Teaser

20.7K 225 6
                                    

 

TEASER


"Kung anuman ang nakaraan ko, anuman ang pinagdaanan ko, hindi ko na mababago iyon para sa'yo. What I can give you is the man I am today and the man I will be tomorrow."  


Pagod na si Nikkola na makipagmabutihan sa mga lalaki pagkatapos ng ginawa sa kanya ni Steve—ang ex-boyfriend niyang salawahan. Mas mabuti pang mahalin na lang niya ang kanyang sarili kaysa ibigay ang puso niya sa isang lalaking wala namang ibang gustong gawin kundi paglaruan siya. 

Hanggang sa nangyari ang isang aksidente at makilala niya si Brad Turner. Isa itong volunteer master diver na half Australian-half Filipino. Kung mailalarawan lang ang salitang "dangerous," si Brad na iyon. Ang mga mata nito na kasindilim ng gabi ay tila nang-aakit, lihim na nangangako ng kaligayahan sa buong magdamag. And she hated the feelings he had awakened inside her. Hindi na ito maalis sa kanyang isip anuman ang pagnanais niyang itaboy ito mula roon. 


Guwapo nga ito, pero sobrang mayabang at antipatiko. Kaya sa halip na pagtuunan niya ng pansin ang sariling agenda ay nag-iba ang kanyang plano. She would teach this arrogant brute a lesson! Pagsisisihan nito ang paghalik nito sa kanya without her consent!


Ngunit kung kailan nagbago na ang pangit na impresyon niya rito ay saka naman niya nadiskubre ang lihim nito. Pakiramdam niya ay nabaliktad ang sitwasyon at siya na ngayon ang pinaglalaruan ng binata...

Rain In My Summer (PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon