KARA

1K 27 2
                                    


Ara's POV

Maaga kaming gumising ng mga teammates ko para magjog, ang bilis ng araw wenesday na ngayon at pangapat na araw na namin dito sa Camsur at sa paglipas ng araw napansin ko simula ng umuwi kami noong gabing yun laging tulala si ate kim,

hindi ko naman matanong kasi kakapasok pa lang namin ay agad nya akong hinila palabas at dumeretso ng hotel namin sa lahat ng aktibidad na ginawa namin halos magpakalunod si ate kim, lahat halos sila mga nakangiti kahit hindi pa lumalabas ang araw ay mapapansing nageenjoy sila si mika? two days bago sya nakabalik,

hindi ko alam kung anong nangyari at pagbalik nya may band aid na sya sa kaliwang kilay at pisngi, medyo may sugat pa sya sa gilid ng labi nya,, nakipagbugbugan ba to? hindi nya ako pinapansin, mula ng umalis at bumalik sya pero kapag sa iba nakikipagkulitan sya, kagaya ngayon, tawa lang sya ng tawa kasabay nya sila ate moks at carol, ano bang meron sa lugar na to?

actually maganda naman dito ee, maganda sa pakiramdam yung simoy ng hangin,


Bandang ala una ng hapon , matapos naming kumain...
Para nga kaming hindi kumain ng ilang araw, paano ba naman gutom na gutom,

Moks: Sa wakas.... Natapos din 😁

Shobe: nairaos natin yung activity! 🙂

Carol: Kakulay nyo na si Kim! 😂✌🏻️ hahaha,

Kim: aba, ako na naman... Porke di ka umiitim eh,😒

Tin: Buti naman nagsalita kana din Ate kimmy, kala ko po, pipi kana e haha ✌🏻️

Napagod kaming lahat magtatakbo sa buhanginan sa huling aktibidad namin kaninang umaga, tirik na tirik ang araw pero masaya ang naging takbo nito, kahit puro pangbubuska ang inabot ko sa kanila, wala namang bago sanay nako sa kanila, sa loob ng limang taon naming magkakasama sa iisang dorm ay kilala ko na ang mga yan, hindi nawawala ang pangaalaska namin sa isa't isa.

At sa kasamaang palad ako ang trip nila, by group ang naging activity namin dalawang grupo..

Grupo ko ( kim, carol, majoy, saga,luna, justine, Eli )
at grupo ni Mika (KKD, ipac, tin, Moks, dawn, Cyd )

Paunahan kami sa paghahanap sa buhanginan ng kung ano, ewan ko ba kay Coach kung bakit ganito eh parang naglalaro lang kami.

Puro buhangin na nga katawan namin, isa na lang ang kulang namin at ako na ang huling tumakbo sa point kung saan dun ko hahanapin yung letter na bubuo sa word na "LadySpikers" at sa kabila naman ay si Yeye.

Nilingon ko ito at ayun ang lalim na ng nahuhukay nya at wala pa din,

Yeye: Coach! , sure ka po ba na may nilagay ka dito? 😀 hahaha, wala naman po eh.. Baka iba nakabaon dito..


Carol: Ara!!, bilisan mo na dyan! , silay pa eh!..


LS: hahaha 😂😂😂 uy si Galang pasimple kay Reyes... 🙂

Nakita ko namang tumawa lang si Yeye sa akin at patuloy lang sa paghuhukay, oo hukay kase malalim n talaga yung kanya., ako naman patuloy lang din sa pagkapa, teka parang ito na ata..

"Nakita ko na!!!!", sigaw ko sa kanila sabay taas nung cardboard na may letter S, nilingon ko naman si Yeye at nakangiti itong hawak na rin yung huling letra nila napasigaw pa ito,

Yeye: Sa wakas!!😀

Agad syang tumakbo at ganun din naman ako, ang bilis naman nito.


LS: Bilis!, Ara!, malalaki ang hakbang ni Yeye... Hahaha..😀😀😀

At dahil nga sa laki ng mga hakbang nya hindi ako nakahabol, hingal kabayo akong dumating sa pwesto ng team ko at nanalo ang grupo nila Yeye, nkayuko akong hihingal hingal nakahawak pa ako sa mga tuhod ko, "huhhhh!, huhhh!" Hinga ko pa, para akong tumakbo nang pagkalayo layo sa sobrang hingal na naramdaman ko.

Hide It ❤️ Feel It [Ara Galang - Mika Reyes] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon