Imbes na sa tapat ko, umupo siya sa tabi ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil ayaw ko talagang makita ang pagmumukha niya. Baka maiyak lang ulit ako. At least pag katabi ko siya, I won’t have to look at him.
Nanatili lang kaming tahimik, wari’y nagpapakiramdaman. Pero pinili kong magpatuloy sa pagbabasa ng libro. Bigla siyang nagsalita.
Kief: You know what, may good news ako.
Fuck, fuck, fuck!!! Please don’t tell me nagkabalikan kayo ni Alyza. As if I didn’t know that already. Pumikit ako at nagdasal na sana’y pwede kong takpan ang tenga ko to not hear what he was gonna say next. I was not ready for that kind of torture.
Kief: I passed my Calc exam! Salamat talaga, Ly, ha. If not for you, I wouldn’t pass my exam!
Parang nabunutan ako ng tinik sa narinig ko. Whew! Akala ko about the other girl na naman, eh. Nakahinga na sana ako ng maluwag ngunit bigla naman niya akong inakbayan at kinabig palapit sa kanya. Tangna this guy naman, eh! Plano ata akong patayin. Gusto ko mang magreklamo, pero the truth is kinikilig ako. I restrained myself. I have to move on.
Nagpeke nalang ako ng tawa at unti-unting kumalas sa pagkakaakbay niya sa akin.
Ly: Ah.. Hehe. That’s good. Good for you.
Tumahimik na ako. But on my peripheral view nakita kong kakaboot pa lang ng laptop niya. At agad akong nagsisi. Bakit ko pa kasi tinignan? Nasaktan tuloy ako. There on his laptop was a slap to my face. His wallpaper sent swords cutting throw my heart.
Him, and Alyza.
Nakakatawa noh? Pareho pa talaga kami ng pangalan ng girlfriend niya. Yun nga lang, iba ang spelling. Gusto niyong malaman ang kwento? Ganito kasi iyon. His brother was my bestfriend, so basically, we practically grew up together. Younger lang yung kapatid niya ng ilang years samin. Alyza – note the ‘z’ – was his first crush, and eventually his first girlfriend. Matagal ring naging sila, since second year high school to first year college. Nagbreak lang nung umalis si Alyza for the States para mag-aral. When she left, syempre, ako ang nandun para sa kanya. We may not have been bestfriends, but I knew him like the tip of my toe. He was a wreck. Lagi nalang nagbabar, muntik pa ngang magsuffer ang basketball career niya dahil sa pagkabigo, until I helped him stand up again. Hindi ko naman talaga siya gusto nung una. Gwapo, mayaman, masungit, pabaya, saka maraming babae. Typical playboy. Pero ewan ko ba, mapaglaro ata talaga ang tadhana. Lagi kaming nagkakasama, at sa mga panahong iyon, ako ang naging sandalan niya. Siya na rin ang naging sandalan ko kasi nga kahit yung kapatid niya ang bestfriend ko, hindi naman iyon nakakaintindi ng mga problema ko. Bata pa nga kasi samin. Siguro nagising nalang ako one day na narealize ko na mahal ko na pala siya. Naging kami midway ng second year college. It was fast – the transition, I mean. We were happy. Best friends nga lang turingan naming, eh. Naging isyu pa yung pagsasama namin kasi nga pareho kaming sikat na atleta. Masaya naman kami. Until time came, magfourth year na kami, na bigla nalang niya akong binitawan. Ganun lang. Simple as that. Ang sabi niya, career muna saka studies. Inintindi ko. Pilit ko inintindi ang gusto niya kasi may point rin naman siya. Huli ko nang nalaman na kaya pala iniwan niya ako dahil nagbalik na si Alyza. Iyak ako ng iyak noon. Hindi ko inakalang magagawa niya sa akin iyon. Pero sabagay, ano nga bang laban ko sa first love? Wala naman di ba? Pero umasa pa rin ako. Naging on-off ang relasyon nila ni Alyza sa nakalipas na taon, fifth year na kami ngayon. Sa tuwing namomroblema siya kay Alyza, sakin siya tumatakbo at humihingi ng tulong. Tinanggap ko siyang maging kaibigan ulit, hoping na magagawa ko pang ibalik ang dating kami. Naging espesyal ang turingan namin, yung parang kami pa rin. Sweet siya sa akin, at sobrang maalaga. Pero pag okay na sila ulit ni Alyza, mawawala na naman siya. Alam kong naging option niya ako pag wala si Alyza, pero tinanggap ko rin yon. Ang importante kase sakin ang makasama ko siya, ang mabawi ko siya. Pero seeing his wallpaper now – how happy they are in it – akala ko kaya ko na, hindi pa pala. Akala ko sanay na ako sa sakit na dulot ng alaala niya, hindi pa rin pala. Akala ko namanhid na ako, tangna, hindi din pala. Akala ko napagdaanan ko na ang pinakamasakit, hindi pa pala. This – this moment – woke me up from reality.
YOU ARE READING
Snippets (One shots)
FanfictionA snippet is a bit, fragment, piece, particle. For most, a black flower symbolizes the negative. But for a few, it is cool, bold and elegant in all its minimalism.
Snippet 9 - Not Cut Out
Start from the beginning
