Three

10.8K 104 9
                                    

Nanggagalaiti ko siyang itinulak palayo sa akin. Pagkatapos niyang sabihin kagabi na tapusin na namin ang meron kami ganito na lang ang gagawin niya?

"Tapos ka na ba?" I asked him in a cold voice. I also wipe my lips using the back of my hand.

"Wag kang umalis."

"Bakit mo toh ginagawa? Im doing you a favor, right?" I step aside pagkuway binuksan ang pinto.

Kahit ang totoo ay nanginginig yung kamay ko sa sobrang inis sa kanya. I already made up my mind. I set up myself to go away from him. Because I believe that this is what we needed.

Tapos ngayon maghahabol siya. Boys will be boys.

"There you are!" Masiglang bati sakin ni Wilson na nakasalubong ko sa hallway.

"Bakla anong nangyari sayo? Bat nanginginig ka?" Takang tanong niya gamit ang matinis nyang boses.

"Wala toh." Tugon ko sabay iwas ng tingin. Pero mukhang hindi siya convince.

"Are you sure?" Sinipat niya pa yung noo ko. "Oh hi papa pogi!"

Napatigil ako. Isa lang naman ang tinatawag ni Wilson na papa pogi. Walang iba kundi si Jacob.

"Hi will." I heard him replied. Ni hindi na ko nag abalang humarap pa sa kanya.

"Sama ka samin mamaya? Kakain kami sa labas eh." Malanding tanong niya pa.

"Wilson!" Tinapik ko yung balikat niya.

"Ouch. Im just asking him to join us. Akala mo naman niyaya ko ng mag sex." Sabi niya pa habang hinihimas ang balikat na pinalo ko.

Napatutop na lang ako sa kalandian ng bestfriend ko. Nakakahiya narinig pa yun ni Jacob.

"Sorry Wil may commitment na kasi ako."

"Don't tell me you already made commitment with that girl Sofia?" Iritableng tanong ni Wilson.

Narinig ko na lang na natawa si Kuya. So hindi niya talaga tinanggi? Eh kanina lang hinahalikan niya ko. Ang kapal ng mukha.

"Tara na, Wil."

"Pero baka kapag si Yzabelle ang nagyaya sakin baka pumayag pa ko." Napatigil ako sa paghakbang dahil sa sinabi niya.

Dati naman dinededma niya ko dito sa school. Kahit na alam ng lahat na magkapatid kami. We already talked about it. Para walang makahalata. Eh anong pakulo toh?

Saka nag usap na kami about that. Siya pa ang nakaisip na wag kaming magpansinan sa school.

"Eh ikaw lang naman pala ang kailangan magyaya, Yza eh." Tinaasan pa ko ng kilay ni Wilson. Alam kong crush na crush niya si Kuya. At hindi alam ni Wilson ang tungkol samin. Bukod kasi sa madaldal toh ay baka mag away pa kami. Kaya si Raven lang ang sinabihan ko.

"Im sure busy si Kuya."

"Sorry na Yza." Akmang hahawakan niya ko pero umatras ako.

"Nag away kayo?" Tanong ni Wilson.

"Yes."

"No."

Magkasabay pa naming tugon. Pinabayaan ko na lang pagkuway tinalikuran silang dalawa. Hindi ko na pinansin ang pagtawag nila sa akin.

"Hi, Yza." Nakangiting bati sakin ni Jerson. "Mukhang mainit yung ulo mo ah."

"Hindi naman." Natatawang sabi ko. Kasabay nun ay pumasok na si Wilson sa room.

"Red days ka ba?" Tinatanong niya kung may period ba ko sabay upo sa likuran ng upuan ko.

Pinandilatan ko sya ng mata.

"Nililigawan daw ni Jacob si Sofia eh. Nasaktan ako bestfriend." Patuloy niya pa. Gusto kong sabihin na nasasaktan din ako sa nalaman ko kaya dapat manahimik na sya.

"He even brought flowers for her. At hatid sundo pa siya! Gosh, that girl is very lucky! Kung ako lang siya, sinagot ko na si Jacob!"

"Pwede ba, ayokong marinig." Naiinis ko sabi. "Wala kong pake kung sinong nililigawan ng Kuya ko."

"Inggit ka lang. Lahat kasi binabasted mo. Napaka choosy. Akala mo maganda. Kung si Jerson lang din makukuntento na ko." He sarcastically said.

Oo, lahat binabasted ko. Bakit nga ba ako makikipag commit pa, eh may mahal na kong iba. That is unfair.

"Edi magpaligaw ka sa kanya." After kong sabihin yon ay hindi ko na siya kinausap pa.

Nung si Kuya Jacob na ang topic namin ng lunch ay hindi ako nakisali. Kesho, wala daw si Sofia at Kuya sa canteen ng lunch. At sinasabi pa ni Wilson na nakita niya magkasabay na lumabas yung dalawa ng school.

Sa totoo lang sobrang sakit. Kapag wala kang karapatan. Yun bang hindi mo masabi yung nararamdaman mo. At ang tingin ng mga tao ay normal lang ang lahat sayo.

It's always hard to pretend. I always wanted to claim him. Tell the others to back off. He's mine. But I cant.

Ang akala ko magiging normal lang ang lahat hanggang sa pag uwian pero hindi pala but then I found out he is waiting outside our classroom. I wanted to run away from him. But still I cant.

"Sabay tayong umuwi." Hindi ako nakatanggi.

Ganun naman palagi.

He's the one who always had the upper hand. Siya ang kumukuha lang.

Ako ang parating nagbibigay. At palaging nawawalan.

Auth Note: Hi! Pasensya na po now lang ako nag update. Try ko mag update twice a week. Sorry po talaaga.

Is this wrong, Kuya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon