"You deserve better."
'Yan ang huling salita na narinig ko sa kanya bago ko siya nakita ngayong araw na may kasama nang ibang babae.
For the past two years, on and off na kami ni Alexander at onti onti nang nawawala kung ano mang meron sa amin. Pinipilit naming dalawa-- well atleast pinipilit KO na mag work 'yung relationship namin pero hindi talaga kami para sa isa't isa. Isang buwan na ang nakalipas simula noong sinabi niya iyon at iyon na rin ang huli naming paguusap.
Pinagtagpo pero hindi itinadhana.
Isa sa mga hugot na narinig ko kung saan saan. Siguro ganoon nga talaga kami. Hindi naman siguro mahirap mag-move on para sa kanya kasi bago pa niya tapusin 'yung relasyon namin, sa tingin ko ay wala na talagang natitirang lugar para sa akin sa puso niya. In short, hindi na niya ako mahal.
Hindi rin naging ganoon kasakit para sa akin ang lahat dahil onti onti na kaming nalayo sa isa't isa. Napagod ako. Napagod akong gawan ng paraan kung paano ko maayos 'yung relasyon namin. Napagod akong mag-effort sa lahat ng bagay para mapasaya siya sa lahat na napunta sa wala. Sana, balang araw masuklian lahat ng mga pagod ko sa sinasabi niyang better.
-----------------
Simula high school hanggang ngayon, hindi pa rin siya mawala sa isipan ko. How long has it been? 26 na kaming dalawa ni Elle. Nakatapos na ng college at nagtatrabaho na pero hindi ko pa rin nagawang magkagusto ng ganoong katindi sa isang babae. I know this sounds gay pero tinamaan ako. Matinding matindi.
Kung malas ka nga naman, simula ng high school ay nililigawan ko na siya pero sinagot niya at kinasal siya sa lalaking nagustuhan siya 3 years ago. Akala ko magkakaroon na ako ng chance noong nasa America kami pero hindi mawala wala ang itim na pusa. Nagpaka-gentleman na ako at lahat pero Jerome the friend pa rin ang tingin niya sa akin.
I went with dates with other girls pagkatapos siyang ikasal but damn they are pretty and all pero wala silang dating sa akin. Kahit pagsama-samahin mo pa silang lahat hindi pa rin nila matutumbasan si Elle.
Nasa good terms na kami ni Elle at asawa niyang si Julian bago ako mawala at ako pa ang naging official wedding photographer sa kasal nila. Syempre nag-volunteer ako kasi nga ang lakas ng tama ko diba. Pagkatapos na pagkatapos ng kasal ay lumayo na ako at hindi nakipagusap at nakipagkita sa kanila. I know that I am crazy but I am not a marriage wrecker for Pete's sake and now that I heard na may anak na pala sila. I just hope that someday I can find someone incomparable to Elle that I will fall in love with in a very unexpected way.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Unexpected Love
RomanceONGOING | Will two broken hearts make a new love? Or will they just go in their own ways? Hopeless Love Book 2 | The story of Nicole and Jerome ©etherealxxiv Started: August 2016
