Eleven

5.5K 84 1
                                    

Tadah! Nagbunga na ang pagcross finger ko na makapag update twice this week :) happy weekened guys!

*****
"We think she's pregnant... blah blah blah blah.." Hindi ko na alam kung ano pa yung mga sumunod na sinabi ni Kuya Ivan. Basta ang tumatak sa isip ko ay ang salitang pregnant at pangalang Sofia.

I just stared at him digesting the whole news. Si Ate Sofia buntis? Naikuyom ko ang kamao ko. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa ulo ko at parang na-drain lahat ng lakas ko. Good thing ay nakaupo kami dahil baka kanina pa ako natumba.

Tell him you're fine. That it's okay. Na wala kang pakialam. Sabi ko sa sarili ko.

I force a smile at him and he stopped blaberring.

"Yza.."

"Dapat ko ba silang i-congratulate?" I smiled at him innocently. But deep in my heart Im dying.

Ilang buwan pa lang ng halos magmakaawa siya sakin na wag akong umalis. He even gave me a ring na ngayon ay nakakwintas sa leeg ko. Dahil ang sabi niya balak niyang magpropose sa harap ng parents namin. Hindi ko ito magawang itapon. I tried. Pero sa huli ay naghalungkat din ako sa basurahan para hanapin ito.

"Kelan ang kasal?" Dagdag ko pang tanong.

"D-don't say that. Kaya niya ako pinapunta dito para ako na mismo ang personal na magsabi sayo dahil baka malaman mo pa sa iba." And he had the gut to send his bestfriend to say this to me? "Hindi pa naman namin confirmed. She had him see the pregnacy test but he has doubts."

Imbes na makahinga ako sa sinabi ni Kuya Ivan ay mas lalong nanikip ang dibdib ko. Pagkatapos niyang gumawa ng kalokohan ay de-deny na lang niya ang bata?

At sino naman ang ibang makakabuntis kay Ate Sofia? Ano yun? Natapilok lang sa kalsada tapos napasukan ng sperm cell? What the hell!

"Alam mo Kuya, wala naman talaga akong pakialam kung ano man ang gawin ni Kuya Jacob sa buhay niya. Matagal ko ng tinapos yung samin, pero di niya yun maintindihan." Siguro nga sanay na sanay na akong magsinungaling at magtago ng nararamdaman sa ibang tao, pero ano nga bang magagawa ko? Matagal ko ng tinapos ang lahat sa amin.

"Are you really serious about that guy? Is he the reason why you left Jake?" Gustong umikot ng eyeballs ko dahil sa sinabi niya. Porke ba gustong mag move on may iba na agad?

"Walang patutunguhan ang pag uusap na toh. Uuwi na lang ako." I stand up, he also does.

"You know he loves you. Kung di niya lang iniisip ang mararamdaman ng Mama mo-," I raised my hand in front of his face to make him stop. Ayoko ng makarinig ng kahit ano. Lalo na pag involve si Mama.

I left him without a word. Sinubukan niya pa akong pigilan pero mabilis na akong nakalabas ng cafe. Umuwi akong gulong gulo ang isip.

Totoo kayang nabuntis niya si Ate Sofia? Ilang buwan pa lang akong nawawala. Kelan pa? Hindi kaya habang my nangyayari samin ay may nangyayari din sa kanila? I gulped the taste of disgust in my throat. Hindi naman siguro niya kayang gawin sakin yon diba?

Marahan kong isinara ang pinto ng bahay ng makarating ako. Sumalubong sakin ang masayang ngiti ni Raven pero nawala rin iyon ng mapagmasdan niya ako ang mabuti. Maybe I look like shit. Naisip kong hindi ko kayang magpanggap sa kaisa-isang taong kayang umintindi sakin.

Napaluhod ako at napahawak sa sofa. Bigla na lang bumuhos ang mga luhang naipon ko ng ilang buwan. My heartbreaking sobbed echoed inside our house.

Yumakap sakin si Raven. Ni hindi siya nagtanong kung ano ang dahilan ng pag iyak ko. He just murmured that everything will be alright even though it is far from it. He let me cry on his shoulder until I fell asleep.

Gabi na ng magising ako. Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa kama. Siguro binuhat ako ni Raven. At paniguradong bukas ay magrereklamo sakin ang baklang yun na masakit ang mga muscles niya.

I opened my phone and saw missed calls from Arcuss and five text from him. The last message was just five minutes ago. He was asking kung nakauwi na ba ako. I replied yes. Suddenly my cellphone burst into the song of Boyfriend by Justin Bieber. Natawa na lang ako.

"Oh?" Panimulang bati ko sa kanya. I heard him chuckled on the other line. May kasalanan pa sakin ang mokong ns toh. "Di ko pa nakakalimutan na hinalikan mo ako kanina, munggo ka!" Singhal ko pa sa kanya.

He chuckled again. Bakit ang saya saya niya palagi? Saan kaya mabibili ang saya?

"Date tayo bukas. Pambawi ko, wala namang pasok." Natatawa niya pa ring sabi. Oo nga pala sunday bukas.

"Ayoko." Mabilis kong sagot.

"Ang arte naman nito. Maganda ka ba?" Sinamaan ko ng tingin yung cellphone ko. Hinihiling na sana umabot sa kanya ang sama ng tingin ko. Sabihan ba naman akong maarte? Saka maganda naman ako ah? Wag lang ikumpara sa mga nakadate niya.

"Makipag date ka na lang kay Iris." Asik ko sa kanya.

"Kilabutan ka nga. Magsisimba na lang ako!" Pareho kaming natawa sa sinabi niya.

"Basta bukas sunduin kita. Four pm. Bye na. Sayang load." He already ended the call before I can answer him.

Siraulong yun! Di pa nga ko pumapayag eh. I smiled then giggled.

Pero napakunot noo ako.

Did I just heard myself giggled? Teka, kinikilig ba ko kay Akoy?

Yuck!

Is this wrong, Kuya?Where stories live. Discover now