Second Part

283 17 1
                                    

**Dedicated kay Ponga. Kita ko syang nag-vote sa previous chap eh. Aiun. Thankies!  :D

-=oOo=-

"Nasa kwarto ako ni Michael na ngayon ay nagkamalay na. Ang loko, pinagtatawanan ako pagkatapos kong ikwento ang napanaginipan ko at ang nangyari sa akin sa elevator. Ang yabang ng mokong na kesyo daw ang bading ko dahil napasigaw ako ng ganun-ganun lang e sya naman itong nasagasaan lang pala ng isang pedicap pero nawalan agad ng malay.

Pumasok si Hannah na dala na ang resibo ng hospital bill. Ngayon din naman kasi lalabas si Michael. At heto ang sira, ayaw umalis para daw aalagaan sya ni Hannah. Umiiling nalang akong naglakad para iwan ang dalawa dahil mukhang matagalang usapan ang mangyayari.

Binuksan ko ang pinto pero natigil ako at nanigas sa aking kinatatayuan ng makita ang multo este ang babae sa elevator kanina. Diretso lang sya sa mabagal nyang lakad at tulala na naman. Halatang galing talaga sa matinding iyak dahil sa mugtong mga mata na medyo malalim na parang puyat. Hanep talaga ang trip neto, ang weird. Nakakatakot.

"Hoy Jherome. Anong ginagawa mo dyan sa may pinto?"

"Ay engkanto!"

Nagulat talaga ako ng biglang nagsalita si Michael. Sarap upakan. Tsk.

"Anong engkanto?"

"Mukha mo, mukhang engkanto."

Tinitignan ko parin ang babae na papalayo habang nakikipag-asaran kay Michael hanggang sa lumiko ito ng daan. Ewan pero parang gusto kong sundan ang babae. Ang labo.

"Anong sinisipat mo dyan?"

"Ang dami mo namang inaalam. Para kang house wife na ine-enterogate ang asawang nadis-oras ng uwe."

Natawa si Hannah sa sinabi ko.

"Bakit ka natatawa sa kanya babe? Nagseselos ako." sabi ni Michael sa kanyang shota.

"Wag ka, ikaw naman love ko eh." paglambing naman ni Hannah.

"Tae, ang langgam. Makaalis na nga." sabi ko bago tuluyang umalis.

Naglakad ako at ang ewan talaga dahil dumaan ako sa nilakaran nung babae kanina. Ang totoo, tinitignan ko ang paligid at nagbabakasakaling makita sya pero hindi man nangyari. Kahit sa elevator, wala. Nakarating ako sa labas at tinignan ko nalang ang buong hospital habang iniisip kung bakit halos magkapareho ang nakakatakot kong panaginip o bangungot sa mga nangyari sa akin dito.

Girl of my Nightmare [Short Story / Completed]Where stories live. Discover now