Pagkatapos ko pumunta sa lounge, umuwi na ako sa bahay at nagbihis dahil aalis pa ako para bumili ng mga susuotin namin bukas. Nakalagay kase dun wear your coats and gowns.

"Miss Asher, your mother is calling." Sabi ng maid sabay abot sa akin ng phone. Ano na naman kaya ang sasabihin neto? Tss. Pero ano pa nga ba magagawa ko? Edi sagutin ang phone.

"What do you need?" Tanong ko. Wala ng galang kung wala. Bakit siya ba nirerespeto pagkatao ko?

"Nakipagaway ka na naman daw?!" Ang bilis naman makarating sa kanya ng balita. Alam niya agad? Sa bagay, powerful daw e.

"What do you expect?" Sagot ko sa kanya. Totoo naman e. Yun lang naman lagi yung alam niya, mga bagay na masasama tungkol sa akin, di niya inaalam mga achievements ko.

"Pano pag nalaman to ng media?! Madadamay kami ng papa mo!!"

"Bye." Huli kong sinabi sa kanya at tsaka ko binaba ang phone. Ang sakit kase sa tenga yung boses niya e.

Binigay ko na sa maid yung phone at pinatawag ko sa kanya si Butler Jack.

"Miss Asher, what can I do for you?" Tanong ni butler Jack ng makapunta na siya kung nasan man ako.

"Come with me at the mall, I need to buy something." Sabi ko. Ayoko mabigatan sa mga dadalhin kaya isasama ko siya.

"Okay. I'll tell the driver to ready the car." Paalam niya at umalis na.

Umalis na kami at pagdating namin dun sa mall, sarado na. Tsk. Nabadtrip yung mukha ko. Kailangan ko ng bumili e. :/

"Don't worry Miss Asher, we already told the owner of the mall to open the mall." Sabi ni Butler Jack. Good, kala ko makakabugbog ako e.

"Okay." Bumaba na ako ng kotse at pumasok na kami ng mall. Kami lang tao sa mall, syempre. This is not just a mall, it is a place where famous gowns are. Kase magaganda yung mga gowns nila dito.

Una kong pinilian ay si drey. Malamang, lalaki siya at mas madaling hanapan ang mga lalaki. At siya ang pangalawa sa akin. Wag kayong malisyoso! Kay Nicole na yun! Napili ko for him is black na coat tapos red yung bow. Simple lang pero pag siya na sumuot nun for sure aangas yun.

Sunod is Nicole because siya naman yung sunod kay Drey. A simple gown for a simple girl. Maganda naman kasi siya kaya kahit ano bagay. Napili ko for her is a gown na all black tas lacey top tapos yung fish-piration na sinasabi nilang style.

Next in the list is Slater Smith. Ang chick magnet. Kaya naman hirap na hirap si Italy sa lalaking yan.  Ang hirap mag isip para kay Slater kase maarte. Nakita ko yung coat na mahaba. Siguro above the knee yun tapos color black. Kaya yun nalang pinili ko sa kanya, maganda naman e.

Ang pinaka maarte sa lahat at ang huli, si Italy. Juskolord. Sana magustuhan niya kung ano mang mapili ko sa kanya kundi sasabunutan ko talaga siya. Hehe joke. I picked a black gown na kita yung killer legs pag sinuot. Sexy naman siya.

Lastly, para sa akin. A beautiful, black, all lace gown for me! That's all I can say.

Bumili narin ako ng Mask para sa akin. Wala lang, gusto ko lang magpamysterious. Maganda ako e, pake niyo ba?

Umuwi narin ako pagkatapos namin mamimili, I need a beauty rest para mas lalo pa akong gumanda ng over over. O, insecure na naman kayo.

The next day, dumiretso na ako agad sa lounge. Dun narin ako kakain kase nalate ko ng gising, 4 pm na. Malamang, nagwawala na yung apat na mga panget dun. Kidding.

Pagdating ko dun, ayan na sila, dada ng dada. Kesyo late daw ako, kesyo di daw kami makakaabot sa party at kung ano ano pa.

"Oo na, tama na. Bihis na tayo, anjan na yung mga make up artists. Tapos yung mga gowns may pangalan naman kaya kayo na bahala kumuha." Sabi ko sabay pasok dun sa kwarto ko sa lounge.

Pumasok na ako sa kwarto at inayusan ako.

--

tamad pa ako

Gangster Queen [[REVISING!!!]]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!