Sixth Day

3K 151 18
                                    


"Althea..?" Tawag ni Jade.

"Althea.."

Kanina pa naririnig ni Althea si Jade. Halos mabingi na nga siya sa paulit ulit na pag tawag nito sa pangalan niya. Pero di niya ito pinapansin. In short nagbibingi bingihan siya.

"Althea.. ano ba!" Pigil ni Jade sa kanya sabay hawak nito sa kamay niya. Dahilan para huminto siya sa paglakad.

Agad niya ding hinila ang braso niya na hawak ni Jade, saka niya ito tinitigan.

"Ano bang problema mo? Kanina pa kita tinatawag pero di mo naman ako pinapansin." Reklamo nito.

Nag iwas siya ng tingin. "Can we just... finish this day?"

Napakunot noo ito.

"I'm sorry Jade. Medyo pagod lang ako at medyo masakit ulo ko. Gusto ko na sanang umuwi para makapag pahinga.." dahilan niya.

"Seryuso ka ba?" Taas ang isang kilay na sagot nito. "Kasi, wala akong nakikitang dahilan para mapagod ka. Isa pa wala pang isang oras tayong naglalakad dito sa mall. Don't tell me napagod kana agad, knowing na athlete ka naman diba at hindi ka mabilis mapagod." Kunot noong paliwanag nito.

Napabuntong hininga siya. "Masakit nga ulo ko Jade.. k-kaya siguro mabilis akong mapagod ngayon."

"Your not good in lying Althea." Pagkasabi nito nun ay muli nitong hinawakan ang kamay niya. "Hindi tayo uuwi hangga't sa hindi mo sinasabi kung ano talaga ang dahilan kung bakit..." napahinto ito bigla saka napalunok. "Kung bakit pakiramdam ko, gusto mo akong iwasan."

Bigla niya itong tinitigan at nakita niya nanaman sa mga mata nito ang malalim na kalungkutan. O baka nagkakamali ka lang Althea. "Jade--"

"May alam akong restaurant na kung saan makakapag usap tayo ng maayos." Putol nito sa kanya saka siya nito hinila pa exit sa naturang mall.

=/=/=/=/=/=/=/=/=

Nakatitig lang si Althea sa pagkain niya habang magana namang kumakain si Jade sa in-order nito.

Nilinga niya ang paningin sa naturang restaurant, may iilang kumakain din.

Muli niyang tinitigan ang pagkain, saka napabuntong hininga.

Napatingin siya bigla kay Jade ng pabagsak nitong inilapag ang hawak hawak na tinidor saka uminum ng orange juice at pinunasan ng napkin ang bibig nito.

"Hindi ka mabubusog kung tititigan mo lang yung pagkain."

"Wala akong gana." Matamlay niyang sagot. Saka siya nag iwas ng tingin.

Muli nanaman siyang napatingin dito ng ihampas nito bigla ang kamay sa table. Lumikha iyon ng kunting ingay. "Jade ano ba." Mahina niyang saway. Nakagat niya ang ibabang labi niya ng pagtinginan sila ng mga tao.

"Ikaw, ano bang problema mo? Kanina ka pa ah. Pwede bang tapatin mo ako Althea? Galit ka ba sa akin? May nagawa ba ako, para tratuhin mo ako ng ganito?" Sunod sunod na tanong nito.

Again she take a deep breath saka umayos ng upo. "Wala." Tanging sagot niya sabay iwas ng tingin.

Ramdam niya ang pamatay tingin ni Jade, bago nito inubos ang orange juice sa baso saka agrisibo itong tumayo. Naglabas din ito ng pera sa dala nitong pouch saka pabagsak na inilapag sa table at saka umalis sa harapan niya at nag martsya palabas sa restaurant na iyon.

Nagtatalo pa ang isipan niya kung susundan niya ito. And yes nagkasundo ang mga ito na sundan si Jade.

Sa parking lot niya na ito naabutan. Akmang sasakay na ito sa kotse. "Jade!

Napalingon ito sa kanya. "O bakit mo ako sinundan?"

Hindi siya makasagot. Bakit nga ba?

"Alam mo Althea, kung ayaw mo akong makasama ngayon sana kanina palang sinabihan mo na ako. Hindi yung ganitong nag iinarte ka."

Napakunot noo siya. Siya? Nag iinarte? "Jade di mo kasi ako naiintindihan." Diin niya.

"Talagang hindi! Paano kita maiintindihan kung di mo naman sinasabi kung ano talaga ang dahilan kung bakit... kung bakit magkasama nga tayo pero turing mo naman sa akin parang... invisible."

Hindi nanaman siya makasagot.

Inis na binuksan na ni Jade ang pinto sa driver seat.

"Jade.."

"Atlhea ano!?" Sigaw nito sabay malakas na sinara ang pinto. "Nakakainis ka na.."

"Ba..."

"Ano?!" Sigaw ulit nito.

"Bakit mo ako hinalikan?" Mahinang tanong niya. Pero alam niyang sapat na iyon para marinig nito ang sinabi niya dahilan para mapahinto ito.

Napakunot noo ito. "Dahil lang sa hinalikan kita kaya ka nag kakaganyan?"

Tinitigan niya ito. "Jade.. hinalikan mo ako." Diin niya. Hindi ba nito alam na mali ang ginawa nito. Oo ngat nasa in a relationship sila for one week pero, wala sa usapan nila ang ganung pangyayari. "Hindi mo dapat yun ginawa."

"Althea it's just a kissed. Isa pa girlfriend kita diba? You should've expect that."

"But I'm still your best friend Jade!" Sigaw niya na rin. "Hindi tayo totoong may relasyon. Sana bago mo iyun ginawa inisip mo pagkakaibigan natin! Sana man lang nirespeto mo iyon!"

"Althea... wala namang nawala diba? Di kita maintindihan. Masyado mo lang pinapalaki yung nangyari."

Naluha na siya. "That was my first kissed Jade.. kaya di mo maiintindihan kung ano ang mararamdaman ko!"

Gulat na napatitig ito sa kanya. Di ba ito nahalikan ni Ben dati? "H-hindi ko alam.."

"Dahil masyado kang selfish Jade. All this time mula pa noong mga bata pa tayo ako na lang lagi umiintindi sayo. Wala kang pakialam sa kung ano ang mararamdaman ko, basta lang masunod kung ano ang gusto mo."

Hindi ito sumagot. Nakatitig lang ito sa kanya.

"You know what Jade.. I'm done. Pagod na akong lagi ka na lang iniintindi. Tapusin na natin ngayon tong walang kwentang pagpapanggap na ito. Cause honestly Jade, I'm so tired of being your best friend." Pagkasabi niya nun ay tumalikod na siya at akmang aalis na.

"So ganun na lang Althea? Ng dahil lang sa hinalikan kita sisirain mo na pagkakaibigan natin? Ha?! God! Para kang bata! Napaka unreasonable mo."

Inis na hinarap niya ito saka nilapitan at hinila sa kwelyo ng suot nitong blouse gamit ang isang kamay niya. Actually nanggigigil na talaga siya sa galit. "Sana inisip mo iyan bago ka magmakaawa sa akin na tanggapin ang walang kwentang suhestyon mo bilang girlfriend mo! Dahil kung hindi dahil sa plano mong ito hindi sana tayo magkaka ganito. Ngayon sabihin mo kung sino ang bata sa atin? Ha?! Sabihin mo kung sino ang nakaisip sa walang kwentang idea na ito?!"

"Oo! Wala ngang kwenta tong idea kong ito and maybe I was so stupid para humingi ng pabor sa iyo! But let me just remind you Althea... pumayag ka sa walang kwenta kong idea.. kaya wag mong isisisi sa akin lahat!" Sigaw din nito sa kanya.

Napahinto siya. Napaluha nanaman siya. "Dahil hindi ko kayang nakikita kang umiiyak every time na nakikipag hiwalay ka sa mga nagiging boyfriends mo.. dahil... mahalaga ka sa akin Jade! And I'm your best friend! Gusto ko lagi kang masaya! Kaya kahit alam kong kabaliwan iyong hinihingi mong pabor pumayag ako, just to make you happy.." diniinan niya pa ang paghawak sa kwelyo nito habang ang isa niyang kamay ay humaplos sa pisngi nito. "But you don't do the same for me Jade." Pagkasabi niya nun ay binitawan niya na ito at napayuko siya.

"Althea.. I'm sorry. I'm really sorry." Niyakap siya nito bigla habang humahagulgol na sa iyak. "Please... stay with me.."

To be honest hindi niya alam kung ano ang sasabihin pa kay Jade. Pero isa lang ang nasisiguro niya..

She's so tired..

Pagod na pagod na siya sa mga nangyari sa kanila ni Jade..


One WeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon