⇜CHAPTER 3⇝

Magsimula sa umpisa
                                    

                “Maeda!” tawag ni Kenji sa pangalan nito. Tinakbo ni Kenji so Maeda at agad itong tinulungan. Hinablot niya ang biter sa sira-sira nitong damit at agad itong sinaksak sa ulo, malapit sa tenga. Humihingal na napatingin si Maeda sa kaniya.

                “Okay ka lang?” tanong ni Kenji saka inabot ang kamay kay Maeda. Tinanggap ito ng babae at tinulungan niya itong makatayo. Agad nilang hinarap ang ibang biters pagkatapos.   

                Samantala.

                “Haaahh,” nagpa-panic na sigaw ni Ren nang hindi pa rin mamatay ang biter na kanina pa niya sinusubukang patayin. Sumugod uli ang biter. Isang mababaw na hiwa lang ang natamo nito sa pag-atakeng muli ni Ren. Nahawakan nito ang braso ni Ren dahilan para lalong mag-panic ang huli. Nagbanta ng kagat ang biter pero maagap na napigilan ito ni Ren. Pinigilan niya ito sa noo para hindi siya makagat. Pero nahihirapan siyang pigilan ang kalaban at unti-unti nitong nailalapit ang bibig sa kaniyang mukha.

                “Lumayo ka sa ‘kin. Aahh,” nagpa-panic sa sabi ni Ren. Halos maabot na ng mga ngipin nito ang kaniyang mukha nang biglang lumusot ang talim ng isang kutsilyo sa ulo nito. Muntik pang mahagip ng dulo ng kutsilyo ang ilong niya. Si Kenji ang nakita niyang nakatayo sa kaniyang harap nang bumagsak ang biter.

                “What the hell, Ren!? Ano’ng ginagawa mo?”

                Natutulalang hindi nakasagot si Ren.

                “Aim for the head, Ren. THE HEAD! Hindi nyo ba alam yon?” naiiritang tanong ni Kenji.

                Napailing lang si Ren.

                “Damn!” mura ni Kenji. Tinulungan niya si Shizu na halos ma-overwhelm na rin ng biter. Si Ren naman ay tinulungan si Maeda.  

                “Halina kayo. Dali,” sabi ni Kenji na nagmamadaling tumakas kasunod nina Ren. Pinagtulungan nilang patayin o itulak ang mga nadaraanan nilang biters. Anything to get them out of their way. Para makatakas.

                Halos maubusan sila ng hininga nang marating nila ang border ng bayan ng San Roque at San Isidro. Wala itong arko pero may isang sementong kasingtaas ni Maeda sa kaliwa ng daanan. Nakasulat doon ang salitang “Welcome to San Isidro”. Nagtago sila sa likod niyon.

                “Hindi kalayuan dito ang bahay ni lolo,” mahinang sabi ni Kenji habang nakatingin sa mga naglalakad na biters sa di kalayuan.

                “Kenji, sigurado ka bang aabutan pa nating buhay ang lolo mo?” tanong Ren. “Sorry kung negative ako, pero tingnan mo nga iyong mga biters. Ang dami nila.”

                Hindi agad nakasagot si Kenji. Ang totoo kinakabahan din siya at nag-aalala na baka nga hindi nakaligtas ang lolo niya.

                “Ligtas siya, Ren,” sabi ni Kenji nang hindi tumitingin sa kausap. Nagkatinginan lang sina Shizu at Ren.

                “Paano tayo makakaiwas sa kanila?” tanong ni Maeda na tinutukoy ang mga zombie na palakad-lakad.  

                “Iwasan natin ang kalsada. Gamitin natin ang mga bahay at puno para makapagtago. Kung meron man tayong hindi maiiwasang madaanan, we’ll just have to kill them. Kailangan nating gawin iyon nang walang ingay.”

                Saglit silang nagkatinganan na parang naging ugali na nila. Parang silent communication.

                Tinanguan ni Kenji ang mga kasama bago siya naunang kumilos. Niligid niya ang sementong pader na pinagtataguan at maingat na pinasok ang bayan ng San Isidro. Gaya ng plano, ginamit nila ang mga puno at bahay para makaiwas sa mga biters. Pinagtulungan nilang patayin ang mga makakasalubong na zombie hanggang marating nila ang isang lumang bahay. Sumandal sila sa dingding niyon malapit sa pinto.

Among the Dead #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon