Chapter 1

1.1K 44 12
                                    


"Maica, can you please call the GHM and schedule an appointment?"

Inilapag ko ang handbag at folder na dala ko sa aking mesa at umupo sa swivel chair. Hinilot ko ang sentido ko. Grabeng traffic muna ang dinaanan ko bago nakarating sa office kaya sobrang sakit ng ulo ko ngayon.


"Ma'am, magpahinga na muna po kaya kayo? Siguradong may jetlag pa po kayo."

Iniling ko ang ulo ko.


"I'm fine. I need to finish the preparations for the Fashion Show as soon as possible."


"Okay po, ma'am. Balikan ko nalang po kayo agad."

Tumango ako sa kanya.


"Thank you, Maics."


Nang makalabas na si Maica, inabot ko ang folder na binabasa ko kanina pa sa eroplano. Nandito ang profiles ng mga pinaka sikat na model sa Pilipinas. Lahat sila ay under sa GHM or Gomez House of Models.

Ilang beses ko na bang inulit basahin ang pangalan ng pinaka unang lalaking naka lista? Hindi ko na mabilang. Deep inside, I am hoping na mag-isa itong mabura.

1. Nishan Lopez


Isinara ko ang folder. Hindi ko inexpect na kahit hindi pa ako nakakarating sa Pinas, pangalan niya agad ang bubungad sa akin. Paglabas ko naman ng airport, picture niya agad ang nakita ko.

It's been years, but I haven't heard anything from him.

Nang tinanggap ko ang offer ng tita ko na mag-aral ng fashion designing sa Paris, hindi na ako nakipag communicate kahit kanino. Well, syempre exceptions ang mga kapatid at pinsan ko.

Hindi ko akalain na magiging model siya. As far as I remember, he wanted to be an Architect. Medyo malayo sa career niya ngayon. Pero bagay naman sa kanya.


Natigil ako sa pag iisip nang mag ring ang phone ko.


"Hello?"

I answered it.


("How's my little sister? Looks like she's home but she didn't informed us.")

Nahimigan ko ang pagtatampo sa boses ng kapatid ko.


"I'm sorry, kuya. Don't worry, I'm rushing everything here para makauwi ako ng Pampanga kaagad."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.


("Stop making yourself busy. After that Fashion Show, we need you back here asap!")

Nangiti naman ako kaagad.


"Yep! Ingat kayo and see you soon kuya!"


("You take care too.")

Narinig ko pa sa background ang boses ng mga pinsan ko. Nangingibabaw yung kambal dahil humihingi sila ng pasalubong.


Binaba ko ang tawag ng may ngiti sa labi. Namimiss ko na talaga ang kakulitan nila. Siguradong araw-araw may gulo sa bahay nila lola dahil doon silang lahat nakatira. Lahat ng mga parents namin ay nasa ibang bansa pati na din grandparents.

Sina kuya Harry na kausap ko kanina, kuya Mir and kuya Denn ang nagsisilbing guardian ng iba ko pang mga pinsan. Yes, malaki ang pamilya namin kahit dalawang babae at isang lalaki lang ang anak nina lolo at lola.

Nang dahil sa malalim na pagiisip ko, hindi ko na napansin na pumasok na pala si Maica sa office ko.


"Ma'am, ang ganda po ng ngiti niyo ah?"


"Yes. Kakatawag lang kasi ng kapatid ko."


"Nako. Akala ko naman po may lalaki na kayong nagugustuhan."

Iniwas ko ang tingin ko kay Maica at inabot nalang ang papel na hawak niya. Complete address ang nakasulat dito and I'm guessing na sa GHM 'to.


"Address po yan ng building ng GHM. They are expecting you to come within the day po. Available din po ngayong araw ang CEO nila kaya anytime daw po pwede kayong dumalaw."

Tumango ako sa report ng secretary ko.


"Okay, then. Fix your things, Maica. Dalhin mo ang mga contracts na kailangan papirmahan. I'll be out in 15minutes."


"Okay po, ma'am."

Paglabas ni Maica ay bigla ko nalang naramdaman ang kabang matagal ng hindi dumadalaw sa akin.

Sairyn, you're not meeting him yet so calm down.


NISHAN, the most wanted PlayboyWhere stories live. Discover now