Chapter Eight

Começar do início
                                    

Sinulyapan niya si Kristian na nakatingin pala sa kanya. Mas matangkad ng di hamak ito sa kanya kaya naman tinitingala niya pa ito.

"Ang cute ng mga baby noh?"

"Mahilig ka sa mga bata?"

Tumango siya at lumabas ang magandang ngiti. At tiningnan muli ang mga batang napaka cute.

"Kayo po ba sir, mahilig sa bata?"

Hindi ito agad sumagot.

"Nagkakahilig pa lang."

Tumayo siya sa tabi ni Melody at tiningnan ang nga bata. Iba't ibang lahi ang mga ito, may maitim ang kutis, at may mga puti. Malalaman din agad ang mga may lahing asyano dahil may pagkasingkit at darker ang skin tone ang iba.

"Sir, alin sa kanila yung sa tingin mo Pilipino?"
Napaisip siya at isa isang tiningnan ng mabuti ang mga baby.

"That one. Yung may pagkamoreno."

"Pareho tayo ng hinala sir, pero ang mas kapansin pansin sa mga baby ng mga Pilipino, mahaba na agad ang mga buhok. Tingnan niyo yung karamihan, kalbo pa."

Napansin niya nga ito at natuwa. Naisip niya, sayang lang hindi siya nagkaroon ng kapatid. Mas maeenjoy niya siguro ang buhay kung may kapatid siya na makakalaro o aalagaan.

Lumitaw si Louisse sa viewing window at may karga na baby. Nag Hi siya sa mga ito at inasikaso ang bitbit na bata

"Bakit mahilig ka sa bata?"

Malungkot na ngumiti si Melody ngunit hindi iniiwas ang tingin sa  window.
"Kasi noong bata ako, dapat magkakaroon ako ng kapatid. Kaso na-ectopic pregnancy si mama. Kaya hindi nabuhay si baby."

"What's ectopic?"
"Yung, wala sa loob ng bahay bata yung baby. Sa case ni mama, nasa fallopian tube lang siya. Hindi talaga siya mabubuhay, kaya ayun."

"So you mean, only child ka?"
"Yup."

Tahimik lang na tumingin si Kristian sa katabi. He felt sad for her as well. They share the same feeling, wanting to have a sibling pero, hindi napagbigyan.

"I gotta sit down." Pagod na si Kristian sa pagtayo at masakit na ang paa.
Agad na umalalay si Melody at hinawakan ang isang side ng hip niya habang nakatingin sa injured foot nito.
Napasulyap si Kristian dito. He snaked his arm towards her shoulders, his hand touched her nape, and snaked it towards the other shoulder.

He felt his skin form goosebumps, and saw she had the same reaction.

Napatingin si Melody sa kanya at nagkasalubong ang kanilang mga tingin pero iniwas din agad ni Melody ang mata nito. She took hold of the wheelchair and helped him sit on it.

He knew he wasn't the only one who felt that.

"Noong nagaaral pa ako ng nursing sa Pilipinas, na assign grupo namin sa Delivery room. Public hospital iyon. Usually kapag araw marami kaming mga kasabayan sa pagduty, pero madaling araw noon, kaya yung grupo lang naming mga irregulars ang naasign."

Napansin niyang pinapalitan niya ang atmosphere sa pamamagitan ng pagkwento. Pero hinayaan na lang niya ito.

"One time, may isang pasyenteng nasa 40's na nasa labor room. First baby niya iyon kaya excited siya. Kaso sobrang tagal niya pa bago manganak kaya ang sabi ng Clinical Instructor namin, magpahinga muna kami. Maidlip para hindi maubos ang energy."

"Yung iba, agad na natulog. Pero ako tsaka yung leader namin, ayaw matulog kasi baka anytime manganak yung pasyente."
"After a few hours, noong chineck ko yung patient, nandoon pala yung Doctor, malapit na daw siyang manganak sabi ng doctor at dalhin na sa Delivery room.

200 Pounds Of TLCOnde histórias criam vida. Descubra agora