Anyayare 1.0

32.6K 201 4
                                    

Ilang araw nang parang may naglalabang mga bandido sa utak ko. Nakakaloka. Kahit pagoda ako sa magdamag na taping, hindi ako makatulog dahil sa kaartehan ng malikot kong isip. Anyayare ba sa bakla? Jusko. Pikit. Hinga. Yakap sa unan. Gulong. Ahhhhh!

"Wit ko na keri!" sa sobrang frustration ay di ko na napigilang maisigaw ang nararamdaman ko.

Bumangon ako at umupo lang sa higaan. Tinignan ko ang phone ko, 2:31 am na. Kanina pa atang 12 nakahilata na ako dito. Iba't ibang posisyon na ang nagawa ko, umaasang makakahanap na sa wakas ng komportableng pose nang ma-knockout na. Na-consider ko na rin tawagan at pumarty kasama ang mga beks ngayon kaso hindi na talaga keri ng katawan ko. Paano ba ako makakaborlog? Mukha na namang natamaan ng mga bato sa welga yung mata ko nito bukas.

Binuksan ko ang radyo. Nakakatulong makapagpatulog minsan ang makarinig ng mga random na senting kanta sa mga ganitong oras.

Static. It's the freedom of a thousand doves, baby you should paint- I'll never be the same if we ever meet again, wo-

Lipat lang nang lipat, para kasing may gusto akong marinig na kanta ngayon na hindi ko rin alam exactly kung ano. Wag kang mabahala, may nagbabantay sa dilim- Nabokot naman ako sa kanta! Static. Sa Bonux 3-in-1 tanging-

I tried to run from your side, but each place I hide, it only reminds me of you. When I turn out all the lights, even the night, it only reminds me of you.

"Susmaryosep, ang soundtrack ng gabi." sabi ko. Minsan nananadya talaga ang tadhana, itong kanta pa talaga ang nasakto. Kinuha ko ulit ang phone ko, half expecting na may magtetext bigla at makakachikahan ko ngayong hindi ako makatulog pero waley. Kung sino naman ang taong inaasahan kong yun ay wit ko rin alam.

"Hay nako bakla binibigyan ang sarili ng mga problemang hindi naman nag-eexist." Humiga na ako at pinilit alisin lahat ng nasa utak ko ngayon. Bukas na lang ako mag-iisip. Kailangan ko na mag-beauty rest.

~

Umaga. As usual, pagkagising ko ay chineck ko ang phone ko for messages. Puro mga reminders sa mga commitments ko this week and the next, at nakakaloka may quotes pa, uso pa ba 'tong mga pagsesend ng quotes?

"Baklang 'to talaga naiwan sa stone age." natawa naman ako sa sarili kong joke kahit waley. Ano bang nangyayari sakin?! Bukod sa mga messages na yun eh wala nang interesting sa inbox ko. Sana may good morning man lang akong natanggap galing kay..

Ha?! Galing kanino?! Wala naman akong ineexpect! Kaloka ka girl, kagabi ka pa ah. Kape-kape na nga at papasok ka pa.

~

Hallway. In fair, ang aga ko today ha! Hindi naman kasi talaga ako masyadong nakatulog eh. Medyo maraming dressing rooms ang dadaanan ko papunta sa akin, at lahat ng ‘to wala pang mga laman.

“Magugulat itong mga ‘to mamaya na naunahan ko pa sila.” sabi ko at tumawa.

“Uy! Ang aga mo ngayon ha?” sa gulat ko sa boses sa likod ko, napahawak ako sa puso ko at hinimas ito para kumalma. Paglingon ko, si Karylle pala.

“Kaloka ka girl. Sana tinapik mo muna a-” sa hindi ko rin malamang dahilan, bigla akong natigilan nung natignan ko siya ng mabuti. Nakadress lang naman siya, light make up, at nakalugay ang buhok. Sobrang simple, the usual K every day, pero ngayon.. sobrang ganda talaga niya.

“-ko! Alam mo namang magugulatin ako!” sana hindi naman niya napansing natulala ako for a split second, okay split seconds. Medyo nag-OA pa ako sa paghinga nang ma-break naman ang tension. Fortunately gumana at tumawa siya.

“Sorry sorry. Nagulat din kasi ako sa presensya mo dito ng ganito kaaga!” sabi niya.

“Ouch. I’m deeply hurt!”

Hinampas naman niya ako ng beri beri light sa braso. For some weird, strange, rare, and unknown reason ay nailang ako na para bang first time niya ‘tong ginawa, pero hindi naman. Instinctively, lumayo ako sakanya ng konti. Para bang takot na takot makuryente sa sparks na biglang naglipa- Ha?! Sparks?!

“Ahh o sige pupunta na ako sa dressing room ko ha nang makapag-paganda na at makatulog saglit sige ha bye!” dali-dali akong naglakad palayo sa kanya at hindi ko na narinig o nakita kung anong reaksyon niya sa sobrang awkward encounter na yun. Pumasok ako sa dressing room at sinara ito at nag-walling. Chos. Pero anyare sakin?! Bakit nga ba feeling ko ang awkward nun?!

~

Live na kami. As usual, magkatabi kami ni K sa blocking. Hindi ko mawari kung anong meron pero hindi talaga ako komportable sa kanya ngayon. Diyos ko, bakit mo ako tinotorture ng ganito? Chos. Ang arte ko lang din eh. Ano nga bang meron? Para namang hindi pa ako nasanay na ganito ang blocking namin, sa araw-araw ba naman namin ‘tong ginagawa, ngayon pa ako mag-iinarte?

“Vice!” siniko ako ni Vhong at tinuro ang prompter. “May sasabihin ka!” natawa silang lahat.

“Ha? Ah! Masaya at nakakabusog ang araw-araw na tanghalian dito kaya makisalo na sa amin, halika na, tara! This is Showtime!”

Ayan sige lutang pa bakla. Naglakad na kami papunta sa mga spots namin sa audience nang bigla akong kausapin ni Kurba. “Uy, okay ka lang? Parang wala ka ata sa sarili mo today?” nakakunot ang noo niyang tanong sa akin.

“Nasayo na kasi ako.” HA?! Anong sinabi ko?! Nagulat naman siya at hindi agad naka-react. Tumawa nalang ako kunwari para mawala ang awkwardness. “Ito naman di mabiro! Hopia ka rin K ha. Okay lang ako, kulang lang sa tulog.”

Natawa naman siya nang parang may halong.. disappointment? “Halata ko nga. Sige tara na.” at umalis na siya.

Pero teka, ano yung sinabi ko?! Wala, pinagttripan lang ng utak ko si Kurba. Nasanay narin sa araw-araw kong gawain yan kaya nag-kusa siya ngayon. Oo tama, ganun nga.

All This Time | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon