The Past

39 3 0
                                    

[Zoe's POV]

Pag ka uwi ko. Nakita ko si Xai na nag gagawa ng home work nya sa may sala. Kaya hinanap ko si mama

"Xai, si mama?" pang aabala ko sakanya.

Wala naman akong kailangan kay mama e. Basta hinahanap ko lang sya palagi pag uwi ko. Parang mas magaan lang sa kalooban ko pag nandyan sya.

"Nasa kusina. May ginagawa"

"Ok" pumunta ko sa kusina para ipaalam na naka uwi na ko.

"Ma, nandito na ko"

"Bumaba ka na lang pag kakain na"
Tugon ni mama,  medyo di naman ako lumapit sa kanya.

"Opo" Kaya dumiretso na ko sa taas para pumunta sa kwarto ko.

Pag pasok ko sa kwarto agad kong binaba ang gamit ko sa kama, tyaka umupo. Iniisip ko yung nangyari samin kanina ni Troy.

Hindi naman sya ganun dati e, dati simple lang sya, dati tahimik, dati parang seryoso sa lahat ng bagay, dati kame pa (─ ─)

Siguro dahil yun sakin kaya sya nag ka-ganun. Hindi sa nag a-assume ako. Pero sa pag kaka-alam ko, ako ang huli nyang naging girlfriend. Ibang iba sya ngayon. Nasaktan ko ba sya ng sobra?



*FLASHBACK*


mag kasama kami ni Troy sa mall, nag yaya kasi sya na mag date kame. Kaya eto nag lilibot kame habang mag ka holding hands


pag katapos namen na mag libot. Napag desisyunan namin na manuod na lang ng sine. Showing ngayon ang hinihintay kong horror movie.Kaya exciting to.



Bumili kame ng maraming pagkain. Sinadya ko talaga yun para pag magugulat ako itatapon ko na lang sakanya. syempre joke lang mahal na mahal ko kaya to.


nang maka-bili kame ng ticket ay pumasok na kame kaya nag hahanap na kame ng mauupuan. Nang makahanap kame ay pumuwesto agad kame.



"Zoe?" nagulat ako kasi nandito rin pala sila Cerry kasama nya yung boyfriend nya.


"Cerry? nag de-date din pala kayo noh?" pang aasar ko kay Cerry "Hi! Jack"


"Hi Zoe" bati nya sakin pabalik


"Boyfriend ko nga pala" pakilala ko kay Troy.


at nag batian naman ang dalawa. 

Nag umpisa na ang palabas kaya kanya kanya na kame ng tutuok sa big screen.


ng nasa kalagitnaan na kame ng panunuod lagi akong nagugulat. kaya nababawasan yung popcorn na hawak ko. Natatawa naman tong si Troy sa bawat reaksyon ko. Kaya nag pi-peace sign na lang ako.


Sobrang tutok ang camera doon sa scene tapos may biglang sumulpot sa harap ng camera na mas kinagulat ko. Dahilan para matapon lahat ng popcorn sa damit ko.


napatingin naman sakin yung tatlo kaya medyo bumaba ako. nakakahiya kasi e. 


Bad Boy Owe HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon