False Alarm

17 1 1
                                    


[Zoe's POV]


Bagong umaga na naman. Thanks kay God.

Kasalukuyan akong nag lalakad papunta sa department namen.

Kahit kailan talaga hindi kame nag kakasabay pumasok ng tatlo. Ang lalayo ng mga bahay namen kaya sa room na lang kame nag kikita.

Habang nag lalakad ako. Di ko alam pero kinakabahan ako. Habang papalapit ako sa department namen.

Ilang minuto din bago ako nakarating. Kaya dumiretso na ko sa room namen.

Pag pasok ko sa loob. Hindi sa nag a-assume ako. Pero lahat ng mata nila sa akin naka tuon.

Lumingon ako sa likod baka kasi may nasa likod ko. Pero wala naman. So? Sa akin nga sila naka tingin.

"Baakklllaa" bulyaw sa akin ni Mikey. Kaya dumiretso na ko sa tabi nya.

Wala pa pala yung dalawa.

"Bakit parang famous ako ngayon? Anong meron? Lahat sila naka tingin" inikot ko yung paningin ko dahil naka tingin pa rin sila sa akin.

May kulangot ba ko sa muka? Kinapa ko muka ko, wala naman.

"Hinahanap ka kasi ni Zack"

"Huh? Sino yun?" Takang tanong ko.

"Gaga, hindi mo kilala yun? Yun yung kaibigan ni Troy, kilala yata yun sa buong department at kalapit na department noh. Sya lang naman yung binato mo ng bola kahapon. Nagulat nga kame sa ginawa mo, pero happy kasi nakaganti na rin ang angkan ng mga bading" nakangiting sabi nya.

Pero biglang nag bago ang ekspresyon ng muka nya. Parang natatakot na naiinis.

"Pero ang gwapo nya. Teka nga di mo ba alam na demonyo daw yun dito sa campus? Pati daw babae pinapatulan nya" kwento nya, na animo parang nag ke-kwento ng horror story.

Zack pala ang pangalan nya. Pero kaibigan ni Troy? Hindi ko kilala. Bago lang kasi ang muka nya e.

Kinabahan tuloy ako. Baka mamaya gantihan nya ko dahil sa ginawa ko kahapon. Wag naman sana.

Mamaya pag bantaan nya buhay ko, rapin nya ko at kung ano pa ang gawin nya sakin masama.

Haist >< kung anu-ano na pinag-iisip ko.

Napailing naman ako ng bahagya. Ganun na ba yun kasama?

"Galit ba nung hinanap ako?"

"Hindi naman. Blangko nga ang muka nya e. Pero Zoe, kilala ka pala nya. binaggit nya pangalan mo e."

"Huh? Siguro tinanong nya kay Troy"

"Siguro nga. Alam mo ba nung dumating yun dito kanina. Grabe mag pa cute yung ibang babae, tapos nung hinanap ka. Yan, naging busangot pag mumuka nila" pinag tuturo nya pa yung mga blockmate namen.

Tinignan ko naman yung paligid. Buti na lang at hindi na sila naka tingin sakin.

"Hayaan mo na lang sila"

Sakto namang mag kasunod pumasok yung dalawa. Tyaka si sir Accounting. Naka limutan ko pangalan ni Sir.

Kaya umayos na kame, at pumunta na ko sa harapan.

Pag accounting talaga ang subject namen nahiwalay ako sakanila. Kasi pag katabi ko sila puro kalokohan ang natututunan ko. Favorite ko pa naman ang accounting.

--------------

Natapos ang dalawang oras tapos na yung klase, isang oras pa kasi bago yung susunod nameng klase.

Bad Boy Owe HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon