Chapter 1: Do they really exist?

9.5K 252 22
                                    



Chapter 1: Do they really exist?


Drexel's POV


Drex! Drex! – sigaw ni Rocco


Nilingon ko siya at nakita ko siyang tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko, nang makarating siya sa tabi ko ay nagsimula na ulit akong lumakad papunta sa room namin, I'm Drexel Guiao, 20 years old, 3rd year college


Drex anong gagawin mo pag nagkaroon ng Vampire apocalypse? – tanong niya, na siyang nagpalingon naman sa akin, kusang tumaas ang kilay ko sa tanong niya

Ano nanaman bang nahithit mo at kung anu anong pinagsasasabi mo dyan? – tanong ko

Drex! Totoo sila! – sabi niya

Nakakita ka na? – tanong ko naman

Hindi pa – nakangiting sabi niya yung tipong guhit na lang ang mata niya at kita ko lahat ng ngipin niya, napairap na lang ako at pinagpatuloy ko na ang paglalakad


Umupo na ko sa pwesto ko, first day of school ngayon, at ang ingay nila akala mo ilang taong di nagkita, katabi ko naman si Rocco


Hey tignan mo to may mga pinaghihinalaan daw na vampire!

Really? Nakakatakot naman!

Ano kayang itsura nila?


Napakunot naman ang noo ko dahil sa usap usapan nila, Vampires? Do they really exist?


Sabi sayo totoo sila eh – bulong ni Rocco sa akin

It's not proven Mr. Tizon, pinaghihinalaan pa lang – sabi ko naman, sakto naman ang dating nung teacher namin

Take your seat everyone! Mamaya na yan – sabi ni Sir. Dy, agad namang nagsisunod yung mga kakalase ko


Gweneivere's POV


Kasalukuyan akong nakatulala sa kawalan habang naka halumbaba at nilalaro ng dila ko ang mga pangil ko ng makaramdam ako ng papalapit na energy, yeess naman! haha


Oooppss – sabi ko pagkaiwas ko sa pagbatok niya sa akin

Tsk itago mo nga yang pangil mo kung ayaw mong lagariin ko yan – sabi ni mom

Grrr – umakto pa ko na parang tigre at akmang mangangagat, napaatras naman si mom

HAHAH! – tawa ko at kumunot nanaman ang noo niya

Ikaw talagang bulinggit ka – asar na sabi niya, at saka bumalik na sa kitchen,

Pshh porket maliit ako – asar na bulong ko hindi ko talaga alam kung bakit 5'5 lang ako, ang height ko ay dapat nasa 5'7 eh tsk!

Mom nasaan na si Dad? – tanong ko naman at saka humalumbaba ulit sa may bar namin

Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na wag mo ng hanapin ang ama mo – sabi naman ni mom habang nagbebake

My Savage Dhampir!Where stories live. Discover now