Fourth Part

253 10 3
                                    

**Sa mga hindi pala nakakaalam, si Lee yung isa sa friendships ni Josh sa "Malandi ako. Paki mo." Bratinella 2nd series sya. Ayun. Hehe.

-=oOo=-

"Ahhm, hi?" naiilang na sabi ng babae na nagpagising sa akin mula sa pagkakatulala.

Inalis ko ang kutsara sa aking bibig, itinabi ang malaking mangkok na may pagkain tsaka dali-daling tumayo. Anong ginagawa ng babaeng ito dito? Tsaka pano nya ako natunton? Mangkukulam ba sya na gumamit ng mahika para masundan ako? Tae, nakaka-paranoid!

"Ah, b-busy ka ata. Ahm, sige uwi na ako. G-good night." sabi nya sunod tsaka tumalikod at akmang lalabas na.

"Ah hindi. Sige, pasok. Tuloy ka. Ahhm, upo ka muna. Nood ka ng tv. May remote naman. Pili kang chanel. Hindi rin mainit. May electricfan kasi. Feel at home. Wala nga lang pagkain. Nilamon na ni ate. Hm, pasensya." sunod-sunod kong sabi na nagpalingon sa kanya.

Parang nabigla sya. Ako nga rin. Saan ko hinugot lahat ng pinagsasabi ko? Sinong normal na tao ang magsasabi ng ganong mga bagay sa bisita na kung tutuusin ay hindi naman kakilala, kung hindi ako? Medyo nahiya ata ako kaya napakamot ako ng batok at tumingin sa ibang direksyon. Awkward.

Narinig ko syang tumatawa ng mahina kaya lumingon ulit ako sa kanya. At doon ko nalaman na bagay sa kanya kapag ganyan na masaya sya. Hindi ko tuloy napigilan ang paglabas ng ngiti ko.

"Salamat." sabi nya sabay lakad at upo, kaya umupo na rin ako ulit.

"Pano mo ako nahanap? Stalker ba kita?" diretso kong tanong.

"A-ano?! Grabe ka. Kinapalan mo pa sana ng konti ang mukha mo."

"Ay sorry. Hindi ko lang kasi talaga inasahan ang pagdating mo."

"Ikaw kasi. Basta ka lang tumakbo. Buti nalang at doon din na-hospital kaibigan mo kaya nakapagtanong ako sa kanila. Tinatawag ka nila ng tumatakbo ka. Di mo naririnig?"

"Hay, takte. Paalis palang sila non?"

"Ata? Hindi ko alam. Hindi ko naman sila kilala."

"Oo tama ka at hindi ka rin nila kilala pero binigay nila address ko. Langya nila."

"Bakit? Ayaw mo akong makita?"

"Eh ikaw? Gusto mo akong makita?"

"Oo."

"Bakit?"

"Bakit hindi?"

"Ay ang kulit. Bakit nga kasi gusto mo akong makita?"

"Dahil... dahil... hindi ko alam?"

"Psh. Ang sabihin mo dahil sa panaginip na yan. Alam mo miss, itulog mo lang yan tsaka ka managinip ulit. Nagkataon lang ang mga nangyari kanina. Nagkataon lang talaga na ako ang unang nakakita sayo sa building kaya ganon. Tsaka wag kang maniwala sa sinabi ng lolo mo dahil panaginip lang ang lahat. Walang katotohanan don."

"Wag mo akong tawaging miss, may pangalan ako."

Sa haba at dami ng sinabi ko, mas inalala pa nya yung pagtawag ko sa kanya. Wala naman akong balak na makipagkilala sa kanya kaya ganon, pero parang gusto kong ibahin ang nasa isip ko. Bigla kasing naging malungkot na naman ang kanyang mukha kaya parang gusto ko na malaman ang pangalan nya para naman makabawi ako sa mga pinagsasabi ko.

"Sensya na. Ano bang pangalan mo?"

"Ako si Romelyn Raymundo pero Lyn nalang tawag mo sa akin. Hm, ikaw si Jherome di ba? Yun ang dinig kong sabi ng kaibigan mo. Tama ba? Anong last name mo?"

"Oo tama. San Mateo apelyido ko. Ano na ngayon?"

"Anong ano na?"

"Alam mo na pangalan ko. Ano ng balak? Ano pang kailangan mo?"

"Bakit ka ganyan? Bakit parang atat na atat kang umalis ako?"

"Tsk. Hindi ganon miss, este Lyn pala. Napaparanoid kasi ako pag kasama kitang ganyan na parang may mangyayaring kakaiba. Ang weird lang kasi ng mga nangyayari at ayaw kong mabaliw sa kakaisip."

"Teka. Umamin ka nga. Napanaginipan mo rin ba ako kaya ka nagkakaganyan? Wag kang magsinungaling. Babangungotin ka pag di ka nagsabi ng totoo sige ka."

Bulls eye! Sinong gugustuhing kasama ang isang mind reader ata? Paano nya nalaman e hindi ko nga binanggit na napanagipan ko rin sya di ba? At sinumpa pa nya akong mababangungot ulit kapag di ko inamin. Tae na!

"Tsk. Sabihin na nating napanaginipan kita, e ngayon?" mahina kong sabi na nagpangiti ulit sa kanya.

"Totoo?!" tuwang-tuwa nyang sabi.

"Kung sakali nga lang. Bingi."

"Edi masaya."

"Anong masaya don?"

"Dahil nakilala kita. Pwede bang dadalaw akong madalas dito?"

"Pano kung ayaw ko?"

"A-ayaw mo?"

"Tsk, oo na! Takteng buhay oo."

"Sabi mo yan ah? Wala ng bawian ha?"

"Oo nga. Kulit."

"Salamat naman. Gusto kasi kitang makilala para malaman ko kung totoo yung sa panaginip o hindi. Wala naman mawawala kung susubukan di ba?"

"Oo na lang ako."

"San ka pala nag-aaral?"

"Pati ba naman yon gusto mong malaman?"

"Syempre. Magpapalipat ako para mas madalas kitang makasama. Penge na rin pala ng cellphone number mo."

"Seryoso ka? Kababae mong tao tas ikaw nanghihingi ng number ng lalaki? Ate ko nga, tomboy na pero di nya yan ginawa ni minsan."

"Ano ka ba? Bakit sa tingin mo hihingin ng ate mo ang number ng isang lalaki? Sige nga? Tsaka hinihingi ko lang naman ah? Bakit? Sinabi ko bang liligawan kita? Ang asumero mo. Pogi ka nga, ang yabang mo naman. Kanina ka pa."

"Sabi ko nga. Lakas mong mamahiya ah? Tsk. Akin na phone mo, ako na maglalagay ng number ko. Iti-text ko nalang sayo ang pangalan at address ng school kung san ako nag-aaral."

"Bibigay din, dami pang sinabi. Oh, heto. May load yan. Miss call mo yung sayo tas i-save mo rin ang akin sa cp mo. Text mo sa akin school info mo ah?"

"Ge."

"Hmm, may girlfriend ka na ba?"

"Bat mo tinatanong?"

"Bat di mo sagutin?"

"Bat mo nga inaalam?"

"Sagutin mo muna tanong ko."

"Wala."

"Di ka naman ba bakla?"

"Ano?! Eh kung halikan kaya kita ng malaman mo?! Teka nga, hindi mo pa sinasagot tanong ko, nakadalawa ka na!"

"Oh oh, ang puso mo. Maatake ka dyan e di naman kita kayang buhatin para dalhin sa hospital kaya baka ka matuluyan sige ka."

"Haay, nakakaubos ka ng pasensya! Bakit nga kase tanong ka ng tanong?!"

"Ay, magdidis-oras na pala. Uwi na ako. Baka hinahanap na ako sa bahay. Sige, nyt nyt!"

"Hoy babae! Kinakausap pa kita!!"

Tumayo sya tsaka naglakad paalis at sinundan ko agad. Palabas na sya ng pinto ng biglang lumabas sa kwarto nya si tatay. Nagising namin ata. Sama makatingin. Patay.

"Bat ang ingay nyo!" galit na sigaw ni tatay sa amin.

"Sino yan?" bulong sa akin ni Lyn.

"Si tatay." pabulong na sagot ko naman na nagpalabas ng isang ngisi mula sa kanya.

"Magandang gabi po. Ako po si Romelyn Raymundo, Lyn for short... ang girlfriend ni Jhe. Binisita ko lang po sya pero paalis na rin ako. Sige po. God bless."

Mabilis syang lumabas matapos ng sinabi nya. Naiwan kaming tulala dahil sa pagkabigla sa aming narinig ni tatay. Tahimik lang na bumalik si tatay sa kanyang kwarto ng mahimasmasan na kaya ganon na rin ako.

Hindi ako binangungot ng gabing iyon pero takte, hindi naman ako nakatulog!

-->BelomaCassidy

Girl of my Nightmare [Short Story / Completed]Where stories live. Discover now