. I tried and I am still trying for the benefit of us, pero sobrang laki na ng agwat sa pagitan namin.

We needed to talk but I wasn't sure kung kailan ang tamang timing. Plus, hindi ko rin alam pano ayusin ang gusot nato ng hindi siya masasaktan ng todo. Ngayon pa lang, alam kong itong nangyayari sa amin ay masakit na para sa kanya. Sa akin rin naman. Pero, paano nga ba?

Alyza: Kief...

Napatigil ako sa pagsubo at tinignan siya. Hindi pa siya nakakalahati sa kanyang pagkain. Pinaglalaruan lang niya iyon ng kanyang tinidor.

Snippets (One shots)Where stories live. Discover now