KAPITULO III

29.4K 329 30
                                    

"Warning: the death is coming. The reaper is right behind you"--xx


AVY

Nakasandal ako kay Mika. Habang minumulat ko yung talukap nang aking mga mata, naririnig ko yung pagsipol niya. Mukhang wala pa rin kami sa pupuntahan namin. How boring. Tinignan ko yung katabi ko. Tulog. Ang sakit nang leeg ko. Parang na Stiff neck.

Napaka unusual. Kasi ang tahimik namin. Parang may tensyong naganap habang natutulog ako.

Ginala ko yung mata ko sa buong bus kahit medyo nahihilo pa ako. Nakita kong nakasimangot lahat ng nasa likod. Well, anong bago.

Chills.

Parang nagsitayuan yung mga balahibo. Hindi ko alam kung bakit. Pero oarang intense. Parang may nakatingin sa akin somewhere. Lalo ko pang iginala yung tingin ko.

Wala nang masyadong gising. Lahat kami pagod sa biyahe. Lahat kami pagod sa mga pinagdaanan namin bago pumasok sa bus na 'to.

Jeez. Double meaning.

Isinawalang bahala ko na lamang yun. Isinara ko na ulit yung mga mata ko. Hindi ko alam pero sobrang pagod ako netong mga nakaraang araw kahit parang wala naman akong ginagawa.

Gustong gusto ko na talaga magpahinga pero hindi pwede. Parang may pumipigil.

Hanggang sa hinila na naman ako nang antok.

--

Craash.

Yun yung nagpagising ulit sa diwa ko. Wala akong ibang marinig kundi reklamo nang iba.

"Oh shit. Manong ano ba? " Nakabulyaw na saad ni Jose kay Kuya driver.

"Pasensya na. Nasiraan tayo eh." Nakangiting saad ni manong driver. Buti pa si manong pa chill chill lang. Itong mga kasama ko ang iinit na nang ulo. Oh well. Anong bago? Lagi naman silang ganyan. Konting ano sigaw. Konting ano galit. Gosh. People.

Tumayo ako habang si Mika naman inaayos yung mga gamit naming dala na nagsilaglagan. Ganyan naman yan eh. Tahimik sa labas. Kalog pag kami na lang. Nakakatuwa lang na nailalabas niya yung true self niya kapag nasa paligid ako.

"Gusto mo ata makareceive nang 35 stab wounds." Lahat kami napatingingin kay Jose na may pahabol sabi pa. Creepy.

"What? Just kidding." He shrugged.

Umuusok yung harap nang bus. Pero sabi ni manong maayos naman daw yun mga wala pang isang oras.

JANINE

"Janine, pakilabas na nga si Kuyang driver. Pakitanong nga kung gaano pa katagal bago maayos yung sasakyan. Salamat." Utos ni Elise. Bago ako makatanggi, may salamat na agad. Sino ba kasi nagsabing susundin ko yang si Elise. Nakakainis kung hindi ko lang mahal 'tong babae na'to.

Naghihikab akong lumabas sa bus. Naakatamad naman kasi. Bakit hindi na lang yung mga boys inutusan. I mean, kadaldalan nga namin si Joshua, bakit hindi siya?

"kuya, anong oras pa daw po ba yan matatapos?"

"Saglit na lang ineng." Nakangiting sabi ni manong.

"Bakit po ba tayo napatigil? Parang ayos naman yung byahe natin kanina?"

"Sa sobrang init siguro nang panahon kaya ganyan. Pasensya na talaga."

Agad naman ako napangiti. Bihira na kasi yung mga ganitong driver. Na sobrang pagod na, nakangiti pa.

"Ineng, talaga bang kayo lang? Kasi kung kayo kayo lang, mas mabuti nang wag niyo na ituloy ang lakad ninyo." Ani ni kuya kaya agad naman napakunot ang noo ko.

"Kuya, matatanda na po kami. I mean kaya na po namin yung mga sarili namin so don't ya worreh,uki?" Pagbibiro ko pa.

"Pero kasi may usap usapan sa lugar namin nang matatanda na kapag may humarang sa dadaraanan niyo na wala ng buhay, kayo na ang susunod ." Seryoso niyang sagot.

"Ay manong! Wala namang ganyanan. Pag ako di nakatulog mamayang gabi kasalanan mo."

"Pero nakita ko talaga yun." Napanganga naman ako. Gusto ko na umuwi. Nanakot si manong! "Pero usap usapan lang naman yun. Malay mo naman 'di ba?" Ngumiti na siya ulit at nawala na yung serious tone niya. Ay susme. Nanakot lang talaga. Pero kinabahan talaga ako.

Sabay na kami bumalik sa loob nang bus. Tirik na rin masyado yung araw kahit na madaling araw pa lang umalis na kami para di kami gabihin sa pag akyat.

Pero hindi ko naman sinisisi si manong. Ang tanga nung bus tumirik sa gitna. Ganon. Haha.

"Sa wakas aalis na tayo. I mean, sino ba kasing gusto umakyat sa bundok nang mainit? Like, pagpapawisan ako. Ew lang. " Malakas na sabi ni Paula.

"Pakihanap paki namin Pau para masaya. " pambabara naman ni Andrew sa kanya. Taray.

"Kausap ka? "

"Shut up freaks. Lalo kana Paula, isa pang salita mo tignan mo  isasaksak na kita kabaong mo." Tila namang nagclose open yung ilong ni Paula.

Agad akong napatawa. Magsama sama ba naman daw ba yung mga pikon dito eh.

"Ano Janine? Tutunganga na lang dyan forever? Sayo na mapapatunayan yung forever?" Pamamaldita ni Bhea kaya tinaasan ko siya nang kilay.

"Manahimik na kayo baka kayo naman isilid ko sa kabaong. " Badtrip na sabi ni Jose na halatang naistorbo. Whatever. Kala niyo mapipigilan niyo kami dumaldal ha.

Bigla ko na lang naramdaman yung pag ihip nang malakas na hangin.

Okay. Walag ganyanan. Naka aircon kami pero. Omg. Si manong kasi nanakot eh!

Tumakbo naman ako pabalik sa side nila Elise at siniksik ko siya. Katakot eh.

Killing Camp (EDITING)Where stories live. Discover now