Kabanata 3

5 0 1
                                    

**

Napag usapan naming magkakaibigan na mag overnight na lang sa bahay namin. At ito namang edward nakisali pa. Hindi naman babae. Narinig kasi niyang nag uusap usap kami kasi mag mo-movie marathon kami. Aba, tuwang tuwa ang unggoy. Gusto daw niyang panuorin ang Conjuring 2. Syempre naman hindi kami sang-ayon don takot kami lahat sa multo. At ang pinili namin ay She's Dating The Gangster ng kathniel. Todo kilig naman kami at iyakan.

Natulog kami agad kasi may pasok pala kami bukas. Akala kasi namin holiday kaya nga kami nag movie marathon.

Pagdating namin sa school, may pinag kakaguluhan ang mga boys sa room namin. Agad agad din kaming tumakbo sa room at natanaw ko si edward na nakaupo lang at walang pakialam na nanunuod sa mga boys.

"Edward, ano yang pinagkakaguluhan ng mga mokong na yan?" Tanong ko sakanya. Hindi ko kasi makita. "Bagong salta dito. Transferee yan galing maynila.." Napa aaah na lang kami nila Jane at umupo na lang.

Pagdating ng teacher namin, ayon sinabi niya na may bagong transferee galing maynila.

"Hi. My name is Ellissa Rodriguez. It's a pleasure to meet you all. Sana maging kaibigan ko kayong lahat.." As if naman makikipag kaibigan kami.

Pagkatapos niyang magpakilala, yung attention parin ng mga boys nasa sakanya pa din except kay edward. Ewan ko ba sa unggoy na yan loyal masyado kay betty the frog. Nag discuss na yong teacher namin pagkatapos P.E pagkatapos lunch na.

Agad lumapit si Ellissa kay Edward at ang gagang Fia nakatingin sakanila. Aba nagseselos ang loka loka. Nagpakilala si Ellissa tapos nagpakilala din si edward na parang hindi interesado.

"Kay bago bago nilalandi na si Edward.." Rinig kong sabi ni Fia. "Selos lang yan." Sabi ko kay Fia. Inirapan na lang niya ako at nauna nang pumunta sa canteen.

"Zaf, tawagin mo si edward, lapit ng lapit si ellissa.." Sabi ni Fia. "Eh ano naman, para naman makahanap na ng bago si edward. Mas gusto ko pa yang ellissa na yan kaysa kay betty the frog.."  Ngiti kong sabi kay Fia at tiningnan ang dalawa.

Habang nakatingin ako sakanila, nahagilap ng mata ko si keiv na nakikipag usap sa mga kaibigan niya. Ang gwapo talaga niya. Lalakasan kona talaga ang loob ko at hihingiin ang  number niya kay clara. Kaya ko ba? Nakakahiya naman ata. Kaya ko to. Mamaya kukunin ko na at nang matext na siya.

Pagkatapos naming kumain diretso na kami sa room at umupo na, ako naman pinag iisipan ko pa kong ano ba dapat ang sasabihin ko kay clara para makuha ang number ni keiv.

(Uwian)

Nakita ko si clara. "Clara my friend?" Tawag ko sakanya. Agad naman siyang lumapit saakin. "O ano yun Zaf.." Tanong niya nang nakangiti. "May favor sana ako sayo." "Ano yun?" Kaya ko pa ba? Nahihiya ako. "Ano... Kasi.. Pwede bang... Ano.. Yong.." Pinutol niya ang sasabihin ko. "Bakla, ano ba yon? Magsalita ka nga ng mabuti.." Parang na curious ata siya sa sasabihin ko kaya kinukulit na niya ako. "Ano, sabihin mo na at nang makaalis na tayo dito.." "Sige na sabihin mona.." Pangungulit niya. "Ano kasi, pwede bang makuha number ni.." Pinutol na naman niya ang sasabihin ko. "Ni keiv? Oo naman. Ito oh.." Sabay pakita niya saakin number ni keiv. 09******123 Kevin. Okay. Saved!

Nagpaalam na kami sa isat isa at ako naman ngiting ngiti umuwi ng bahay. Aaahhhh! Lalalalala! Mygaaad! Excited na akong itext siya. Aahh! Saturday pala bukas, walang pasok. Okayyyyy.

My last loveWhere stories live. Discover now