143 ♥

26 1 1
                                    

143 ♥

                              My first ever love story :)) Read it well! Hope ya'aall like it! ♥

         First day ng school ngayon. Pero tulad ng dati, late na naman ako sa pagpasok. Ano ba naman ang aasahan ko sa sarili ko? Ako nga pala si Barbie Chua. Baby ang tawag sa’kin ng mga talagang close friends ko. Simpleng babae lang ako, mabait, medyo matalino pero super friendly. Ito nga ang reason kaya love na love nila ko. 3rd year college na ako sa UST. 17 years of age at malapit ng mag-18 sa April. Kaya, heto ako at umaasa na sana makilala ko na someday ang magiging Mr. Right ko.

Diary #1

Malalate na ako kanina kaya nagmamadali na ko sa pag-akyat sa hagdan. Parating na kasi ‘yung LRT at kapag hindi ko pa ‘yun naabutan, paniguradong lagot na talaga ko sa prof ko. E kaso mahirap tumakbo dahil ang dami kong dala. Habang papaakyat ako sa escalator nahulog ko bigla ‘yung iba kong mga gamit. Nabunggo ko kasi ‘yung lalaki sa kamamadali ko o siya ‘yung nakabunggo sa akin.

“Ayy sorry! Nagmamadali kasi ako… Sorry talaga!” sabay pulot ko sa mga nahulog kong gamit. Napansin ko tuloy ‘yung isang libro na may nakasulat na ibang pangalan. Mike? Iyon siguro ‘yung pangalan niya. Iaabot ko na sana ‘yung libro sa kanya nang bigla siyang magsalita. ”It’s okay. Let me help you with that, ang dami mo kasing dala.” Kinuha niya ‘yung dalawang paper bag na hawak ko, pati nga rin sana ‘yung bag ko pero pinigilan ko na siya. Gentleman naman pala siya at mabait pa. Tinulungan pa niya ko sa pagsakay sa LRT kaya nakaupo ako. Kukunin ko na sana ‘yung gamit ko sa kanya nang magsalita siya, “Uhm, saang school ka ba nag-aaral? Ihahatid na kita, para ‘di ka na mahirapan pa sa mga dala mo” sabi niya ng makababa na kami. Malapit lang siguro ‘yung school niya sa school ko, sumabay kasi siya sa’kin nung bumaba ako sa Legarda Station. “Sa UST, ‘wag na kaya ko na ‘to… Thanks talaga ng marami.”

“Hindi ayos lang, parehas naman tayo ng school. Ihahatid na lang din kita.” Nagdalawang-isip pa ako nun, pero ngumiti na lang ako at sinabing “You’re really a nice guy, doon nga pala ako sa College of Architecture… salamat uli.” Napansin kong napangiti siya pero namula siya bigla nang makita niya akong nakatingin sa kanya. Pagdating namin sa building, nagpaalam na ko sa kanya at nag- thank you ulit. “Hanggang dito na lang ako. By the way, I’m Mike Mario Uy. See you soon Barbie…” Pagkatapos nun ay umalis na siya. Bakit niya alam ang pangalan ko? Wala namang nakasulat na pangalan sa mga libro ko, kaya imposibleng malaman niya ito.

Diary #23

            Almost two weeks na pala simula ng makilala ko si Mike. Hindi ko talaga maisip kung paano niya nalaman pangalan ko. Sigurado naman akong 1st time ko lang siya makita noong araw na iyon. Hindi rin naman siya kilala ng mga friends ko. Maaga akong pumasok sa school ngayon, nagbabaka-sakali kasi akong makita ko siya para naman makabawi ako. Pagpasok ko sa room, naalala ko na ngayon pala nakaschedule ‘yung favorit prof ng mga estudyante dito kaya siguro maraming tao. Every time na maglelesson kasi si Sir Fau may mga activities siyang inihahanda na sobrang interesting talaga. Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro nang may dumating na lalaki. Hindi ko siguro siya mapapansin kung hindi nagsitilian ‘yung ibang mga babae. Hindi ko makita ‘yung mukha niya pero siguro gwapo talaga siya. Nagbasa na lang ako ulit at hindi ko na inabala pa ang sarili ko sa bagong lalaking dumating. Doon siya umupo sa may likod ko. Nararamdaman kong nakatingin siya sa’kin pero hindi ko pa rin ito pinansin, tutal naman makikita ko rin mamaya kung sino man siya. Tapos ng mag-lesson si Sir kaya for sure magsisimula na rin ‘yung pakulo niya.

            “Okay class… ang activity natin ngayon ay simple lang… All you need to do is bring out a piece of paper and write your name on top of it.” Mapapansin mong lahat ay sobrang excited. “Baby ano sa tingin mo gagawin natin?” sabi ni Josh na close friend ko. “Ewan ko siguro magsusulat tayo ng something about sa sarili natin?” Kakasulat ko pa lang ng pangalan ko nang mapansin ko ang isang lalaki na napakapamilyar ang mukha sa’kin… Si Mike iyon… Bakit siya nandito?! ‘Di ko naman akalain na parehas pala kami ng kinukuhang course. Tumingin agad ako sa malayo nang bigla siyang tumingin sa’kin… My God nakakahiya! Naalala ko tuloy ‘yung lalaking nasa likod ko kanina, siya kaya iyon? Nagsimula na ulit magsalita si Sir Fau. “Ganito lang ang gagawin, papaikutin niyo ang papel ninyo hanggang sa makarating uli ito sa inyo. Lahat ay may chance na mahawakan ang lahat ng mga papel, isusulat niyo doon ang kahit na anong gusto niyong sabihin sa taong may ari nito. Matatapos lang tayo kapag nakabalik na sa inyo ang inyong papel. Na-gets ba ng lahat? May 15 seconds lang kayo para magsulat… Sa kada pito ko, ipapasa niyo ang papel sa katabi… Let’s start!”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 18, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

143 ♥Where stories live. Discover now