Si Axel nakatapos ng Civil Engineering, pero hanggang ngayon ay 'yung business pa din ng pamilya nito ang inaasikaso. Sabagay, kaka-take lang nito ng board exam.

"Di ka pa ba uuwi, iha?" tanong sa akin ni Ate Mila. Isa sa mga kasama ko dito sa opisina.

"Ah, tatapusin ko lang po ito."

"Ah ganoon ba? Sige una na ko sayo ah," paalam nito sa akin.

"Sige, Ate Mila. Ingat po!"

Sa opisinang kinalalagakan ko, ako ang pinakabata. Halos lahat sila ay may pamilya na. Well, I'm only 21 years old turning 22, three days from now.

Halos kalahating oras na din ang nakalipas mula ng iwan ako ni Ate Mila dito sa opisina. Huminto na ako sa ginagawa ko at nagpasyang bukas nalang tapusin. Nagsosort kasi ako ng records ng mga files per barangay. May dalawang barangay pa akong natitira. Sinimulan ko na ngang ayusin ang mga gamit ko. Maya-maya may tumawag sa cellphone ko. I knew it was Axel. May nakaassign kasing tone para sa tawag nito.

> Oh bakit?

- As my tradition, three days before your birthday, I'll greet you an Advance Happy Birthday!

>Thank you! How about my gift?

- Ano bang gusto ng maganda kong kaibigan?

Ikaw!

> Ahm anything basta galing sa puso.

- What about my blood?

> Puwede na rin. Basta orange flavor ah!

- You really love orange fruit huh?

Napangit ako sa sinabi nito. No wonder, kilalang kilala talaga ako ni Axel.

> Siyempre.

- You're already home?

> Nope, I'm still here in the office.

- Okay, I'll pick you up then.

> Much better. I'll wait.

Maya maya pa ay nag-end na din ang conversation namin through call. And after we talked, ang ngiti ko abot langit. Hindi ko maiwasang kiligin kahit wala namang dahilan para maramdaman ko ito. Siguro ganito lang talaga kapag gustong gusto mo ang kausap mo. Kahit wala namang mga salita na binitawan katulad ng I LOVE YOU eh maa-appreciate mo pa din kasi nga importante. To think na, ang sweet talaga ng kaibigan kong yun. Kaya nga minsan kapag naiisip ko na magkakahiwalay kami o magkakaroon na ng different business or priorities in life, di ko talaga alam kung paano nalang ako kapag ista pwera na ko sa buhay nito.

After fifteen minutes dumating na ang sasakyan ni Axel. Sinalubong ko naman ito wearing a beautiful, I mean gorgeous smile. Haha!

Nang makalapit naman ito sa akin ay may iniabot ito.

"Ano 'to?" tanong ko matapos tanggapin ang bagay na iniabot nito sa akin.

"Dugo ko. Orange flavor yan ah!"

"Ohw! Adik ka talaga!" natatawang sabi ko. Kahit kailan talaga ang isang ito. Infairness thoughtful naman ng kaibigan kong 'to. Nag-abala pang bilihan ako ng paborito kong PONKAN!

Naglakad na nga kami papunta sa sasakyan nito. Pagkasakay namin sa kotse,nagkwentuhan lang kami.

"So, what's your plan to your birthday?" tanong sa akin ni Axel habang binubuksan ang makina ng sasakyan.

"Parang hindi mo naman ako kilala. I just want a simple yet unforgettable celebration," aniko at nginitian ito.

"Yeah. Debut mo lang ata ang natatandaan kong enggrande," napapatangong sabi nito

WRONG SEND (For editing)Where stories live. Discover now