Chapter 9.2

1.4K 31 1
                                    

Mugtong-mugto na ang mga mata ni Katniss sa kaiiyak. Ilang oras niyang pinigilan ang mga luha kanina sa opisina. Hangga't maaari kasi ay ayaw niyang maapektuhan ang trabaho sa mga nangyari. Kahit papaano naman ay nairaos niya ang araw na iyon at natapos niya ang project proposal na ginawa kanina. Mabuti na lang at day-off niya kinabukasan. Malaya siyang makapagmukmok sa kwarto niya.

Habang umiiyak siya sa kama, nakita niya ang wood carving na ibinigay ni Bailey sa kanya noon. Kung gaano siya kasaya nang una niyang makita iyon ay ganoon naman ang poot na nararamdaman niya habang tinitingnan iyon ngayon. Maingat siyang tumayo at dinampot iyon. Ilang sandali niya iyong tinitigan habang humahagulhol at pagkuwa'y gigil na itinapon sa basurahan.

"I hate you, Bailey! I hate you!" she screamed. Her voice echoed in the four-walled room.

Noon niya narinig ang tunog ng doorbell. Bagama't inaasahan na niya kung sino iyon, bumaba pa rin siya upang pagbuksan ito. Ipapamukha niya sa walanghiyang lalaking iyon ang pagiging manloloko nito. Humanda talaga ito sa kanya!

"Hi, Love!" masiglang bati ni Bailey sa kanya. Bitbit nito ang isang pumpon ng blue roses at ang paborito niyang Ferrero Rocher chocolates.

Akmang hahalik ito sa pisngi niya ngunit mabilis siyang umiwas. Bumaha ang pagkalito sa mukha nito.

"Anong ginagawa mo rito?" matabang na tanong ni katniss. Matalim ang tinging inihagkis niya sa nobyo.

"Love, ano ba namang tanong 'yan?" Nag-aalalang tanong nito bagama't nakangiti pa rin.

"Para sa'kin ba ang mga 'yan? Akin na." She extended her hand to receive the presents. Iniabot naman nito ang mga iyon. "Thanks. Makakaalis ka na."

Akmang isasara na niya ang gate ngunit mabilis itong nakaharang. Daig nito ang lakas niya kaya nagawa nitong pumasok.

"Ano ba talaga ang problema mo, Katniss? I don't understand you! Okay naman tayo kaninang tanghali, ah," wika nito na medyo may kataasan na ang tinig.

Imbes na sumagot ay umigkas ang kanyang palad padapo sa pisngi nito. Biglang dumating ang bugso ng kanyang damdamin kung kaya ay muling naglandasan ang mga luha niya. Nauwi iyon sa hagulhol.

"Hayop ka! Manloloko ka! Ibinigay ko sa'yo ang lahat pero niloko mo lang ako. Pare-pareho kayong lahat!" histerikal na sigaw niya habang pinaghahampas ng bulaklak at tsokolate ang dibdib nito. Pira-pirasong nalaglag ang mga iyon sa semento. Hindi tuloy ito nagkamayaw sa pagpigil sa kanya.

Nang wala na siyang hawak ay pinagsusuntok naman niya ito. Tila hindi nakatiis si Bailey sa ginagawa niya kaya niyakap siya nito. Mahigpit. Hindi na siya makagalaw.

"I hate you so much! I hate you so much, you bastard!" she cussed in his arms.

"Let's talk about it, Love. Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari sa'yo," nagsusumamong sagot ng lalaki. Her hands gently brushed her hair.

Nang mahamig ang sarili ay marahas niya itong itinulak sa dibdib upang makawala siya. Mabilis naman itong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya.

"Pumunta ang fiancée mo kanina sa opisina. Pinakiusapan niya ako na hiwalayan ka dahil ikakasal na kayo. How could you cheat on us? Ginagawa mo na ba talagang hobby ang paglalaro sa mga babae?"

"Ha? Of course not! Umiiwas na nga ako sa mga babae simula nang maging tayo. Well, except my mom, our employees and our clients," paliwanag nito. "And who's that fiancée you're talking about? My God, Katniss! Kung may gusto man akong pakasalan, ikaw iyon lalo na ngayon at may dahilan na ako."

Kay sarap sanang paniwalaan ang lahat ng sinabi nito pero hindi kasi mabura sa isip niya ang article na nabasa niya. She chuckled sarcastically, instead.

"Ask Bettina Godinez. Saka pwede ba, umalis ka na rito kasi wala na tayong dapat na pag-usapan pa. Everything's clear to me now. Umuwi ka na sa fiancée mo!" pagtataboy niya sabay tulak dito. "Get out! Now!"

Ilang sandali itong nanahimik. Parang may iniisip na kung ano. Matiim itong nakatitig sa kanya pagkuwa'y lumamlam ang mga mata.

"Fine! I'll leave but this will never be the last time that we'll see each other. Patutunayan ko sa'yo na hindi kita niloloko," pinal na wika nito. Muli siyang tinitigan nito bago lumabas.

Bumuga muna siya ng hangin saka tinapunan ng tingin ang mga regalong dala nito bago siya pumasok sa bahay. Oo at hindi pa nawala ang pag-ibig niya para rito ngunit hindi na siya umaasa pa na magkakabalikan sila. Hindi naman siguro mapa-publish ang announcement ng kasal nito kung hindi iyon totoo. 

Now We're Together Where stories live. Discover now