Snippets

7.7K 161 16
                                    

Pitong buwan. Pitong buwan na parang pitong araw lang dahil sa sobrang saya. Talaga palang hindi mo namamalayan ang panahon kapag nag-eenjoy ka no? Hindi ka nagsasawa, hindi ka napapagod. 210 days na pala niya kong minamahal. 5040 hours na pala ng buhay ko ang sobrang sulit dahil nandyan siya. 302400 minutes, 18144000 seconds and counting, hanggang sa hindi na kaya ng calculator ko ang haba ng mga numero, hanggang sa makailang palit na ako ng kalendaryo.

~

“What if we make a list of don’t’s for each other?” sabi ni Kurba. Kakatapos lang kasi ng mababaw na tampuhan namin dahil sa slight na selosan kaya niya siguro yon naisip. O siguro nga baka hindi pa tapos ang tampuhan.

“Seryoso ka ba?” sabi ko.

“I think we have to do this just to avoid upsetting each other. One hour? Enough na yun ha.”

“Okay sige na nga. Dun ka sa room mo! Walang silipan.” sabi ko. Naglakad na siya papasok ng kwarto niya at sinara ang pinto. Naghanap naman ako ng memo pad sa coffee table niya at nagsimula nang mag-isip.

Hala ka, nangatngat ko na yung buong ballpen wala parin akong nasusulat! Ano nga bang ayaw kong gawin niya para sakin? Hindi ko alam kung kaya ako walang masulat eh dahil sa sobrang dami o sa wala talaga. Nako baka naman siya napuno na niya yung papel para sakin.

“Time’s up!” sabi niya pagkalabas niya ng pintuan. Sinusubukan ko namang silip-silipin ang hawak niyang papel kung marami bang nakasulat pero hindi ko naman makita.

Napakamot nalang ako ng ulo. “Ano ididiscuss pa ba natin ‘to?”

“Kung gusto mo.” umupo siya sa tabi ko at inaabot ang tinuping papel na hawak niya. Tumalikod ako sandal at finold din ang akin at nagpalit na kami.

Natetense akong buksan, bakit ganon?! Napangiti naman ako sa nabasa ko pagkabukas ko ng papel. Sa hinaba-haba non, iisa lang ang nakasulat.

Never change anything for me.

Napangiti nalang din siya nung nabasa siya ang sinulat ko.

Wag na wag mo kong iiwan.

~

“Magpapagawa talaga ako ng parang little theatre sa bahay natin para pwede tayong mag-movie kahit kailan natin gusto.” sabi ko habang nakapila kami sa bilihan ng popcorn dito sa sinehan. Napangiti naman siya sa sinabi ko.

“Diba? Para pwede rin makapanood yung mga anak natin kahit bagong labas palang sila, kahit mga two weeks palang, ganon. Haha! Ay, mag-business narin kaya tayo ng popcorn? Para unlimited supply!” dugtong ko.

Natawa naman siya at hinampas ako. “Gusto ko yan.”

“Am I planning this too soon?” sabi ko at natawa.

Ngumiti siya. “Nothing’s too soon if it’s gonna happen anyway.”

~

Nakahiga ako habang pinapanood siyang nagsusuot ng earrings sa tapat ng salamin. May night out with her girl friends kasi siya ngayon, manonood daw sila ng stage play na nung unang panahon pa ang setting. Minsan talaga napapaisip ako na si Kurba talaga ang mas majonda saming dalawa eh. Chos.

“Ayaw mo ba talaga akong isama? Promise hindi na ako makakatulog! O basta susubukan kong hindi. Sige naaaaa.” sabi ko. Last time kasi na sumama ako sakanila, nakatulog ako dahil sa sobrang pagka-bagot! Pagkalingon daw ni Kurba sakin eh humihilik na ako ng slight.

All This Time | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon