Snippet 9 - Not Cut Out

Start from the beginning
                                        

Hinding-hindi na siya magiging akin pa muli. At ang katotohanan ang pinakamahirap tanggapin, pero kelangan, eh.

Bago pa tuluyang tumulo ang mga luha ko, niligpit ko na ang mga gamit ko saka dali daling tumayo. Kelangan ko ng makalabas dito, at makalayo sa kanya. Hindi niya ako pwedeng makitang umiyak.

Ly: I- I need to go.

Saka tumakbo na ako palabas.

Hindi ko namalayang malakas pala ang ulan sa labas. Wala pa naman akong payong. Maghihintay nalang siguro ako dito. Hindi naman ako susundan nung mokong.

Kief: Aly!

Pagkalingon ko, he was there. And as if on cue, bigla nalang tumulo ang mga luha ko. No choice. Hindi ko na pinansin ang ulan at agad na nagtatakbo sa ulan, para lang makalayo sa kanya. Bahala na kung mabasa ako. Aabsent nalang ako kesa makausap siya.

Hindi pa ako nakakalayo, nung bigla siyang sumigaw.

Kief: Kala mo di ko napapansing iniiwasan mo ako, Alyssa? Damn! It’s been four days since. And I still haven’t gotten an explanation!

Napahinto ako sandal pero agad din akong naglakad palayo. Ayoko siyang marinig. Ayoko pakinggan ang mga lumalabas sa bibig niya. Papaasahin niya lang naman ako ulit. Magmomove on na ako, at kung kelangan, idedelete ko na siya sa buhay ko.

Hindi pa ako nakakalayo ng bigla niyang hablutin ang kamay ko dahilan upang mapaharap ako sa kanya. Nabigla siya nung makita niya ang mukha ko, kaya yumuko nalang ako at pilit na kumawala sa hawak niya.

Kief: Alyssa, may problema ba tayo? Sabihin mo naman sakin, oh. Di yong bigla bigla ka nalang iiwas sa akin. Kaibigan mo ako. Pwede mong sabihin sa akin lahat.

Napatawa ako ng bahagya sa sinabi niya. Tangna, wala na bang mas sasakit pa sa katagang kaibigan?

Ly: Haha. Kaibigan. Yun nga Kief, eh. Yun ang problema natin. Magkaibigan lang tayo.

Para siyang naguluhan sa mga sinabi ko kaya once and for all, napagdesisyunan kong itanong sa kanya ang tanong na noon pa may bumabagabag na sa akin.

Ly: Kiefer, answer me. Kaya mo lang ba ako syinota dahil magkapangalan kami ni Alyza?

Kief: What?! Ly, eto na naman ba tayo?

Ly: What the fuck! Just answer the damn question!

He looked scared with my outburst but ultimately, nagbago ang expression siya. His face turned soft.

Kief: No, no, no. Of course not, Ly. Minahal kita. And until now, importante ka pa rin sakin.

Minahal. Sht, past tense. Para akong sinaksak ng ilang beses sa sinabi niya. Pinamukha niya talaga sa akin na wala ng pag-asa. He just freaking told me he loved me, and that I was important to him. Pero hanggang dun nalang iyon.

Napangiti ako ng mapakla saka tumalikod.

Kief: So is it going to be this way now? After all that we’ve been through, the years we’ve happily spent, tatalikuran mo nalang ako for some stupid reason?

Hindi ko na kaya. Hinarap ko siya at dinuro.

Ly: Who are you to tell me my reasons are stupid?! Bakit, nung iniwan mo ako, nung nakipagbreak ka sakin, hindi ba stupid yung reason mo?! Kief, you fucking broke up with me because she’s fucking back! Ganun kadali mo akong binitawan! You didn’t even have the guts to tell it straight to my face! Tell me, whose reason is stupid now?!

Kief: Look Ly. I’m sorry, okay. I admit I was wrong to do that. But that was a year ago, we should move on.

I laughed bitterly as I dropped my hands to my side.

Ly: Wow. Move on. Makapagsalita ka parang ang daling gawin iyon, noh? Sabagay, you were together naman agad a week after we broke up di ba? Minahal mo ba talaga ako? Idol talaga. Paturo naman oh. Paturo naman pano magmove on ng ganun kabilis.

Akmang hahawakan niya ang mga braso ko, nung iwinasiwas ko ang kamay niya.
Ly: Don’t. Touch. Me.

Agad siyang napaatras sa tinuran ko. But he stepped forward again. I stepped back and maintained my distance.

Kief: Alyssa…

Ly: You know what, I never thought someone could make me hate the sound of my name so much.

Napayuko siya. Hindi na namin alintana na basang basa na kami sa ulan. Mas mabuti pa nga to, eh. Hindi nakikita ang mga butil ng luha na umaagos sa mga mata ko. Nakikisama rin sa sama ng loob ko ang panahon.

Makaraan ang ilang segundo, nag-angat siya ng tingin. Parang tumagos sa kaluluwa ko ang mga tinging iyon pero di ako nagpatinag.

Kief: Ly, I can’t lose you. Please… please don’t do this to me.

I can’t believe this. Even in the rain, I can see the droplets of tears on his cheek. I can see the sorrow in his eyes. But I had to be strong, and stand my ground. Never again.

Ly: Kief, you know what I think? I think you didn’t love me. I think you didn’t love me enough for you to hold on. I honestly thought we still had a chance. I fought, tooth and nail, to make you realize na what we have is worth keeping. But I guess… I guess some things aren’t just meant to be. I think – and it pains me to say this – I was just a convenience to you. Someone you could run to when you have nowhere else to go, to somehow fill your empty shell. Kiefer, I think ginamit mo lang ako. Masakit. Sobrang sakit, kasi akala ko ikaw na, eh. Akala ko mahal mo na talaga ako, na kaya mo kong ipaglaban. Pero isang balik lang ni Alyza, nakalimutan mo na agad lahat ng meron tayo. Nakalimutan mo agad na merong ako na nandun para sayo.

I breathed deep and desperately dried my cheeks of tears, kahit na alam kong walang epek iyon kasi nagpapaulan naman kami.

Ly: Umasa ako. Umasa akong sa mga pagkakataong di kayo okay ni Aly, na nandoon ako para sayo, maibalik lahat ng meron tayo – o kahit na yung nararamdaman mo man lang para sa akin noon, kung meron man. Hindi ako nag move on. Hindi ko kayang mag move on. Pero when I saw you guys in the gym four days ago, I realized something. I can’t compete with her. It has always been her. And I can never replace her in your heart. Tama na, Kief. Ayoko na. I'm tired of you choosing her over me again and again. Ang sakit sakit na. Gustuhin ko mang maging kaibigan ka, hindi na pwede. Ako naman ngayon. Panahon na siguro para ayusin ko ang sarili ko. Buuin ang mundo ko na walang Kiefer Ravena. Panahon na siguro para kalimutan kita.

Pinagsalikop niya ang mga kamay naming saka unti-unting lumuhod. Hindi ko na siya tinignan at tumingin nalang sa langit. Hindi ko kayang makitang ganito siya. Parang feeling ko gusto kong bawiin lahat ng nagawa at nasabi ko, pero hindi pwede. Para to sa kapakanan ko.

Kief: Ly – Aly – please. No…. W-wag…

Hindi ko na siya pinagpatuloy sa pagsalita. Kinuha ko ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya.

Ly: Sige na, Kief. Hinihintay ka na ni Alyza, oh. Paalam.

Itinuro ko ang pigura ng isang babae sa labas ng pintuan ng library saka tumalikod na ako ng tuluyan sa kanya at agad tumakbo kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko, pero di na ako lumingon. Desidido na ako.

This is it.

So long and goodbye, Kief.

************

Peace po! Hehe. So not good at emotional stuff, but here goes. Haha! Part 2? Maybe. Comment down for suggestions, feedbacks, reactions, etc!!! :)

Song: Not Cut Out by Kate McAllister
(My niece was singing this nonstop today, so I got inspired to make a snippet)

Snippets (One shots)Where stories live. Discover now