Mela: sigurado ka?, haha, panakip butas ka lang, pampalipas oras ka lang nya, hindi mo ba napapansin  wala syang pakialam sayo? , kapag tapos ng training nya nasaan sya?, ni hindi mo nga alam kung saan sya ngpupunta, nagpapaalam ba sayo kung saan pupunta?


" wala kang alam...! Nanginginig na ang kamay kong itutok sa kanya ang baril na hawak ko, "


Mela: ikaw ang walang alam, haha.. Agent ka ba talaga?, ang agent hindi pwedeng magmahal, magiging kahinaan mo yan,  sapakin mo na ako hangga't gusto mo, sige lang...

Inilapit nya pa ang mukha nya sa akin,
sige.. hindi naman ako gaganti, sabi nya pa habang nakangiti,  "ako pa rin ang mahal ni Kim, hindi ikaw., panakip butas ka lang... Pampalipas ng oras ka la--

Hindi na ako nakapagpigil, nagpanting ang tenga ko sa lahat ng mga sinabi nya, sunod sunod na pagatake ang ginawa ko sa kanya, sa bawat tama ko sa kanya isa syang Blixx member siguradong sanay na sanay yan sa mga sugat, at kita mo nga naman ngiti lang ang iginaganti nya sa akin,

"Lumaban ka!, kayang kaya kitang patayin  ngayon mismo!,


Mela: edi gawin mo, mas -mas mapapasaakin ulit si-si Kim ng walang kahirap hirap hahaha..

Nakakatawa pa sya, duguan na sya, hirap ng magsalita, putok ang kilay nya, at nakaluhod na, pero sige lang sya sa pagngiti sa akin kahit sumuka na sya ng dugo,,,



Itinutok ko sa kanya ang baril na hawak ko, , 

Mela: i-tuloy mo, ,

"Mahal ako ni Kim", matapos kong bitawan ang salitang yun,  isang kulbit sa gatilyo ng baril ko nalang at tapos na, pero mas lalong bumigat ang pakiramdam ko ng mapagsino ko ang tumabig ng kanang kamay ko kaya naman hindi ko naituloy ang pagbaril sa higad na to,

"Mela?, Mela?, wake up!"

Napatigil nalang ako sa posisyon ko, tinititigan ko kung paanong hindi magkandaugaga si Kim, yes.. si Kim ang dumating, hindi sya magkandaugaga sa pagtakip sa pisngi ng Mela na yun na nawalan na pala ng malay.,

Tumayo na ito at mataman akong tinitigan, hindi ko alam kung kilala nya ba ako o hindi,

Kim: Anong ginawa mo?, ano bang laban nya sa tulad mo?,

Paasik nyang tanong sa akin, at tinitigan ang mga mata ko na nakamaskarang itim ang buong mukha, hindi ako makapagsalita, para akong nabulunan, kitang kita ko kung paano nyang buhatin ang babaeng yun na may sobrang pagaalala na kitang kita sa mukha nya,

Sobrang sakit palang makita syang alalang alala pa rin sya sa babaeng nanakit sa kanya, lumingon pa syang ulit sa akin kahit hirap syang buhatin si Mela ,

Kim: Kapag may masamang nangyari sa kanya, hindi kita mapapatawad," "Cienne".....

"Isang mapait na ngiti ang sumilay sa akin, ng marinig kong tinawag nya ang pangalan ko, so kilala nya ako, " bagay lang yan sa kanya!" wala ka bang kaalam alam kung anong klaseng babae yang buhat mo ngayon?,  ang galing nya umarte!, paano ka nakapunta dito?' Tinawagan ka nya? Habang nagpapagulpi sya at hindi lumalaban?, huh' para nga naman makuha ka nya sa akin ng ganun lang kadali,  sakit lang ng katawan ok na.. Para ako ang masama sa paningin mo!, at nangyayari na,,tama??, hahaha, ang husay,

Hide It ❤️ Feel It [Ara Galang - Mika Reyes] Where stories live. Discover now