Ung totoo?! May sayad ata tong babaeng to ehhh. Bwisit!

Binilisan ko nalang ang paglakad at umiwas sa kanila. Nabwiwisit na talaga ko!

"Cheska tigilan mo ko please?!!" Sigaw ni Mara.

"Hey ano ba yan! Nag hiking tayo para mag saya hindi para mag away!" Sigaw ni Agean.

Medyo malayo na kasi sila.

Wala pa man kami sa kalahati ng bundok ay napagod na kami kaya napagdesisyonan nalang namin na dito magpalipas ng unang gabi.

Kaya sinimulan na naming ang pag set up ng mga tents at apoy.

Tinutulungan ko ngayon si Mara sa pag assemble ng tent.

Kanina pa ako wala sa mood dahil sa lintang yun!!! Grabe lang! Pero may tiwala naman ako kay Mara at alam kong hindi siya mag papatukso.

"Okay! We're done! Tara Pamsy pasyal tayo. Gusto kitang masolo."

"Ha? Baka maligaw tayo."

"Hindi. Mataas pa naman ang araw e. Tara."

Hinila niya ang kamay ko at tumakbo kaming dalawa palayo.

Medyo malayo din ang nilakad naming dalawa. Sana naman ay hindi kami maligaw.

Kitang kita mo ang view dito sa taas!! Ang ganda. Kitang kita mo ang baba!

Hindi ko akalain na makaka akyat ako ng ganito kataas.

"Gusto mong sumigaw?" Tanong niya sa akin na nakangiti.

"Ano isisigaw ko?"

"I LOVE YOU ERIIIIIN!!!!" Sumigaw siya ng malakas!

Biglang uminit ang pisngi ko at napangiti sa ginawa niya.

"Ikaw naman." Nakangiti niyang sabi.

"I LOVE YOU HALIMAAAAAW!!!"

"Grabe! Ang ganda ng sinabi ko tapos halimaw ung sayo?!" Sinamaan niya ko ng tingin.

"Eh bakit ba. Un ung gusto kong sabihin eh."

"Lagot ka mamaya sakin sa tent." Kininditan niya ko at nag lip bite!

"Baka may makakita! Wag kanga."

"Ah basta! Pag gising mo hubad kana!"

"Bastos!! Kawawa ang katawan ko sayo!!!"

Medyo matagal din kaming nag kukulitan ni Mara dito. Pero ng malapit ng mag dilim ay bumalik na kami sa mga tent.

Nakapalibot kaming lahat ngayon sa apoy.

"Guyss ano gagawin natin?" Tanong ni Rina sabay kagat sa sandwich na kinakain niya.

"Ahh alam kona! Sabihin niyo ang mga biggest fear niyo at sasabihin ko din ang sakin. Paikot. Mag sisimula kayyy Mara."

"Well. Madami. Isa na diyan ang dirt at daga and natatakot akong mawala sakin si Pamsy." Tinignan ako ni Mara. Bigla akong kinilig sa kanyang sinabi. Para tuloy akong tanga na nakangiti.

"Dirt? Anong tawag mo sa inuupuan mo na yan?"

"Cmon. Ung ibang klaseng dirt okay? Like mantsa sa damit at etc."

"Okay next Cheska."

"Wala akong kinakatakutan."

"Impossible naman yan." Si Lira.

"Wala nga cause ako dapat ang kinakatakutan. Dahil iba ang ugali ko kapag INAAGAWAN AKO." Nakatingin sa akin si Cheska habang sinasabi niya yun.

Bigla akong kinalibutan sa kanyang sinabi.

"Okay. Next Rina."

"My biggest fear is multo.".

"Naniniwala ka sa multo?! Wow Rins sayo kopa maririnig yan bwhaha!" Natatawang sabi ni Trisha.

Nag tawanan kaming lahat.

"Guys. Cmon tinanong niyo ko tapos tatawanan niyo lang ako." Seryosong sabi ni Rina.

"Ang corny mo kasi. Kk next! Lira."

"Natatakot ako sa mga spiders and sa dilim tapos ako lang mag isa or dalawa lang kami sa room. Gosh nakakatakot yun."

"Kaya pala kapag nag mamake love tayo baby ayaw mo ng masyadong madilim. Paano niyan mamaya sa tent baby? Madilim." Natatawang sabi ni Trisha.

"Hey! Tumigil ka. Talagang pinarinig mo ang plano natin mamayang gabi ha?! Pwes mag finger ka mag isa!"

Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ng dalawa. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Mara sa akin kanina. ~_~

"BWHAHAHAH!!! HOY KADIRI KAYONG DALAWA!!" HAHAHAH!!! SUMAKIT TIYAN KO SAINYO HAHAHA!! NEXT NANGA! Trisha!"

Nang matapos na ang game ay kumain at nag si punta na kami sa sari sarili naming tent.

Nakapatay ang ilaw namin ni Mara sa tent.

Nakahiga kami sa sleeping bag at magkayakap.

"Hey. Pagod kaba?" Tanong ni Mara sakin.

"Medyo." Sagot ko.

Pakiramdam ko ay nag ka sinat ako dahil siguro sa pag lalakbay kanina.

"Mainit ka." Pag aalala ni Mara.

Sinindi niya ang ilaw sa tent at may kinuha sa kanyang bag.

"Eto gamot baka lalong lumala yang lagnat mo. Napagod ka kasi  kanina."

Umayos ako ng upo at ininom ang gamot na binigay niya.

"Gusto mo na bang umuwi? Sabihin mo lang sakin okay?"

"Nag eenjoy naman ako eh. Lagnat lang to."

"Higa ka. For sure nilalamig ka."

Sinunod ko ang sinabi niya.

Binalot niya ko sa kumot at niyakap ng mahigpit. Nakaramdam na ako ng init sa katawan ko dahil magka dikit na magkadikit na kami ni Mara at ramdam ko ang mainit niyang katawan. Ng dahil dito ay medyo nawala ang lamig ko sa katawan. Ramdam ko din ang mabilis na pagtibok ng puso naming dalawa. Komportable na komportable ako sa posisyon namin ngayon.

Nakaramdam na ako ng antok.

- - - - - - - - - - - -

Baka sa monday or tuesday ang next updateee :). Wag po kayong mainip ha guyss. Thanks for reading!!!


She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Where stories live. Discover now