"Mich..kaylangan niyang malaman..anak niya 'to." Sabi ko sakanya habang patuloy padin ang pagdaloy ng mga luha ko. Kaylangan ni Franco malaman..paano nalang ang magiging anak namin kung wala siyang kikilalaning ama? Hindi pwede..maslalo ko siyang kailangan makausap ngayon dahil sa magiging anak namin.

"Jam, ano kaba naman?! Kelan kaba titigil diyan sa katangahan mo?! Pinagsabihan kita! Tigilan mo na'to!! Kanina nung hinahabol mo siya, alam mo bang nandun sa sasakyan niya yung babae niya?! Habang ikaw parang tangang humahabol, siya namang masyang masaya na nakasakay at umalis kasama ang babae niya! Tigilan mo nato! Maawa ka sa magiging anak mo!" Pangangaral ni Michie sa akin. Maslalong bumigat ang kalooban ko sa mga sinabi niya..masyado naba talaga akong naging tanga? Pero kasi..nagmamahal lang naman ako. Kaylangan ko siya..maslalo na ngayon. Kaso..tama ba ang bestfriend ko? Kaylangan ko na ba talagang tiglan 'to? Hindi ee..ang tanong kung kaya ko naba..kaya ko na kaya? Hindi ko na alam..nagpatuloy nalang ako sa pag-iyak.

"Mich..kaylangan ko kasi siya." Sabi ko habang humihikbi sa bestfriend kong tahimik na tinatahan ako. "Hindi Jam..kaylangan mong magpakatatag..yun lang. Kaylangan mong magpakatatag para sa anak mo..maslalo na sa sarili mo." Sabi niya sakin..pero hindi.. buo ang desisyon ko..kaylangan kong maka-usap si Franco..last na..last na try na..kapag wala na talaga..susuko na ako.

--------

Hinatid ako kinabukasan ni Michie sa bahay namin.. Naghanda ako para pumasok at makausap ni Franco..hindi ko muna sinasabi sa pamilya ko ang nangyayare sa akin..sasabihin ko nalang kabag okay at ready na ako.

Nakarating ako sa opisina at inasikaso ang mga dapat kong gawin. "Ahmm, Jam wala nga pala si Sir ngayon huh..ako nalang daw magsabi sayo..may ginawa siya sa Terminal 2 ee." Sabi sakin ni Karen na isa sa mga empleyado dito katulad ko. Tumango nalang ako, pupuntahan ko nalang siya sa penthouse niya mamaya para makausap ko na talaga siya..sana lang ay wala doon si Almira. Isang subok nalang naman ee..isa nalang.

Naging busy ang buong maghapon para sa akin..madami akong inasikaso sa trabaho ko. Mga schedule na inayos ko..mga kaylangan niyang reviewhin na inayos ko. Buong araw kong hindi nakita si Franco..inissip ko tuloy ano kayang magiging reaksyon niya kapag sinabi ko sakanyang buntis ako? Sasaya? Magagalit? O babaliwalaen lang din niya katulad ng ginawa niya nitong mga nakaraang araw sa akin? Iniisip ko palang ngayon..nasasaktan na ako, hindi lang para sa sarili ko kundi pati narin para sa anak ko. Pero naniniwala akong kaylangan niyang malaman..may karapatan siya kaya sasabihin ko sakanya.

"Ingat ka Jam!" Sabi sa akin ni Mark isa din sa mga empleyado dito ng makasalubong ko siya..nginitian ko nalang ito. Paalis na ako ngayon at papunta sa penthouse ni Franco..sigurado akong nandun nayun. Kaylangan talaga namin mag-usap ngayon..para sa magiging anak namin at kung ano na ba ang meron sa relasyon namin.

"Manong..royal towers po." Sabi ko sa taxing sinasakyan ko. Habang nasa byahe ako..iniisip ko lang ang mga mangyayare mamaya, matatanggap kaya ni Franco kapag sinabi kong magkakanak nga kami? Iiwan na ba niya si Almira..para sa amin? Paano kapag hindi? Paano kapag hindi niya tinggap ang magiging anak namin? Ngayon palang dinudurog na ang puso ko.

Desperate Secretary (Completed)Where stories live. Discover now