Page 2

20K 326 13
                                    












HER POV

"Vanilla-chocolate-strawberry- mangoes"

Nakangisi niyang sinabi.

Hinila ba naman ako sa isang sikat na shop ng Ice cream. Wala akong nagawa kundi bilin lahat ng tinuro niya.

Nang dumating ang inorder niya ay mabilis niya iyong nilantakan.

Nilingon niya ako. "Ikaw? Ayaw mo?" He said mockingly.

"No thanks." Hilaw na ngisi ko Sabay irap.

Ang balak ko sana kanina ay ilibre lang siya ng Dirty ice cream. Yung tipong tig- sasampu lang.

I ended up being loser. And poor.

Nagmake face ako sa harap niya. "Baka naman galit kapa sa lagay na yan?" Nakasimangot na sinabi ko.

He chuckled. "Medyo"

Umirap nalang ako.


"Bal, tara na kasi.." Kanina ko pa hinihitak itong isang to. Pero tamad na tamad tumayo. "Iiwan na talaga kita."

Nagmadali akong tumayo.

"Ang tamad tamad talaga niya. " I said.

Maya maya ay may umakbay sa akin at sinabayan ako sa paglalakad. Sa Amoy palang, alam kong siya na yan.

"Sipag mo talaga!" Inilapit niya ako sa dibdib niya.

"Ano b-ba! Bitawan mo nga ako. Ang bigat mo bigat mo!" Kinalas ko ang kamay niyang nakapalupot sa aking leeg.

Nakarating kami sa school at gaya lamang ng inaasahan, nalate kaming dalawa. Dahil sa kakulitan nito.

"Oh? Mr. Padilla, Ms. Bernardo?" Tumaas ang kilay ng prof. namin.
"May I remind you na 1:00pm ang oras ng klase ko? So how come 1:45 na kayo nakarating? "

Napayuko ako. Dumadagundong ang kaba sa dibdib ko.

"Wag niyong sabihin na hindi niyo alam ang schedule niyo?"


Natapos ang ilang minuto at hindi ko alam kung paano namin nalagpasan ni Daniel ang katarayan ng aming prof.

"Ikaw kasi! Sinabi ko na sayo'ng malelate tayo e. " halos pasigaw na bulong ko sa kanya.

"Sorry na bal."

"Hmp. Ewan" Humalukipkip ako at naghintay ng susunod na prof para sa susunod na klase.

Maya-maya ay umingay ang corridor. Hindi ko alam kung anong meron. Pero dahil nacurious ako, tumayo ako at pumunta sa bintana.

Ang ingay ingay, may nagtitilian, nagtatawanan at naghihiyawan.

"Oh? Sino yan?" Nagulat ako dahil nasa tabi ko pala si Daniel.

"S-si Qean pala." Bakit ako nauutal? This is weird. Sabagay ayaw ko palang malaman na may crush ako sa isang iyon.

Kathniel •Endless Time•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon