Facebook Status [OS]

15 1 4
                                        

FACEBOOK STATUS ONE SHOT
©2016 by lil_agassi

"Ang cute mo!"

"Bakit? Selos?"

"Di ka man lang tumingin...."

Haaaay. Eunhyuk, ano ba yang mga status mo.. 3 consecutive facebook status na napaka mysterious. Si Eunhyuk o si Lee Hyukjae ay ang main dancer ng kilalang groupband ng school namin, ang Super Junior. Sikat siya dahil sa gwapo na, talented pa, matalino pa, tas ang kanyang gummy smile na dagdag pogi points para sa akin. Pero sino bang pinaparatingan ng mga status niya?

Siguro si Celine. Yeah right. Siya nga. Eh sino pa bang ibang babae ang compatible sa iyo? tsk. Hindi mo man lang ako napansin. Sabagay hindi naman ako yung tipong mapapansin agad na babae. Edi siya na!

"Hindi mo nga ako napapansin.."

And POST! Ayan. Gabi-gabi nalang akong nag po-post sa facebook at kung alam mo lang ikaw ang ibig sabihin ko dun.

*beep*

Woah~ may nag like agad? Tinignan ko ang Notifications ko at BOOM!

Lee Hyuk Jae liked your status 'Hindi mo nga ako napapansin..'

WAAAAHH!! Bigla ay parang nabuhusan ako ng malamig na tubig. Hyuk! ano ba!

*beep*

Lee Hyuk Jae commented on your status

WATDA! AAARRGGH!! Ki-nlick ko agad yung notif at nang ma-open na, agad napunta ang tingin ko sa comment box ng status ko.

"May pinariringgan ka nanaman. Sino? Ako ba?" feeling ko nag mumukha na akong kamatis dahil sa kilig!

"HA! hindi ah! kapal!" reply ko.

WAAAH!! kung alam mo lang! KUNG ALAM MO LANG!

"HAHA! de joke lang. Pero sana ako nga."

AAAHH! kill me now!! re-reply saana ako ulit nang napa-isip ako Anong ire-reply ko? Pero teka... so napapansin niya pala na lahat ng mga status ko ay may pinariringgan ako? WAAH!

Then I started typing...

"Oo, Hyuk. Ikaw nga. Hehehe" errrr.. ang easy to get naman pakinggan. In-erase ko ang comment ko at nag type ulit.

"Sing kapal talaga ng gilagid mo ang pagmumukha mo, Hyuk" eeeehh. Baka ma-offend siya at ma-turn off! Shocks, ANO BANG IRE-REPLY KO?! Napahiga ako sa kama at nag isip-isip.... pero wala talaga!

Agad sumagi sa isip ko yung nangyari kanina sa school.

Dala-dala ang 4 na libro, isang shoulder bag, at 2 visual aids, tinahak ko ang corridors ng main building. Bakit ba kasi sa harapan ako umupo? Edi ayan, napagdiskitahan ng Math teacher naming panot na malaki ang ilong na utusan kunin ang mga gamit sa table niya sa Math Department. 10 minutes left at matatapos na ang lunch break. Shit Jane, dalian mo kung ayaw mong malate! Kaya dali-dali akong lumakad kahit na nahihirapan akong makita ang nilalakaran ko.

"Hoy unggoy! Ayan na siya oh!" rinig kong sigawan ng mga tao sa corridor. Shit, mabubully nanaman ba ako neto? Dinalian ko ang pag lakad upang makaiwas sa mga bully. Hindi ko alam kung anong meron sakin pero napalingon ako sa kanan ko at dun ko siya nakitang prenteng naka-upo sa malapad na railings ng building. Ohmygooosh. Parang nag slow motion ang paligid nang napatingin din siya sa akin at dahan-dahang ngumiti. Nanlambot agad ang mga tuhod ko. Teka, nahulog ata panty ko, pupulutin ko muna ha? Shiiit! Dahan-dahan akong nag lakad habang nagkatitigan kami. Para bang napuno nang bulaklak ang palid at naging kulang pink ang background sa mga oras na iyon. My Eunhyuk, My Hyukjae, My pabebelalabs, may semento... WAIT WHAAAAAT? Semento!?

Facebook Status [ONE SHOT]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora