~15~ Mushroom Soup Versus Broccoli Soup

Magsimula sa umpisa
                                    

“I’ll just… Ahmm…” Kumamot siya sa ulo niya. Malikot ang mga mata niya. Parang naghahanap ng sasabihin. “Picking you up…”

“And where are you taking me to?”

“I’ll tell you later.” =___=

“Why not now?” Ano ba yan! Englishero! >.<

He groaned, “I don’t want to tell it to you here. Somebody’s listening. Tss.” Sabay tingin niya sa likod ko. Lumingon naman din ako. Nakalimutan ko nga pala si Warren -___-

I chuckled awkwardly, “Oo nga pala, Dustin. Si Warren nga pala, kababata ko. Warren, si Dustin…. Ahmm, kaibigan ko. Natatandaan mo ba siya Warren? Siya yung.. Basta.”

Tinignan ako ng makahulugan ni Dustin pagkatapos kong sabihin ang salitang kaibigan. Anong gusto niyang ipakilala ko sa kanya? Suitor??? Edi makakarating kay Momsie yun!! >__<

“Nice to meet you, dre.” Inextend ni Warren ang kamay niya kay Dustin pero hindi ito tinanggap ni Dustin. Sinimangutan ko nga! Ang rude!

“What?” Dustin asked me. “Let’s go.”

“Hindi pwede. Tignan mo nga ako,” ini-scan nga niya ako mula ulo hanggang paa. “See? Mukha akong babae sa septic tank. Hindi pa nga ako naliligo at nag-aalmusal eh.”

“Hintayin mo nalang siya, dre.” Singit naman ni Warren sa usapan pero hindi man lang siya tinignan ni Dustin. Taray talaga nito >__>

“Sasama ka ba sa akin o hindi? Pili lang, Chloe.”

Eh bat parang naghahamon ang boses mo? Kaimbyerna. ~____~

“Hindi pa nga kasi ako nakakapag-almusal.”

“Just choose.”

I sighed, “Oo na.”

‘Di ko alam kung bakit hindi ako makatanggi sa kanya. Tsk!

He smirked behind me and then held my hand. Bumulong pa siya sa akin, “Let’s go. Mas masarap akong magluto ng soup kesa sa lalaking yan... Broccoli Soup pa.”

Eh?? Bat ba soup ang topic ng mga tao ngayong araw? 0________0

 

***

 

Hinayaan ko lang si Dustin kung saan mang lupalop ng Maynila niya ako dalhin. Trustworthy naman siyang tao kaya ayos lang. Medyo nakakabother lang ang suot kong short jeans at black shirt tapos nakaflip flops lang ako. Para akong mangangapitbahay lang nito sa suot ko.

Nagulat ako nang hilain ako ni Dustin paakyat sa unit niya tapos pagkapasok namin sa loob nito, pinaupo niya agad ako sa high stools sa kitchen niya. In fairness, bet ko talaga ang kitchen niya! Sosyal eh @_@

Makalipas ang ilang minuto, may sinerve na siyang pagkain sa harapan ko. Brunch kung brunch. May bacon, sunny side up eggs, cheesedogs na malalaki, tocino, tapa at fried rice… Ay, meron pa palang garlic bread sa side at Broccoli soup. Kulang nalang ang hot chocolate… Para na akong nasa hotel nito @______________@

“What do you want to drink? Juice, coffee or hot choco?” Napakurap-kurap ako. Magsasalita na sana ako nang unahan niya na ako. “I’d prefer a black coffee for you because of your hangover.” Sabay ngiti niya sa akin bago humarap na naman sa kitchen counter.

Emegesh~ Kung ganito ba naman araw-araw, ewan ko nalang kung hindi ka mababaitan kay Dustin the gangster. >/////<

“Here’s your coffee. Eat well. Masarap yan.” Umupo siya sa tabi ko. As in, naghila pa siya ng upuan sa tabi ko! SA TABI KO MISMO! “Ako nagluto nyan eh.”

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon