Chapter 6.1

1.5K 39 0
                                    

One activity that was highly recommended while on vacation in the Summer Capital of the Philippines was strawberry picking at the Strawberry Farm in the nearby La Trinidad, Benguet. Madalas marinig ni Katniss mula sa mga katrabaho na iyon daw ang pinaka-unique na karanasan kapag nagbabakasyon sa naturang lugar. Kaya nang mismong araw ring iyon ay pumunta sila ni Bailey sa La Trinidad.

Naging madali naman para sa kanila ang pumunta roon dahil hindi na nila kailangang magpa-reserve ng slot. Mabuti na lang at maaga silang dumating dahil konti pa lang ang mga tao. They had a good timing because it was the strawberry picking season and though a peak season of the Panagbenga Festival, the crowd was still manageable.

"Oh, this is paradise!" Katniss exclaimed the moment she entered the farm, bearing a small basket in her right hand. Dahil doon ay nawala na sa isip niya ang tungkol sa pagtawag ng kanyang ina kagabi. Tangan niya pa kasi sa isip ang tungkol doon nang gumising siya kanina.

Nakasunod lang si Bailey sa kanya at kagaya niya ay may sarili rin itong basket. "Gaano ba karaming strawberries ang pwedeng pitasin, Bailey?" inosenteng tanong niya rito.

"You can pick as many as you want. Pwede mo ring pitasin lahat." Nasa himig nito ang pagbibiro habang nagsasalita.

"Tapos mamumulubi ako pagbalik natin sa hotel. Gano'n?"

"Hindi naman kasi ako ang sasagot sa kulang."

They laughed together at his answer. Hindi niya na talaga maikakaila na nagiging kumportable na siya sa binata. Hindi na siya nahihiyang tumawa nang malakas habang kausap ito. May isang bagay rin siyang napapansin sa sarili. Iyon ay ang habang lumilipas ang araw kung saan madalas silang magkasama ay tila bumabalik ang paghanga na dati niyang naramdaman para rito. Ngunit may isang bahagi rin ng kanyang utak na nagsasabing huwag nang ituloy ang damdaming iyon dahil baka sa huli ay siya rin ang masasaktan. Who knows, baka may girlfriend ito. Imposible naman kasing wala dahil taglay na nito ang lahat ng hinahanap ng kahit sinong babae.

Kung may girlfriend siya, bakit kampante siyang sumama sa'yo araw-araw? Saka 'di ba, hindi mo pa siya narinig na may kausap sa phone na tinatawag niyang Honey, Baby, Sweetheart o kung ano pa man? hirit ng isang bahagi ng kanyang utak. Tama nga naman. Eh, hindi naman sa pagiging assuming pero sa kanya lang naman laging nakatuon ang pansin ni Bailey tuwing magkasama sila.

"But still, hindi mabuti ang mag-assume, Katniss. Okay?" bulong na paalala niya sa sarili.

"What? Did you say something?" Bailey uttered, looking at her.

"H-ha? W-wala! Sige, doon lang ako, ha?" pagliligaw niya sa usapan. Itinuro niya ang bahagi kung saan mas manipis lang ang dami ng tao.

"Okay. I'll be there," he answered. Nakaturo ito sa parteng hindi naman kalayuan.

Tinungo niya ang isang bahagi kung saan may lalaking nagdidilig ng mga tanim. Marami siyang nakitang hinog na bunga sa bahaging iyon kaya doon siya pumirmi. The strawberries were very colourful and sweet. It even made her feel romantic to pick those fruits with her own hands. Natukso siyang kainin ang isa sa mga napitas niya kaya walang babalang kinagat niya iyon. Isa pa naman iyon sa mga paborito niyang prutas.

"Mmm! Sarap!" wika niya pa habang nginunguya iyon.

Nang akmang mamimitas ulit ay nakita niya ang tila magkatabing bunga. Maingat niyang hinawi ang dahon na tumatabing sa mga iyon para lang mamangha dahil magkadikit pala ang dalawa.

"Wow! This is something new. First time kong makakita ng ganito," tila baliw na wika niya sa sarili. She immediately grabbed the phone in her pocket and snapped some shots of the rare view. Nasasayangan siyang pitasin iyon pero hindi naman siya makakapayag na hindi iyon mapunta sa kanya.

She picked some more fruits until her basket was full. Nakita niya si Bailey na patungo sa kanyang kinaroroonan kaya sabay na silang lumapit sa mesang may timbangan.

"Nakakuha ka pala ng kambal na strawberries, Ma'am," nakangiting wika ng may babaeng siyang nagkilo sa laman ng kanyang basket.

"Ah, opo. Nakita ko doon kanina." Gumanti rin siya ng ngiti rito.

"Alam mo ba na kasabihan ng matatanda dito na kapag kinain niyo iyan ng taong mahal mo ay magsasama kayo habambuhay?"

Lihim na kumunot ang noo niya sa narinig. Ngayon niya pa kasi iyon narinig. Isa pa, ayaw na rin niyang maniwala sa mga kasabihan dahil baka malasin ulit siya tulad nang nangyari sa kanila ni Paolo.

"Gano'n po ba, Ate?" she answered, laughing at the back of her mind.

"Oo, Ma'am. Hati kayong dalawa ng boyfriend mo n'yan, ha?" anito sabay turo ng nguso kay Bailey. Tila kinikilig pa ito.

"A-ah... eh..."

"Heto po ang bayad naming dalawa," putol ni Bailey sa sasabihin niya. Hindi na siya nakapagprotesta pa na ito ulit ang sumagot sa gastusin dahil mabilis na nagbigay ng sukli ang babae. "Thank you, po." At nakita niya pa ang ginawang pagkindat nito sa babae. May lalo namang lumapad ang ngiti ng huli.

"Let's go, Katniss?" baling nito sa kanya. Tumango lang siya bilang tugon.

Habang tinatahak nila ang daan patungo sa exit ng farm ay biglang nagreklamo ang kanyang tiyan. Senyales iyon na gutom na siya. She threw a quick glance at her wristwatch. Mag-aalas dose na pala.

"Whew! Gutom na ako," reklamo niya sabay sapo sa kanyang tiyan.

Dumampot siya ng strawberry mula sa plastic bag na bitbit at nagkataong iyong kambal ang nakuha niya. Without any hesitations, she took a bite of it. Napansin niyang panay ang tingin ni Bailey sa kanya habang ngumunguya siya.

"Gusto mo?" untag niya rito sabay alok ng kalahati ng prutas.

"Kunwari ka pa na inaalok ako pero ang totoo, gusto mong may forever tayo," he teased, flashing a naughty grin.

Her cheeks automatically heated and turned red. Ilang sandali siyang hindi nakasagot kasi kung susumahin, para kasing ganoon ang dating. 'Di ba, kasasabi lang ng tindera kanina tungkol sa alamat ng kambal na strawberries?

"H-ha?" maang na wika niya. "Eh, 'di sige. 'Wag na lang! Kumuha ka na lang ng iba sa plastic."

"Hey! Napikon ka naman kaagad. Akin na 'yan. Gutom na rin kasi ako." Hindi pa man niya ibinigay ang hawak ay mabilis na nitong nakuha iyon sabay lagay sa bibig.

Nagdiwang ang kanyang puso sa ginawa nito. May sarili naman itong bitbit na plastic kung saan pwede itong kumuha ng prutas pero mas pinili nitong kainin ang kalahati ng kinain niya. Mababaw na kung mababaw pero hindi niya talaga napigilan ang makadama ng kilig.

"Naniniwala ka ba talaga sa sinabi ng babae? Baka naman sinabi niya lang 'yon para dagdagan pa natin ng bili." Isa pa, hindi rin kasi nabanggit ng mga katrabaho niya ang tungkol sa kambal na strawberries na 'yan kaya walang siyang kaalam-alam. Gusto sana ng puso niyang marinig na naniniwala ito sa alamat.

"Yeah, I heard it a lot. But it's just legend so meaning, gawa-gawa lang," parang wala lang na saad nito.

"I see," aniya pagkuwa'y nagbikit-balikat.

Well, he had a point. The promise of forever by the twin strawberries was just a legend. Sabi-sabi lang iyon at pwedeng hindi totoo. Pero bakit parang may bahagi ng kanyang puso na umaasang totoo iyon lalo na at kinain ni Bailey ang kalahati ng prutas? Lihim na lang siyang napabuntong-hininga. 

Now We're Together Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon