Page 6

12.3K 195 4
                                    

HER

"Ma'am si Daniel na lang! Magaling na kumanta gwapo pa!" Sigaw ni Albie sa klase.

Napaayos ng upo si Daniel sabay binatukan si Albie. "Siraulo ka ba tol, pinagsasabi mo?"

Natawa ako at hinila si DJ at binulungan siya. "Sige na, you go na bal. I support you."

"Hay Bal, pati ba naman ikaw?"

"Sige na. For me, please?"

Tumayo si Dj at napa-apir si Juls sa akin. Nag ngitian ang mga kaklase ko sakin. Nagkantyawan naman ang mga lalaki.

Nakatapos sa pagsample ng kanta si Dj sa harapan at bumalik siya sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil pisil ang palad. "Kinakabahan ako bal ano ba tong pinasok ko."

Tumawa ako hinampas siya. "Baliw, ang galing galing mo nga eh!"

Pagkatapos ng klase namin, dumiretso kami sa Dean's office at nagpalista si Dj para sa upcoming Music Day ng school namin.

"Maghanda ka na Bal, magready ka na ng damit mo dahil ako ang makakakuha ng Trip to boracay."

"Ang taas din naman ng confidence mo ano?"

"Syempre no! May iba pa bang mananalo don? Wala silang isang Kathryn Bernardo. Dun palang panalo na ko."

Namula ako. Tumikhim si Dean kaya napatingin kami sa kanya. Nakakahiya si Daniel! Bakit niya ba 'yun sinabi! Hindi tuloy ako makatingin ng diretso kay Ma'am.

"Masyado yatang mahangin dito, Mr. Padilla?"

"Syempre Ma'am, nakaaircon eh"

Binato ni Dean si Dj at tumakbo kami ng tumatawa.

—-

Kathniel •Endless Time•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon