"Ah-eh, ano kase Kuya, may pupuntahan pa ako. Hindi pa ako uuwi." Sabi ko sa kanya. Napakunot naman yung noo nya, yung kunot na parang nagtataka ganern!



"Saan naman?" Tanong nya.

"Pupunta ako kila Dheo, tutulungan ko syang tapusin ang research nya." Sagot ko kay Kuya. Bigla namang sumeryoso ang tingin nya sa akin.

"Hah? Bakit sa kanila pa? Pwede naman dito sa school." Sabi niya

"Hindi ko alam, pero don't worry Kuya. Ihahatid nya naman ako sa atin before seven. Nandun na ko kapag dinner na." Sabi ko kay Kuya.


"Okay, basta before seven dapat nasa bahay kana, kung hindi malalagot sa akin ang Dheo na yan." Matigas na sabi ni Kuya.

Mukhang seryoso sya sa sinasabi nya. =_=

Nakakatakot naman si Kuya March.

"Opo Kuya, sige ingat ka sa pag-uwi. Bye."Sabi ko sabay beso sa kanya.

"Mauna na ko, bye." Pagpapaalam sa akin ni Kuya, pumasok na sya sa kotse nya at pinaandar na ito palayo.

Haayyy, mabuti naman at pumayag si Kuya March. ^_^

Tuloy ang pagpunta ko sa condo ni Fafa Dheo! Yeeeyy!

"Tara na sa kotse."

"Ayy pwet ng itik na kulay pink!" Gulat na sabi ko.

Mygaaadd! Aatakihin ako sa pink kong puso.

Sino ba yun?

Paglingon ko.

❤_❤

Fafa Dheo.

"Hehe, nagulat ba kita? "Tanong nya sabay ngisi.

"Hindi ba halata? Nakakaloka ka, bigla ka nalang sumusulpot." Sabi ko habang nakahawak ang aking kanang kamay sa dibdib ko .

"Sorry na, Hehe." Aniya.

Napapadalas na ata ang pagngiti nitong si Fafa Dheo.

Mabuti naman. :)

Super gwapo nya talaga kapag nakangiti sya! ♡_♡

Pumasok na kami sa kotse nya at sinumulan nya na itong paandarin.

After ng ilang kembot na pagda-drive ni Fafa Dheo ay sa wakas nakarating na din kami!

Naglakad na sya papasok sa building, ako naman nakasunod lang sa kanya.

Pumasok na kami sa elevator, tapos pinindot nya ang number 14.

So sa 14th floor pala ang condo ni Fafa Dheo.

Iiiihhh! Na-eexcite na kong makita yun!

Ngayon, nasa harap na kami ng pinto ng condo nya.

Pinindot nya ang pass code 103115

Tinandaan ko talaga ang pass code ni Fafa Dheo, syempre para kapag pumunta ako ulit dito alam ko na. Whahiihi!

Pagbukas ng pinto.

O_o

Wow.

Ang ganda ng condo ni Fafa Dheo. Parang lahat ng gamit nya dito mamahalin.

Ang laki at ang luwang ng condo nya.

May chandelier pa sya, ang taruuyy talaga,.

Hindi kaya sya nabo-bored mag-isa dito?

The Guy Who Never Noticed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon