Adobo Effects

6.2K 108 7
                                    

“K.. ah.. pwede bang.. pwede bang ma ah..”

Slightly namang nakanganga narin si K habang naghihintay sa sasabihin ko.

“P-pwede bang makikain?”

)!*(*#& Good job Vice! Siguro kahit ang mga langgam at lamok sa paligid namin ngayon ay napa-facepalm sa sinabi ko. Eh kasi naman, parang di ko pa keri sabihin. Parang umurong yung dila ko bigla. Jusko! Dinaot ba naman ang sarili! Ang sarap magpalamon sa lupa ngayon at maglaho nalang bigla dahil sa kahihiyan!

Natawa naman si K nang mahina at hinampas ako sa braso. “Oo naman. Yun lang pala sasabihin mo, nauutal ka pa dyan. Akala ko naman tuloy kung ano na..”

“Ha? Ha ha ha. Nakakahiya kasi eh baka pagod ka na.” sabay kamot ko sa ulo at napayuko.

“Okay lang no. Tara na sa loob, ipagluluto na kita ng adobo.” at ngumiti siya.

~

Hirap-hirap naman akong pigilan ang sarili na iumpog ang ulo dito sa elevator habang paakyat kami sa unit niya. Moment ko na yun eh, anyare?! Oo gutom ako, pero natalo talaga ng tiyan ko yung bunganga ko? Ang pwede bang manligaw, naging pwede bang makikain. Hay buhay!

Hindi narin kumikibo si K, pagod na nga talaga siguro. Pagdating namin sa unit niya, pinaupo lang niya ako at pinagpahinga at siya na raw ang bahala sa kusina. Nagpalit lang siya ng tsinelas at itinali ng naka-bun ang buhok. Hindi ko naman napigilang panoorin lang siya at hinayaang dumaldal lang ang TV sa harap ko.

“May matutulong ba ako dyan?” sabi ko.

Nagulat naman ako sa lakas ng pag-chop ni K sa manok na para bang naglalaro ng pukpukan sa arcade. “Wala, ayos lang. Mabilis lang naman ‘to.” 

“Ah. Okay. Gusto mo bang i-chop din yang chopping board mo?”

Nag-chuckle naman siya at naging mas marahan na sa pag-chop ng manok. Napangiti naman ako.

After ilang minutes, natapos narin ang pagluluto ni Kurba at dinala nalang niya sa sala ang pagkain. Ang bango! Naaatat na yung tiyan ko.

“Bakit isang plato lang? Dyan ka ba sa kaserola kakain?” biro ko. Hindi naman natawa si K.

“Busog pa ko eh. Mamaya nalang siguro. Sige na kumain ka na.” sabi niya at kinuha ang remote at nag-flip through the channels.

Sa sobrang gutom ko, hinayaan ko nalang din muna siya. Hindi naman pasaway si Kurba sa pagkain kaya kakain din yan mamaya, healthy naman yan eh. Nagsimula na akong kumain at sinabawan ang kanin, yun talaga ang gusto ko pag adobo ang pagkain eh.

All This Time | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon