Ella: Alam mo, ikaw, tanga ka rin, eh. Ang dami diyang gustong makipagkilala sayo, pero hindi mo naman pinapansin. Bakit ba kasi hanggang ngayon stuck ka pa rin sa ex mong iyon ha? Ano bang meron sa kanya? Mag move on ka nga. Isang tanong mo pa na ganyan, ipapatapon na kita sa Manila Bay.
Ly: Besh… Magsalita ka parang ang dali mag move on ha. Palibhasa hindi ka pa nagka boyfriend. Para sabihin ko sayo, madali lang yong sabihin pero mahirap gawin.
She dropped my hand and ran her hands through her hair with obvious frustration. We’ve been through this ever since the past year. At hanggang ngayon hindi pa rin matapos tapos ang usapang to.
Ella: Fine, given na iyon na I haven’t had any romantic relationship yet. But I’m pretty sure, lahat ata ng tao alam na ang pagmomove on, mahirap man gawin, is a process. You have to will yourself to start somewhere. You don’t wait for the feelings to just fade away. Kung nagsimula ka sana agad nung nagbreak kayo, at di ka nagpakagaga, edi siguro masaya ka na ngayon.
Isang taon ko na rin palang sinasabing magmomove on ako. Isang taon na nga pala simula nung nagbreak kami. At isang taon na rin palang umaasa akong magkakabalikan pa kami. Kung katulad niya lang sana akong ang dali maka move on… Eh hindi, eh.
But Ella was right. I didn’t want to move on. Sabi ko lang iyon but I never took initial steps to start the process. In fact, mas pinagtuunan kong pansin ang planong maibalik siya sa akin. Pero sa mga nangyayari ngayon, wala na atang pag-asa.
Ella: Alyssa naman, stop crying. You’ve been crying over that man for God knows how long already.
Hindi ko pala napansin na umaagos na naman ang mga luha ko. Well, lagi naman, eh. Everyday ata simula nung araw na nakita ko sila sa gym. I never thought I had this much liquid to cry out. Agad akong nagpunas saka hinarap si Ella.
Ly: Besh, I… I guess… I guess, this is it. Tama na. Ayoko na, ang sakit na, eh. I promise this will be the last time I’m shedding tears because of him.
Ella: Aba, dapat lang, noh. Ang swerte swerte na kaya niya na halos araw-araw mo siyang iniiyakan. Anyway besh, you know I always got you, right?
Magsasalita pa sana siya ng biglang nagring ang bell, hudyat na kelangan na niyang pumunta sa klase. Nagpaalam nalang ako sa kanya at inassure siya na I’ll be okay saka na siya lumabas. Dito nalang muna ako sa library. Tahimik pa, saka walang nakakaalam na dito na ako laging natambay. Aantayin ko nalang si Ella na makabalik para sa lunch.
Iniwasan kong isipin siya, kahit every five minutes, the thought of him would bother me. The gym scene kept replaying in my head but I tried so hard to push it aside. I have better things to attend to, and for now, kailangan ko ng diversion kaya nagpasya akong mag-aral na muna. Sa kakadrama ko these past few days, di ko na namalayang behind na pala ako sa mga readings ko sa halos lahat ng subjects.
“You’re here lang pala. I’ve been looking for you. Pwedeng makiupo?”
As soon as I heard that voice, shivers crept up my spine. Sa lahat ng tao, siyang ang kahulihulihan kong inexpect na mapunta dito sa library. Na estatwa ata ako at parang nanigas na sa kinauupuan ko. Di ko alam anong gagawin, anong sasabihin. Papayag ba ako?
Punyeta naman oh. Kung kelan nakapag desisyon na akong kalimutan siya, saka siya magpapakita sa akin? Tadhana naman. Apat na araw ko n asana siyang iniiwasan, eh.
“Hey Ly… Okay ka lang?”
Kiefer. Damn you, Kiefer.
Hindi ko siya tinignan bagkus tumango nalang ako. Ang pangit naman kung ipagtabuyan ko siya. Pero hindi ko pa rin kayang makita siya ng hindi nasasaktan. Ang dami kong tanong sa kanya, pero hindi ko mahanap ang guts na magtanong. Ewan, bahala na.
YOU ARE READING
Snippets (One shots)
FanfictionA snippet is a bit, fragment, piece, particle. For most, a black flower symbolizes the negative. But for a few, it is cool, bold and elegant in all its minimalism.
Snippet 9 - Not Cut Out
Start from the beginning
